Kabanata 39

32.1K 308 206
                                    

My mother once told me that love is sometimes ironic. Sabi niya kalakip ng pagmamahal ang sakit but the funny thing in love is, the person who you love that caused you pain will be the only person who can heal it...

And I couldn't agree more. Tama siya dahil sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, sa kabila ng galit ko, tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Ridge, hindi ko maipagkakailang kahit sandali nakakaramdam ako ng kaginhawaan.

But I still couldn't let him enter our lives wholly. Nandoon pa rin ang takot na baka maulit ang mga nangyari noon. Nandito pa rin ang takot na baka bumalik ako sa dati, na baka bumalik ang dating Sursha na gagawin ang lahat mapansin niya lang. I can't go back there again, the pain that it caused me was too much.

Naalala ko si mommy. It's been years pero hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan siya. Kung sino ang kasama niya. Kung sino ang lalaki niya.

"Leave. Umalis ka na muna, Ridge." Sabi ko sa nanginginig na boses.

I turned my back at him and was ready to go to sleep beside my daughter when I remembered the phone that the girl gave me. I looked back at her as I fished the phone on my pocket. Agad ko 'yong initsa sa kanya na agad naman niyang nasalo. Gulat ang namutawi sa kanyang mukha habang tinitingnan ang phone na hawak bago niya binalik sa akin ang tingin.

"Hindi ko 'yan ninakaw." Agad na sabi ko ng makita ang pagtataka sa kanyang mukha.

"I didn't say anything-"

I cutted him off. "Binigay sa'kin ng sa hula ko ay waitress ng Shaina's Café, akala nila sa'kin dahil nasa screen wallpaper ang mukha ko." Agad na paliwanag ko at tumalikod na.

Naupo ako sa papag na hinihigaan ni Lili at agad na inayos ang unan. Tinanggal ko ang tali ng buhok bago tinapunan ng tingin si Ridge na nakaupo na ngayon sa maliit na upuuang kawayan, nakaharap sa pwesto namin. Nabitin ang akma kong paghikab ng mapansin ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

"Ano pa ang ginagawa mo rito? Leave and call your wife. Magpasundo ka at nang matigil ang kahibangan mo rito." Seryoso kong sabi patukoy sa tingin kong asawa niyang si Aira. It pained me, ang manggaling mismo sa bibig ko ay mas doble ang sakit.

"Why would I call my wife if you're in front of me?" He said as he gulped. Tila may napagtanto. "I mean why would I call you if you're already in front of me?"

"Don't kidd around me, Ridge. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Leave and go call you wife. Umalis ka sa lugar na ito at kalimutan mo ang mga nalaman mo." Mariin kong sagot.

"What the fucking fuck, Sursha Entice. Ikaw ang asawa ko, ano ba ang sinasabi mo? At ano kakalimutan kita at ang anak natin? Damn it! Halos mabaliw ako kakahanap sa'yo tapos ngayong nakita na kita kasama ang remembrance na binigay ko saka ako aalis? I'm not crazy. Hell no, I won't let you slip on my hands again." He said almost yelling. Kung hindi lang siguro natutulog ang anak ko ay tiyak na nagsusumigaw na siya. His face are all red, his eyes are bloodshot, tanda na galit na ito.

He is not just angry, he is in pain. Ilixer Ridge Alcantara is in pain, my Ridge is hurting.

"You are not crazy..." I breathlessly said as I chuckled sarcastically, "You aren't but I was crazy, Ridge. I was crazy and guess what, it's because of you!" I yelled. Napatayo si Ridge pero hindi ko ito pinansin at binalingan na lang si Lili na mukhang naalimpungatan dahil sa sigaw ko.

"Nanay..." Mahinang sambit ng anak ko. Her eyes is half open while looking at me.

I smiled at her as I kiss her forehead. I wiped my tears away as I hum a song.

"Shh, baby, sleep. Nanay is here..." Mahina kong tinapik tapik ang kanyang braso.

Nang masiguradong mahimbing na ang tulog niya ay agad akong lumabas ng bahay. Lumayo ako ng kaunti at siniguradong hindi maririnig ni Lili ang sigawan na magaganap sa amin ng ama niyang hudas.

Enticed by Raging Waves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon