Chapter 19 : Dal remembering he's first love and caused of trauma

1 2 0
                                    

Malawak ang condo ni Wyn kaya lahat-lahat silang labing lima puwedeng-puwede kahit saan pumuwesto ay kasiya, ngunit hindi padin dumadating sina Dal at Adrianne.

Sabay-sabay na napahikab ang labing apat maliban kay Wyn na siyang nagdidiscuss sa kanila ng lesson nila sa Science. Nauna na silang magreview habang nagdidiscuss sa harapan nila si Wyn, ito lang naman ang masipag kasi magleksiyon sa kanila at magpaintindi, dahil kinakatamaran nilang lahat ang pag-aaral maliban kay Wyn.


" Nakakaantok," reklamo ni Jaxter.

" Gusto na matulog," Frank.

" Katamad mag-aral," sabi pa ni Tope sabay higa sa semento.

Sunod-sunod agad ang ibang nahiga sa semento, gaya-gaya sa ginawa ni Tope. Napailing ng ilang beses si Wyn sa katamaran ng lahat, wala pa silang sampung minuto sa discussion, naghihikaban na ang mga mukong.

" Nagugutom na ako," puna ni Bai sa lahat.

" Ikaw lang ba?" Oli.

" May stuck ka ba, Wyn?" Tanong ni Tim kay Wyn tinutukoy ang pagkain sa refrigerator nito.

" Oo, mga gulay." Sagot ni Wyn sabay lapag ng Science book sa desk na katabi ni Wyn.

" Ang dami mong pera tapos puro gulay laman no'n?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jaxter.

" Nakalimutan mo yatang vegetarian ako," reminder ni Wyn kay Jaxter.

" Magpadeliver na lang tayo," suggest ni Hernand.

" Ano sa tingin niyo?" Tanong ni Jaxter sa lahat sabay kilos pagilid, paharap kay Krist saka ito tinandayan ng binti sa binti din ni Krist.

" K*ngina!" Pamura ni Krist sabay sipa ng binti ni Jaxter, nagsisimula naman itong maging clingy.

" Patanday lang eh," irap ni Jaxter sabay harap naman kay Tim sa likuran niya kanina.

Nakapikit ang mga mata ni Tim habang nakahiga at ang placement ng nakasemento nitong braso ay nasa tiyan nito, napagtanto ni Jaxter na hindi niya dapat ito tandayan, isa pa meron pa silang tampohan nito.

" Magpadeliver na lang tayo," sabi ni Rax.

" Sino magbabayad? Ubos allowance ko." Perth.

" Si Jaxter," sagot ni Wyn.

" Wag kayo, marami kayong pera." Jaxter.

Turo-turoan kahit pa pare-pareho silang may pera, maliban kay Hernand na limited ang allowance nito.

" Ako na magoorder sa online, kayo magbayad." Pag-aako ni Nix na siya na ang magoorder dahil panay reklamo at turoan lang naman alam ng lahat, kahit gutom na pare-pareho.


Naupo si Nix at kumalikot sa Cellphone, nilapitan naman siya ng lahat para iorder ang gusto nilang kainin. Umani ng iba't ibang, request si Nix na kanina wala man lang nagkukusa na mag-order sapagkat puro reklamo na gutom na.

Habang tahimik sa gilid si Wyn, chinat niya si Adrianne.

Wyn A. Ethosias:
Saan na kayo?

Nagnotif sa screen ni Adrianne ang messenge ni Wyn kaya agad niyang nabasa, sumaglit pa kasi muna sila ni Dal sa Grocery Store para mamili ng pagkain.

Adrianne Danzel Lim:
Namimili pa

Agad na reply ni Adrianne habang nakapila sila ni Dal sa counter, para magbayad.

Wyn A. Ethosias:
We're waiting...

Nagseen na lamang si Adrianne matapos mabasa chat ni Wyn. Wala naman siyang irereply at saka tinatamad naman kasi siya, kung puwede lamang na magreview si Adrianne magagawa niya ngunit sinundo siya ni Dal. Ayaw niya pa sanang iwan si Greysille pero kinumbensi siya nitong magreview at sumama kay Dal para makasama ang ibang Section F.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now