2

4 0 0
                                    


"Pa, mag sisimula na ho bukas ang OJT ko" Sabi ko kay Papa habang kumakain kami ng hapunan kasama si Mama at ang dalawa kong kuya.


"Sa Ateno, ba? It's good. Do better" He told me without even looking at me. Parang tinusok ang puso ko dahil doon. He's always like that, na para bang wala lang ako sakanya.


"Pa... Hindi po, e. Sabi ho kasi ni Doc, puno na raw ang Ateneo dahil po marami rin ang Interns ngayong year... Ini-recommend niya ho ako sa UST." Nahihiya kong sabi sakanya.


"UST isn't bad. Still one of the outstanding universities of the country. Do well, don't disappoint any of our family most especially, me" He said and i just nod at him.



My dad is a very strict person. He wants me and my brothers to be successful as he is. He wants us to graduate and work with his companies, at patatakbuhin ang lahat ng 'yon once we gain a lot of knowledge and hardwork.




For me, there is nothing wrong with that. But the pressure he is putting with us? Yon ang mali. He shouldn't treat us like that. Lalo na 'ko, he really put a lot of pressure to me. Kailangan maging ganito at ganiyan ako, for him, i need to be a perfect girl all the time, or else. He will punish me. He will not give me allowance or i'll be grounded the whole month.


It's unfair. Super.

Kinabukasan, i woke up early to prepare myself. Sinuot ko ang uniform ko para sa OJT at saka nagdala rin ako ng extra shirts and pants para makapag palit ako after my shift.


UST Hospital is kind of far from Ateneo. You have to travel for atleast 13 km. Buti nalang at pinagamit saakin ni Hanz ang sasakyan niya, kuya ko. Dahil kawawa naman daw ako kapag mag co-commute pa papuntang UST.

Pagdating ko sa Hospital ay nandon na si Laurien at Ivy, nag hihintay saakin sa lobby. Hindi pa nila ako napansin dahil siguro may natipuhan na namang pogi na Nurse o kaya naman Doctor!


"Aga aga, lumalandi tayo dito mga ante, no?." Tanong ko sakanila at agad naman na lumingon saakin.

Naka uniform na rin sila at sobrang sigla pa! "Ate, bukod sa OJT, dapat landi rin! Para balance, ano ka ba!" Sabi ni Ivy at saka hinampas ako sa braso.


"Wag mo sinasayang ang laway mo dyan kay ate mo, Syl, beh. Walang pakealam ’yan sa ganiyan, jusko!" Sabi naman ni Laurie.


"Mag trabaho nalang tayo, ’no?" Sabi ko sakanila habang naka fake smile. Tumawa nalang din sila at naglakad na kami papuntang office.


Ni-orient nila kami, binigyan ng mga tips at pinaalalahanan sa mga dapat gawin at hindi dapat na gawin sa loob ng hospital. Maraming rules ang dapat sundin at dapat hardworking ka kasi iba ang mga Doctors at Nurse dito sa UST hospital. Ibang iba sa Ateneo.



Nagsimula ang araw namin sa pa simple-simpleng pag check lang ng mga patient. Ganon naman talaga ang trabaho namin. We assist and check them as always. We always make sure that they're doing well and good here in hospital. Our duty is to take care of them and also, we assist our dear doctors. We also always do their commands.



Habang abala ako sa pag che-check sa papers ko sa may entrance ng hospital ay nabaling ang tingin ko kay Vincent na ngayon ay nakatayo rin sa hindi kalayuan saakin. Halatang may hinihintay siya.


May sakit ba siya? o may binibisita lang?



He didn't saw me because he's too occupied. Nakayuko lang siya habang paulit ulit ang lakad niya. Hindi siya napapakali. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang tanungin kung anong problema pero kaya ko ba?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Found Peace In Your Arms (University Series #2) Where stories live. Discover now