20

74 9 7
                                    

IVOS

"Okay, fuck. Bakit ako kinakabahan?" Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay tinanggal ang seatbelt ko. I just arrived at the venue kung saan magaganap ang concert ng Ben and Ben.

I don't know kung anong pumasok sa utak ko at si Zylie ang sinama ko. I can just ditch my cousins but then again I did not. Hindi ko naman pinagsisisihan na yayain si Zy because I genuinely enjoy her company. She's like a breath of fresh air to me.

But still asking her to be my date? Hindi ko 'yon na-imagine. It's been a long time since lumabas ako for dates. Parang nawala nga lahat ng kaalaman ko pagdating sa mga bagay na 'to. I was not interested in being in a relationship or having dates so I did not know what Zylie have that I agreed on this.

I want to get to know her better. That's the only thing that is sure right now.

Palinga-linga ako sa kabuuan ng venue para hanapin siya. Sa open area ng bayan ang location ng concert. She texted me earlier na malapit lang siya sa entrance pero hindi ko pa rin siya nakikita. Siksikan kasi ang tao para makapasok. Inaaninag ko lahat ng mga naka black dahil iyon daw ang kulay ng suot niya. I was just about to call her nang may mapansin ako na nakatayong babae malapit sa guard. Tumingkayad ito at kumaway sa gawi ko, hawak-hawak ang ticket niya, and there she is, Zylie.

"Hello! You look good." Ngumiti ito nang makalapit ako at saka pinasadahan ako ng tingin.

"Likewise." I smiled. She's wearing a top na may pagka-gold na pinatungan niya ng itim na blazer. "Sorry for being late. I suck at being an early bird."

"Same here." Mahina itong natawa. "Buti nandito ka na. Kanina pa ako atat na atat pumasok. Itanong mo pa kay Kuya Guard."

Tumawa rin ako at kapuwan ay nagseryoso. I lended my hand to her that made her look at me, surprised. "Let's go?" Ngiti ko.

Tumango ito sabay ngiti at saka tinanggap ang kamay ko. Hawak namin ang kamay ng isa't-isa nang pumasok kami pagkatapos ng inspection ng tickets. Magkaiba ang entrance ng seats pero dahil VIP standing ang ticket naming pareho ay nakatayo kami malapit sa stage. May barricade lamang na nakaharang.

"Wow! Ang daming tao!" gulat na anito and we have the same thoughts.

Puno na ang area at mas lalong ang ingay na ng paligid. "Have you seen your friends?" I inquired.

Umiling naman si Zy sabay linga sa paligid. "Hindi nga eh. I guess I'll find them after the concert."

"Same with my cousins. Let's enjoy the night together then." Tinitigan ko ito sa mata at bahagyang nginitian.

Tumango-tango naman siya. "My pleasure."

30 minutes lang kami naghintay bago lumabas ang Ben and Ben. Nagkaroon kasi ng problema ang sound system nila ngunit naayos naman kaagad.

"I love you, Miguel!" masayang sigaw ni Zylie sa tabi ko nang kumaway ang isa sa vocalist ng banda. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kaniya lalo pa at halos mapunit na ang labi nito sa kakangiti.

Unang tinugtog ng Ben and Ben ang kanta nilang 'Kathang Isip'. The audience sang with them together ngunit nangingibabaw sa pandinig ko ang boses ni Zylie. The band perform other songs and she was consistently singing with them with such a big smile in her face. Minsan ay kumakaway rin ito habang dinadamdam ang kanta. Napatitig ulit ako sa kaniya na tila nagniningning ang mga pares ng mata nito.

The crowd suddenly feel sentimental when they sang 'Sa Susunod Na Habang Buhay'. Maging ako ay parang biglang nalungkot kahit wala naman akong pinagdadadaanan. They performed it so emotionally that they share their emotions with the audience.

Hindi ko inaasahang lilingunin ako ni Zylie na mangiyak-ngiyak na habang kumakanta. "Ikaw parin sa susunod na habang buhay..." Pinunasan nito ang mga namumuong luha sa mata niya.

I chuckled and handed her my handkerchief. Medyo nag-alangan pa ito na tanggapin iyon ngunit tinanggap niya parin kalaunan. "You okay?"

"Medyo." Sumenyas ito gamit ang mga daliri niya.

The whole show was great as the band and the crowd connected really well. Lahat ay napasailalim ng kagandahan ng musika. Nang matapos ay show, nasulyapan ko ang gawi nila Ryan. Lalapit palang sana ako pero naunahan na ako nito.

"Insan!" Sinalubong ako nito ng yakap. "Nandito ka pala. Akala ko naman ghinost mo na naman kami." Humalakhak ito.

"Katelyn," bati ko sa girlfriend nito and we gave each other a friendly hug. "Good to see you."

Napunta ang paningin ni Ry kay Zylie nang lumapit ito sa gawi namin at bigla akong siniko ng pinsan ko. Kinausap niya rin kasi ang mga kaibigan nito na natatanaw ko sa kinatatayuan namin.

"Zy, this is my cousin, Ryan. And her girlfriend, Katelyn," pagpapakilala ko sa kanila. "Guys, my date, Zylie."

"Hi." Naglahad ng kamay si Katelyn at kinamayan nila ang isa't-isa. Ganoon din sila ni Ryan.

Sandali lang kami nag-usap dahil kinailangan din nilang umuwi. Kapwa kamk nakipag-kamustahan ni Zy sa tuwing may nakakasalubong kaming kakilala. I was also able to finally introduce myself formally to her friends. They all look great and easy to be with.

"Oh right. Ivos, pasensya ka na pala sa kagagahan ni Zylie namin noong nakaraan. Napaalaga ka pa tuloy ng lasing ng wala sa oras," saad ni Ivy. Nakita kong sumimangot si Zy. Cute.

"Thank you rin for taking care of her," ani Lindsay. Seems like she's the mom of the group.

"Tigilan niyo na raw si Zyzy. Hindi nakakaligtas sa paningin ko pamumula ng pisngi nito." Sinundot pa ni Charm ang tagiliran ng kaibigan na mukhang hiyang-hiya na.

"Maiiwan na namin kayo." Ngiti ni Lindsay.

Tinanaw namin silang tatlo habang naglalakad palayo. Mauuna na raw sila sa pinagpark-an nila ng kanilang mga sasakyan.

"Pasensya ka na sa mga 'yon," hindi makatingin sa'kin si Zylie nang sabihin niya iyon. "And thank you for the great experience. Salamat. Sobra." Nag-angat na ito nv tingin.

"No problem, Zy. I enjoyed the night. Maraming salamat din,"

Pumaling ang ulo ko nang inangat niya ang kamay niya. Sumenyas ito kaya nakuha ko rin ang gusto niyang mangyari. Nag-fist bump kaming dalawa.

"Sa uulitin?" she asked that quite surprised me.

Malawak akong napangiti. "Sa uulitin."

Cafè Dare (Epistolary)Where stories live. Discover now