Chapter 25

191 2 0
                                    

"Ang taong minamahal mo ngayon Hevean..."

Napa hinto ako sa sunod na sinabi nito, anong ibig niyang sabihin? Parang huminto ang pag-hinga ko sa narinig ko.

"A-ano?" Tanong ko ulit dito

Ngumisi ito at bigla akong tinalikuran, napa kagat labi ako at huminga ng malalim.

"Pwede bang ayusin mo naman ang sinasabi mo?! Hindi ko maintindihan, siyaka anong sinasabi mong minamahal ko ngayon?" Namumuo ang galit sa dibdib ko, hindi ko alam kung maniniwala bako dahil hindi ko naman siya kilala. Siyaka anong karapatan niyang sabihin sakin kung sino ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko, alam kong walang nakakita sa aksidenting iyon kundi ako lang.

"Alam ko ang iniisip mo babae, malalaman mo ang totoo kung ikaw mismo ang magtatanong sa kaniya."

"Sino ba ang tinutukoy mo?" Pasigaw na tanong ko dito dahil nag lalakad ito palayo sa akin.

"Xyrus."

Nagulat ako ng bigla nalamang itong mag laho na parang bula, nanindig ang balahibo ko sa nakita. Agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako papunta, wala akong makita kundi kadiliman. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha na namumuo sa mga mata ko, totoo ba ang sinabi ng babaeng yun? Maniniwala bako?

"H-hindi.... hindi.... na-nagsisinungaling siya..."

Hindi ko nakita ang ugat sa daraanan kaya naman bigla akong nadapa at nag ka sugat sa tuhod. Niyakap ko ang mga binti at yumuko, bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan, hindi ko alam kong maniniwala ako. Alam kong hindi niya magagawa iyon.

Napa yuko ako at pumikit, biglang nag sink in sa utak ko ang nangyari bago nangyari ang aksidente, may nakita akong lalaki sa daan at......

"Hevean.."

Napataas ako ng tingin at doon ko nakita si Xyrus na naka tayo sa harapan ko.

Mabilis niya akong binuhat. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami, naka upo ako sa sofa habang nasa harap ko siya at naka luhod.

"Please tell me kung anong nangyari... baby? Please.."

Hindi ko ito pinansin, para akong binihusan ng malamig na tubig at pinagsakluban ng langit at lupa, wala akong maramdaman kundi sakit at parang dinudurog ang puso ko.

Bakit siya pa?

"Ikaw ba??"

Nanginginig ang mga labi ko, natatakot ako... natatakot ako na baka totoo ang sinabi sa akin ng babaeng yun.

"What do you mean?" Naguguluhan ito.

"Xyrus..... ikaw ba ang dahilan kong bakit namatay ang mga magulang ko?!" Sigaw ko.

Bigla itong tumahimik at hindi maka tingin ng maayos sa akin.

"SUMAGOT KA!!"

"I'm sorry......"

Para akong nabingi.

"I'm so-sorry........"

Siya nga. All this time alam niyang siya ang taong iyon? Pero paano? Bata ako nun at... at siya...

"Paano? Paanong nangyari yun!?"
Napa iling-iling ako, hindi.... imposible....

"Ako nga ang taong iyon..... gusto kong sabihin sayo pero... natatakot akong mawala ka sakin."

"Natatakot? So all this time? Alam mo? Pero bakit!!! Bakit hindi mo sinabi sa akin! Bakit nakakaya mong magsinungaling sakin! Paano mo nakakayang ilihim sakin!"

Sigaw lang ako ng sigaw, wala na akong pakialam. Kung talagang mahal niya ako hindi niya magagawang mag lihim sa akin.

"I tried so hard na sabihin sayo-"

"You what!!? Tried? Really? You f*cking idiot!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Please.... "

"No!!"

Sinubukan nitong lumapit sa akin pero lumayo ako at tiningnan siya ng masama.

"Don't you ever dare to touch me again!"

"Please... makinig ka sakin-"

"Sa tingin mo maniniwala pako sayo? Sa lahat ng pwede mong ilihim sa sakin bakit yun pa? BAKIT XYRUS!!"

"Because I'm a f*cking monster!!"

Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata at tumawa, paano niya nasasabi ang mga katagang iyon sa sitwasyon namin ngayon.

"Wala ka na bang ibang sasabihin? Wala kanang ibang pwedeng palusot? Ano pa? Na may sungay ka at may pakpak ha?!"

Hindi ito umimik.

"Do you still love me right?" Malumanay ang boses nito pero wala akong pakialam.

"I will never loved you again."

Pag kasabi ko nun ay agad ko siyang tinalikuran.

Agad kong tinungo ang kwarto ko at niligpit lahat ng gamit ko, nanginginig ang mga kamay ko habang pinapasok ang iilan kong damit sa medyo may kalakihang bag. Hindi ko na alam ang gagawin at iisipin ko. Nasasaktan ako, ayokong mawala siya sa akin pero bakit ganito ang nangyayari?

Mag uumaga na kaya naman agad akong lumabas ng kwarto at tinungo ang pinto palabas, bago ko paman pihitin ang door knob ay nahagip pa ng paningin ko si Wena, malungkot ang muka nito.

Agad akong umiwas ng tingin at tuluyang lumabas, ayoko nang bumalik sa lugar na ito.

 Carrying the VAMPIRE'S BABY (COMPLETE) [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon