Ngayong araw ang labas ni Drew sa hospital. Karga karga siya ni Knight habang nasa likuran naman kami ni Nana.
"Are we going to see horse na Kuya Knight?" excited na tanong ni Drew.
"Yes. Horses are waiting for you cause you've been a good boy" sabi nito.
Nahinto ako sa paglalakad ng makita ang isang puting van sa harapan namin at dire diretsong pumasok sila Knight dito.
"Where's your car?" tanong ko dito at naupo sa tabi niya.
"Nasa bahay. Ayokong mag drive masyadong malayo ang byahe" sabi nito
"Byahe?" takang tanong ko dito.
"Oh shoot. I forgot to tell you" napakamot ito sa ulo niya.
"What?" tanong ko dito.
"We're going to Tagaytay ate" napalingon ako kay Drew na ngayon ay nakangiti at excited na nakatingin sa labas.
"Anong gagawin natin dun?" tanong ko kay Knight.
"Gusto kasi tayong makasama nila Mommy and Daddy. It's their anniversary today"
"Paano yung school?"
"Tumawag na sila Mommy. Nakausap na daw nila ang mga prof natin" sabi nito at ibinaling na ang atensyon sa kapatid ko.
I closed my eyes at tahimik ako buong byahe habang walang sawang kwentuhan at kulitan naman ang dalawang katabi ko. Nang mapansing tahimik na ang dalawa ay nagdilat ako ng mata.
Nakasandal si Drew kay Knight at tulog na ito.
"Akin na. Ilipat ko sa likod mabigat si Drew mangangawit ka" sabi ko dito. Dahan dahan namang inabot sa akin ni Knight si Drew at inihiga ko siya sa likod.
Kakaupo ko lang sa upo nang umupo din si Knight sa tabi ko.
"Oh bat andito ka?" tanong ko sa kanya.
"Andito ka eh" parang bata nitong sabi at isinandal ang ulo sa backrest ng sasakyan. Natawa ako sa sinabi niya pero hindi na rin ito pinansin at hinayaan na lang tumabi sa akin.
Mukhang matagal pa ang byahe so I close my eyes and try to find a perfect position to sleep. Nakailang pilig na ako ng ulo pero di pa rin ako mapakali.
"Tsk. Stop moving" sabi ni Knight. Napadilat ako ng mata nang maramdaman ang paglapat ng kamay niya sa beywang ko at hilahin ako palapit sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at iginiya yun papunta sa dibdib niya.
"Sleep. Huwag kang malikot" sabi nito. I carefully look into his face and I see him calmly sitting while his eyes are close.
Tumagilid siya at inayos ang pagkakaupo niya. Inilapat niya ang baba niya sa ulo ko at Iniyakap niya pa ang isang kamay niya sa akin at marahang tinapik ang likod ko.
Naitikom ko ang bibig ko at maging ang paghinga ay maingat kong inilalabas. Libo libong kabayo ang nasa puso ko ngayon at nagkakarerahan. Gayon din sa tyan ko tila nakikiliti ako ngayong nakayakap sa akin si Knight.
Ilang sandali akong hindi mapakali bago ko maramdaman ang antok at tuluyang makatulog.
"Wow! Look Nana. It's beautiful. Look! They are running" nagising ako sa namamanghang boses ni Drew. Wala na siya sa tabi namin. Nasa tabi na siya ni Nana.
When I wake up ay nasa parehas pa rin kaming pwesto ni Knight. The difference is this time his awake. Sinubukan kong gumalaw dahilan para silipin ako nito.
"Nagising ka ba namin?" mahina nitong tanong bago patakan ng halik ang aking ulo. Napatingin ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
What is that for?
