Kabanata 11

31 3 1
                                    

"Umagang umaga sira na agad ang araw ko kung ikaw ang una kong makikita dito."

Pinipigilan kong h'wag matawa dahil mainit na naman ang ulo ni Julia, naabutan namin si Enrico na prenteng nakaupo sa sofa.

"H'wag mo nalang pansinin, dedmahin mo ganuon." Sambit ko na kinatango nalang niya.

Alas-osto palang ng umaga at naghanda na kami ni Julia pumunta sa bayan, oo at mas maganda sa gabi kami pupunta sa perya pero hindi pinayagan si Julia ng kaniyang ama at baka raw mapahamak kami tiyak rin kasing madaming tao ang darayo sa perya.

Dumiretso nalang kami sa kusina para kumain, kahit na bawal sumabay ang mga taga-silbi sa kanilang amor ay wala silang magagawa. Gusto ko ni Julia na lagi niya akong kasabay.

Hindi rin ako nakatulog kagabi kahit na pagod na pagod ako dahil buong araw kaming gumala nitong si Julia. Kasalanan 'to ni Julio. Hanggang ngayon hindi parin nag-si-sink-in sa utak ko ang gusto niyang mangyari.

"Magandang umaga, Binibining Julia at Esteria." Si Mela ang unang bumungad sa amin pagpasok namin sa kusina para mag-umagahan.

Si Don Fernando ay kausap si Enrico sa sala at tiyak na nauna n itong kumain.

"Maganda umaga rin, Mela," sabay naming bati sa dalaga. "nasaan si Ina?" Tanong ko rito.

Ako ang naglagay sa plato ni Julia ng sinangag at isda, si Mela naman ang nagtitimpla ng kape para sa amin.

"Umuwi muna sa inyo, dadalhan ng pagkain ang iyong ama at bilin rin niya na dumaan ka muna sa bahay niyo mamaya bago kayo pumunta sa bayan."

Kumunot ang noo ko, baka may ipapagawa o ibibilin si Ina. Sa mga nakaraang araw ko rito, nakasanayan ko nang tawagin sila ama at Ina.

Ibang iba ang trato nila sa akin kahit na hindi naman talaga ako ang kanilang anak. Kung pwede ko nga lang sabihin ay matagal ko nang ginawa pero hindi pwede. Misyon ko ito na dapat kong tapusin!

Nakaka-isang linggo palang ako sa panahon na 'to pero ibang ibang ang buhay ko rito. Nagkaroon ako ng kaibigan at parang kapatid na si Julia, close rin kami ni Mela dahil lagi siyang may kwento sa aming dalawa ni Julia. Alagang alaga ako ni ama at ina na hindi ko naranasan sa tunay kong buhay.

My mother hates me, my father leave me, my stepfather harassed me, I hate my school, I hate my friends, I hate my entire fuckin' life. I wish I had died.

Akala ko nung gabing maaksidente ako mamatay na ako, hanggang sa magising ako sa katawan ng ibang babae. Hanggang sa sunod sunod ang nangyari. Pero wala na akong takot katulad nung una, kada gigising ako sa umaga nakaka-excite dahil gagala kami ni Julia, makakapaglibot kami, at makakapag-enjoy na parang wala akong problema.

Iniisip kaya ako nila mama? 'yung mga kapatid ko napapakain ba niya nang maayos? may nagbabantay ba sa 'kin sa hospital? nakulong ba si tito dahil sa ginawa niya sa akin? pero alam ko ni isa sa mga katanungan na 'yan walang masasagot.

"Lalim ng iniisip mo, may problema ba?"

Napatingin ako kay Julia sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na naglalakad na kami papunta sa bahay kung saan tanaw ko na si ina at ama na halatang naghihintay sa aming pagdating.

"Wala naman. . ."

"Magandang umaga po," sabay naming bati sa mag-asawa.

Tango at ngiti ang sinagot nilang dalawa.

"Sabi po ni, Mela ay pinatawag niyo ako, Ina?" Tanong ko sa matandang babae.

"Oo at aking binalot ang iyong mga kasuotan, baka kasi wala ka nang masuot. Kinuha ko narin ang mga madudumi mong damit para malabhan," saad niya at may inabot na supot sa akin. "sige na at baka gabihin kayo sa bayan."

The Museum Of HistoryWhere stories live. Discover now