Simula

12 0 0
                                    

"Celeste."

Sa tahimik na gabi, isang matamis na boses ang unti-unting nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Ang malamig na hangin ng gabi ay nagpapalambot sa aking balat habang tinitingnan ko ang pag-aalala sa kanyang mata.

"Halika na sa loob at baka lamigin ka."

I took a moment to glance at the necklace on my chest, the silver pendant glistening in the dim light, at marahang hinawakan ito.

"Alam mo namang hindi ka pa magaling, halika na rito at baka mabinat ka pa," mahinahong sabi niya, puno ng pag-aalala.

Tinanggal ko ang kamay ko mula sa kuwintas at inilagay ito sa loob ng aking makapal na jaket bago lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang kanyang kaliwang braso at marahang hinaplos.

"Nanang, ayos lang naman po ako. Huwag na po kayong mag-alala," I softly reassured her.

"Pinipilit mo na naman bang makaalala?"

Napatigil ako sa aking paghaplos sa kanya at napayuko.

"H-hindi ko po maiwasan, Nanang," nakokonsensiyang sabi ko. Alam kong ipinangako ko sa kanya na hindi ko na pipilitin ang aking sarili na alalahanin ang nakaraan. Ngunit sa bawat pagpilit ko, alam kong nauubos lamang ang aking lakas, at mas lalong sumasakit ang ulo ko.

Ayokong makadagdag pa sa mga gastusin dito sa bahay, ngunit hindi ko parin maiwasan, lalo na't hindi ko alam kung sino ba talaga ako o kung Celeste nga ba ang totoong pangalan ko.

Mahinahong bumuntong hininga si Nanang.

"Naiintindihan kita Celeste, pero hintayin nalang nating bumalik ang mga alaala mo. Ayokong makita na nasasaktan ka, lalo na't sumasakit pa naman ang ulo mo pag pinipilit mo."

Naiintindihan ko din si Nanang, alam kong ayaw lamang niya akong mapunta ulit sa ospital. Nung huli akong napunta sa ospital, mahigit dalawang buwan akong hindi nagising. Kaya labis ko siyang pinag-alala.

Ngumiti ako sa kanya.

"Opo, Nanang, promise po na hindi na mauulit," I said, raising my right hand.

Dahan-dahan sumilay ang ngiti sa kanyang labi at ginayak niya akong pumasok na sa loob.

"Sige, bilisan mo at malamig na dito sa labas," sabi niya bago pumasok sa tarangkahan.

Tumango naman agad ako sa kanya. As she entered the house, I slowly reached inside my jacket and retrieved the necklace.

Dahan-dahan kong hinaplos ang mga letra na nakaukit sa kuwintas.

Crius.

Nagulat ako ng may pumukaw na damdamin sa akin. Parang hinahaplos ang aking puso tuwing sinasambit ko ang pangalang iyon.

"Hindi ko alam kung sino ako, pero kung sino ka man, Crius, alam kong malaki ang papel mo sa buhay ko," I softly whispered to myself.

Hinawakan ko ang aking dibdib.

Bakit malakas na tumitibok ang puso ko tuwing sinasambit ko ang pangalan mo? Sino ka nga ba talaga? Parte ka ba ng nawawala kong mga alaala?

My CrayonWhere stories live. Discover now