07

269 9 0
                                    


Pag uwi ko agad kong nakita si Zia na nagluluto sa kusina. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at nag bihis. Walang gana akong lumabas ng tawagin niya ako para maghapunan.

"Anong muka yan?" Tanong niya saakin ng mapansin na wala ako sa mood.

"Wala. Pagod lang," tipid na sagot ko.

Tumango ito at nag simula nang kumain, pagtapos namin ako na ang nag hugas ng pinggan. Kakahiya naman, siya na nga nagluto siya pa mag huhugas. Pumasok na rin siya sa kwarto niya at natulog.

Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas nang may narinig akong katok mula sa pinto. Teka pupunta ba sila Tita Fe ngayon? Pero gabi na? O baka naman nag pa deliver si Zia ng pagkain? Tinapos ko na agad ang paghuhugas at pinunasan ang kamay ko.

Tinungo ko ang pinto at binuksan.
"Sino po si--" natangay ng hangin ang sasabihin ko nang mapagtanto kong sino ang nasa harap ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" medyo sigaw ko dahil sa gulat.

Ngumisi lang ito at parang tuwang-tuwa sa reaksiyon ko.

"Dinadalaw ka." Agad na sagot niya. Nilingon ko muna ang pinto kung saan ang kwarto ni Zia at tumingin ulit sa kaniya.

"Baka makita ka ng pinsan ko. Bakit kaba nandito?" Bulong ko sa kanya.

"Like I said.. I'm here because I miss you." Seryoso lang itong naka tingin saakin habang may kaunting ngiti sa labi.

Totoo ba ang narinig ko? Teka! Bakit niya naman ako mamimiss aber?

Inirapan ko siya at mabilis na hinila papasok. Dali dali ko siyang hinila papasok ng kwarto ko. Mahirap na baka makita siya ni Zia. Nako! Lagot talaga ako kay Zia nito. Kasalanan to ng lalaking to.

Umupo ito sa kama na akala mong feel at home talaga siya. Di man lang niya nilibot ang mga mata niya para tingnan ang kwarto ko. Bakit parang feeling ko alam na alam niya na ang kwarto ko? Ngayon palang naman siya naka pasok dito. Hayst anggulo!

Umupo ako sa kabilang side nang kama ko. Diko alam gagawin ko, bat kasi nandito to? Siyaka miss niya daw ako. Tsk kasinungalingan!

"So.... ahm--" magsasalita pa sana ako ng unahan niyako.

"Can I sleep here?" Diretsiyang tanong niya. Napakurap-kurap ako sa narinig ko, a-ano daw? Matutulog dito? Nababaliw naba siya?

"H-huh?" pag uulit ko sa tanong niya, baka kasi nabibingi lang ako.

Tumingin ito saakin at ngumiti. Gosh! Ang ngiting yun, feeling ko matutunaw ako anytime. Shesshhh ayokong maging marupok! Umiling-iling ako para mawala ang iniisip ko.

"Can I sleep here with you?" Ulit niya. Napa lunok nanaman ako. Anong isasagot ko?

Hindi siya pwedeng matulog sa kwarto ko, lalaki siya at babae ako baka anong-- argh!

"No." sagot ko.

He shrug and lay down to my bed without my permission. Halos mawalan ako ng hininga ng tuluyan na siyang humiga sa kama ko. Oh gosh... bakit pati pag higa niya angsexy?

"A-ano bang ginagawa mo? May bahay ka naman ah, bakit dito kapa matutulog." Saway ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Naka pikit lang ang mga mata niya. Bumuntong hininga nalamang ako.

So asan ako ngayon matutulog? Maliit lang naman ang couch sa sala tas magtataka siguro si Zia kapag doon ako matutulog sa kwarto niya.

Napasinghap ako ng may humawak sa pulsuhan ko at hinila ako pahiga. Halos magka dikit ngayon ang katawan namin, nararamdaman kong umiinit ang muka ko. Kung umaga lang to baka mukang kamatis na ang muka ko.

"Let's sleep."

Agad niya akong niyakap. Naririnig ko ang puso ko, kinakabahan ako na diko alam. Naririnig niya kaya? Hindi nalang ako gumalaw.

"I can feel it." mahina niyang boses, malapit ito sa leeg ko kaya ramdam ko ang hininga niya. Diko alam pero bakit parang anlamig? At ang katawan niya malamig din, o baka naman naiinitan lang ako kaya nalalamigan ako sa katawan niya?

Pinikit ko nalang ang mga mata ko, inaantok nako. Bago ako tuluyang nakatulog naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. Bakit parang pamilyar ang ginawa niya?


KINAUMAGahan wala na siya sa tabi ko. Totoo nga bang nandito siya? Pumasok nalang ako sa Cr at naligo. Magkasama kaming kumain ni Zia dahil medyo malalate' daw ang pagbubukas nila ngayon ng supermarket.

"Baka malalate' ako ng uwi mamaya. Niyaya ako ng isang staff sumama sa birthday niya kaya ikaw na magluto para sa sarili mo. May susi naman ako para hindi na kita gisingin para pagbuksan ako." Nililigpit na nito ang mga gamit at paalis na.

Tumango nalang ako at tinapos na ang pagkain. Umalis na din si Zia. Kinuha ko ang bag ko at nilock na ang bahay. Nilock ko na din ang gate bago tuluyang naghintay ng masasakyan papunta sa restaurant.

*BEEEEEPP* *BEEEEEPPP*

"Ayy kabayo!!" Napa tili ako dahil sa pagbusina ng itim na kotse. Kainis naman ohh nasa gilid na nga ako ng kalsada.

Teka pamilyar ang kotse nato. Saan ko nga nakita to? Biglang bumukas ang driver seat at may lumabas na matanggkad na lalaki. Naka tagilid ito kaya diko masyadong makita, naka shades din siya. Wala namang araw ngayon pero bat naka shade? Tsk mga mayaman nga naman.

Siyaka ko lang napagtanto kung sino ang lumabas sa driver seat ng tumingin ito sa direksyon ko. Siya? Paano pala siya naka uwi? Bakit di man lang niya ako ginising? Umirap ako sa kanya nang lumapit ito saakin.

"Ihahatid na kita." Agad na sabi nito ng nasa harap ko na siya, hinubad nito ang shades niya at tumingin sa mga mata ko. Umiwas naman ako ng tingin. Nakaka-ilang.

"Ayoko!" Lumayo pako sa kanya. Bakit naman ako magpapahatid? Kaya ko naman maghintay ng masasakyan.

"Sasakay ka o ipapasok kita sa kotse?" Ma autoridad na saad nito. Biglang nanindig balahibo ko. I bit my lower lip at umirap nanaman sa kanya. Wala akong choice kundi ang sumakay. Pinagbuksan niya ako ng pinto, padabog akong pumasok at isinuot ang seat belt ko.

Pumasok narin siya at pina andar ang makina ng kotse. Sa labas lang ako nakatingin habang nasa byahe.

"What's wrong?" rinig kong tanong niya.

"Wala." tipid na sagot ko. Wala ako sa mood, diko nga rin alam kung bakit. Huminga ito ng malalim bago mag salita ulit.

"Hindi ka mag tratrabaho ngayon. Mag dadate tayo." Napa tingin ako sa kanya.

Anong sabi niya? Mag dadate? Ano bang pinagsasabi niya? May trabaho ako, kailangan kong kumayod para mabuhay. Uunahin ko pang ang date kaysa mag trabaho? Ano siya gold?

"I can buy that fucking restaurant if you want me to!! Even you like it or not magdadate tayo."

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon