CHAPTER 10

9 2 0
                                    

AT THE HOUSE

"Apo nandyan ka na pala, bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay, may sasabihin ako sayo na sobrang napaka halaga" hangos ni Lola habang lumalapit sa akin

"Ano po yun Lola?" tanong ko naman sa kanya

"Ang yung ina ay kasama na ang yung ama, baka hindi pa sila maka uwi dahil may kailangan pang tapusin sa trabaho ang yung ama

"Bakit daw po umalis si papa ng biglaan?" tanong ko ulit kay Lola

"Dahil ayaw nya na mapagod ang yung mama sa pagtatrabaho kaya umalis na lang sya ng biglaan para di na makatutol ang yung ina" Pagpapaliwanag ni Lola sa akin habang ako ay unti unti ng ngumingiti dahil sa magandang balita na aking natanggap

"Salamat na po Lola sa Dyos at maayos sila" saad ko naman kay Lola

"Siguro naman ay magiging kampante ka na? Ilang araw mo ako apo pinag alala" saad ni Lola sa akin

"Opo Lola at sorry po dahil pinag alala ko kayo ng labis noong mga nag daan na araw" saad ko kay Lola

"Naiintindihan kita dahil kahit ako ay ganun din ang nararamdan kaya hindi kita masisi" saad ni Lola ng may kasamang yakap

Hanggang sa nag gabi ay naaalala ko bigla si Allison at sigurado ako ay galit na galit sya sa aking ginawang pag iwas sa kanya nang nag daan na araw

"Apo oo nga pala nang dumaan ako ng San Fuego para mamalengke ay nakita ko si Allison kasama ang kanyang mommy, pinaka kamusta ka nya sa akin" saad ni Lola sa akin kaya natigilan ako sa pag iisip

"Talaga po Lola?" saad ko sa kanya ng naka ngiti

"Bakit labis labis ang yung ngiti apo?" tanong naman ni Lola sa akin

"Wala po Lola b-baka siguro po ay may itatanong lang sya sa akin tungkol sa mga tinalakay namin kaninang lesson" tanggi ko kay Lola sabay karipas ng takbo sa kwarto

Promises are the Sweetest Lies Where stories live. Discover now