Chapter 20

139 2 0
                                    


(Third person POV)

Hindi mapakali si Xyrus habang hawak ang kamay ng kaniyang kasintahan. Dalawang araw na itong hindi nagigising at napag alaman niyang natinik ito ng itim na rosas, isa itong maka mandag na bulaklak na nasa mundo lang ng mga itim na mangkukulam makikita.

"Nakuha ko na sa kaniyang katawan ang lason mahal na prinsipe. Medyo na nahirapan ako dahil parang may pumipigil sa akin na gamutin siya. Sino ba ang taong ito?" tanong ng puting mangkukulam.

Tiim bagang na pinagmamasdan ni Xyrus ang dalaga. Alam niyang may kinalaman ang kaniyang ama sa nangyari kay Hevean.

"Siya ang magiging Ina ng mga anak ko Aviah. Malalaman mo ba kung kailan siya magigising?"

Nagulat ang puting mangkukulam at agad na napangiti. Alam nito na seryoso ang sinasabi ni Xyrus. Sa ilang daang taon na pagsisilbi niya bilang isang manggagamot ng mga pure blooded vampire ay ngayon niya lang nakita ang prinsipe na interesado sa isang tao.

"Hindi ko masasabi kung magigising siya kaagad, hintayin muna nating maka recover ang katawan niya mula sa lason."

Tanging tango lang ang sagot ni Xyrus at patuloy parin sa pag halik sa kamay ni Hevean. Lumabas na ng silid ang puting mangkukulam at si Wena, tanging si Hevean na walang malay at Xyrus nalang nag naiwan sa silid.

"I'm so-sorry baby.... hindi kita na protektahan, I promise mula ngayon hindi nako aalis sa tabi mo. I can't lose you Hevean.. I love you so much... mahal na mahal kita.." Napaluha na ito.

"please... gumising kana.... I miss you."

Pinahid nito ang mga luha sa mga mata at matiim na naka titig sa dalaga. Napaka inosente nito at napaka ganda, kahit sinong lalaki ay maaakit sa taglay nitong kagandahan.

"Pag gising mo gusto kong sabihin sayo lahat... at sana kapag nasabi ko na sayo hindi ka matakot at iwanan muko, natatakot ako. Ayokong mawala ka sakin, ayokong may ibang babae pakong mamahalin maliban sayo mahal ko." Ngumiti ito ng mapait at patuloy parin sa pag halik sa kamay nang dalaga.




(Hevean POV)

Nakapa ganda talaga ng mga rosas. Parang mas gusto ko sa lugar na ito, lahat ng nakikita ko ay bulaklak at lahat sila'y magaganda. Wala akong ibang nakikita kundi iba't ibang bulaklak lamang. Nasaan kaya si Xyrus? Nandito rin kaya siya?

Hinawi ko ang ibang bulaklak upang maka daan... may nakita akong isang kastilyo sa hindi kalayuan. Agad ko itong tinungo at katulad ito sa bahay ni Xyrus, hindi kaya nandito siya?

Agad akong kumatok ng ilang beses.
"Xyrus?" Tawag ko. Ngunit walang sumasagot. Kumatok ulit ako ng ilang beses.

"Xyrus?? Nandiyan kaba? Wena? Nasaan kayo?" tawag ko ulit sa kaniya pero walang sumasagot. Pinihit ko ang pinto at agad naman akong naka pasok.

Napaka liwanag dito hindi kagaya sa bahay ni Xyrus na madilim. Parang ibang bahay yata ito?

"Hello? May tao po ba rito?" Sigaw ko ngunit umeeco lang ang tinig ko sa buong bahay.

Napalingon ako dahil parang may nag uusap. Hinanap ko ang mga tinig na iyon at napadpad ako sa harap ng isang kwarto. Binuksan ko ito at agad na tumambad sa akin si Xyrus na naka ngiti.

Ngumiti ako dito at lumapit ngunit bago paman ako tuluyang naka lapit ay may agad na yumakap kay Xyrus at agad niya din itong niyakap pabalik. Teka sino ang babaeng ito?

Naka itim itong bistida at mahigpit na naka yakap kay Xyrus. Napaluha ako ng hinalikan ni Xyrus ang babae habang naka ngiti. Parang kumikirot ang dibdib ko..... Tumutulo ang luha ko at napahikbi sa nakita.

Napadako ang tingin ko sa tiyan ng babae, malaki ang umbok ng tiyan nito na sa tingin ko ay ka buwanan na.

"Xy.... Xyrus?" hirap na hirap kong sambit. Siyaka lang ito lumingon sa akin at ang babae. Nawala ang ngiti nilang dalawa at napalitan ng galit.

"Bakit kapa nabuhay?!" galit na sigaw ni Xyrus sa akin.

"Dapat namatay kana!! Sana hindi kana nabuhay pa!!" Sigaw ulit nito. Napailing-iling ako sa sinabi niya. Hindi siya ang Xyrus na nakilala ko. Hindi niya ako pag tataasan ng boses. Hindi niya ako pagtataksilan.

Hinawakan ako nito sa kamay at kinaladkad palabas ng kwarto.
"Nasasaktan ako Xyrus.... please..." Ngunit parang wala itong naririnig.

"Dapat hindi kana bumalik pa!" Sigaw nito at patuloy parin akong kinakaladkad. Tuluyan nang nanghina ang buong katawan ko ng bitawan niya ako sanhi para malaglag ako sa hagdan. Napa ungol ako sa sakit na nararamdaman... sobrang sakit ng katawan at puso ko.

Hindi niya magagawa sa akin to.
"Xy..." hirap na hirap akong sambitin ang pangalan niya. Kumikirot ang puson ko. Napa hawak ako sa binti ko dahil parang mag dumadaloy mula roon. Napa laki ang mata ko dahil maraming dugo ang dumadaloy sa binti ko.

No....... hindi pwede.

"Yan ang nababagay sa isang katulad mo Hevean. Ako na mismo ang papatay sayo."

Namula ang mga mata nito at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Xyrus.... a-ang a-anak natin..."

Sinakal ako nito dahilan para umangat ako sa ere. Nahihirapan akong huminga. Patuloy lang sa pag agos ang luha ko. Bakit niya ginagawa sa akin to? Hindi niya na ba ako mahal? Nasaan na ang Xyrus na mahal na mahal ako?

"I....l-love.... "

Tanging sambit ko bago dumilim ang buong paligid ko.


(Xyrus POV)

Agad akong gumamit ng kapangyarihan upang maka rating kaagad sa kwarto kung nasaan si Hevean. Ilang araw na siyang walang malay, narinig ko ang boses nito mula sa sala kaya agad akong pumunta sa kwarto nito.

Naabutan ko siyang umiiyak at patuloy sa pag sambit ng pangalan ko.

"Baby I'm here. Hushhhh now." Agad ko siyang niyakap ngunit patuloy parin ito sa pag iyak.

"Xy...rus" tanging sambit nito.

"You're having a nightmare. Please wake up baby ... I'm here." Hindi ko alam ang gagawin.

Pumasok si Wena at nagulat din sa nakita.

"Tawagin mo ulit ang puting mangkukulam. Hurry!" Sigaw ko sa kaniya. Agad naman itong umalis.

"Hushhhh now baby I'm here. I love you so much.... wake up please.." Hinalikan ko ito sa noo ngunit hindi parin siya nagigising. What wrong with her? Epekto ba ito ng lason? Patuloy parin itong umiiyak at pag sambit ng pangalan ko.

"Please... baby wake up."

Carrying the VAMPIRE'S BABY  (Ongoing)Where stories live. Discover now