Simula

2 0 0
                                    

"Cheska!".

Umikot ang mata ko nang marinig ko ang sigaw ni Daddy.

Kararating lang niya galing sa isang business trip sa Davao. Hindi ko alam kung paano nakarating sa kanya ang balitang bumili ako ang sasakyan. Hindi para sa'kin, para kay Manuel. Boyfriend ko.

"Dad,". Nilunok ko muna 'yong kinakain kong apple bago nag salita. "It's our monthsary so I bought him a present."

Pumikit muna siya at huminga nang malalaim. "Monthsary? A present!? Are you out of your mind? Last month you bought a car for your monthsary with... Leo?! I don't remember!".

I sighed. "It's Jeremy, Dad. "

Halos pumutok na iyong ugat niya. "Buwan buwan bago ang nobyo mo at bagong sasakyan din?!".

"Dad, last na 'to. I promise you kapag hindi nag work si Manuel, I'll stop, okay?".  I smiled at him at lumapit para yakapin siya.

Ever since Mama died, even though it's painful to accept, we remained strong for each other. Kaya alam kong ginagawa lahat ni Daddy para mabigay niya lahat sa akin. Pero eto, ang pagreregalo ko sa mga ex-boyfriends at boyfriend ko ngayon ng mga magagarang gamit, ang pinaka ayaw niya.

But, I meant what I said. Manuel's my last card.

After a minute of silence, he's calm already. Kung hindi niya lang ako anak, pinalayas na niya ako. Well, he can't do that.

"Cheska, you're still young. Don't let those jerks come to you and your money only." Dad said tiredly.

He's used to it.

"This is the last warning or else." Tumalikod na siya at umakyat sa taas.

Hindi ko alam kung bakit grabe akong magbigay sa mga lalaking nagiging nobyo ko. Alam ko naman na pera ko lang ang habol nila at ako itong si uto-uto na nagpapadala agad.

Kinabukasan, pumunta ako sa mall para mag shopping dahil nakita ko kagabi sa facebook na may bagong release na designer bag.

And I didn't expect to see my boyfriend here.

Oh god.

"Ches, a-anong ginagawa mo dito?". Base sa boses niya, alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Babe, nakabili  ka na ba.."

Hindi natapos ng babae ang sinabi niya nang makita niya ako. Halos lumuwa ang mga mata niya at nanigas.

Hayop ka talaga Manuel!

Halos pumutok na 'yong ugat ko sa ulo sa pagtitimpi. How dare you!

"Nag enjoy ka ba sa bakasyon mo, ha?" Malumanay kong tanong sa kanya.

Noong isang araw nanghingi siya ng 10K sa akin dahil magbabakasyon daw siya sa probinsya at bibisita sa lolo at lola niya. Ako naman 'tong si tanga, bumigay agad.

Hindi na ako nagulat pa nang mag paliwanag si Manuel. Pasensya daw dahil minahal niya lang ako para may pera siyang maibigay sa girlfriend niya! Ha! Bobo mo talaga Cheska!

Ano ako, bangko!? Isa siyang malaking pakyu!

Ako na to! Si Cheska Araneta! Maganda na mayaman pa! Ano pa bang kulang!?

Kalmado kong nilahad ang kamay ko. Sanay na ako sa mga ganito kaya lagi kong hinahanda ang sarili ko.

"Susi."

Namutla siya at dahan dahang inabot sa akin ang susi ng kotseng binili KO. Tiningnan ko nang malagkit ang kasama niyang babae.

I rolled my eyes hanggang puti na lang ang makikita.

Tinalikuran ko na sila ngunit, "I'm sorry ulit Cheska! Salamat sa 10K!"

Humarap ako ulit at tinaas ang aking middle finger.

"Eto ulol!"

Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pake. Dumiretso ako sa CR at doon nilabas lahat. Gago ka!

Hindi ko alam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko, hindi ako humahagulgol dahil nakakahiya. Ang sakit sa dibdib. Pota ka Manuel.

Mahirap ba akong mahalin? Siguro hindi naman, mahal naman nila ako. Mahal nila ang pera ko. Leche!

Hindi na nagulat si Daddy pagdating ko sa bahay na bago ang kotseng dala ko. Nagpahatid lang kasi ako kanina sa driver.

Umiinom siya ng kape. Kahit sikat na sikat ang araw, kape pa rin.

"Remember what I said last night." Ani Dad. Tiningnan niya lang ako at bumalik sa pagbabasa sa dyaryo.

Hindi ako sumagot.

Nasa  ABDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ ang trauma, tangina.

Malamang exempted ako, ako pa ba?





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined TraumaWhere stories live. Discover now