02

23 0 0
                                    

"Wala ka na ba talagang plano sa buhay kung hindi ang tumambay dito sa opisina ko?"

I propped my chin on my palm as I boredly look towards Dwayne's direction. Seryoso siyang nakatingin sa akin at tila naghihintay ng sagot.

Payak akong tumawa. "Feel na feel mo ang pagiging boss mo, ah?"

"Ivy," banta niya.

"Masama na bang tumambay?"

Malakas siyang bumuntong hininga at binitiwan ang mga papeles na hawak niya. "Kaninang umaga ka pa narito, Ivy. Wala ka bang planong umuwi?"

"Tinatamad akong umuwi," palusot ko at nag-iwas ng tingin.

Dwayne sighed.

"Saka ayaw mo ba ako rito? Sinasamahan na nga kita, ayaw mo pa," dagdag ko nang tumahimik siya.

"Paano ko magugustuhan na narito ka samantalang kanina ka pa salita nang salita? Nagtatrabaho ako," inis na saad niya kaya't mahina akong natawa.

"Sus, para namang ayaw mo sa mga chika ko. . ."

Napailing na lamang siya at muling ibinalik ang tingin sa mga papeles na nasa harapan niya. Mula kaninang pagkarating ko ay sunod-sunod ang trabaho niya at marami pa siyang dapat na pirmahang mga dokumento kaya hindi ko siya makausap nang maayos.

I heaved a deep sigh as I boredly tapped my heels on the ground. Mukha namang nakuha niyon ang atensiyon ni Dwayne nang masama niya akong tiningnan. I rolled my eyes and stopped.

"Ayaw mo bang kumain?" pangungulit ko.

"Kakatapos lang mag-lunch break, Ivy," he said in a matter of fact tone.

My lips puckered. "Meryenda, ayaw mo?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at kapagkuwan ay malakas na bumuntong hininga habang umiiling. "Fine, fine. Um-order ka na ng kung anong gusto mo."

"Ikaw ang magbabayad?"

"Sino pa ba?" pamimilosopo niya at muling bumalik sa trabaho niya.

A mischievous smile escaped my lips as I took out my phone from my pocket. Kaya mahalaga talagang magkaroon ng kaibigan na mayaman, e.

"Kahit ano, puwede kong order-in?"

He nodded.

"Kahit lechon?" tanong ko habang nags-scroll ng puwedeng order-in na pagkain sa aking telepono.

Dwayne groaned. "Ivy," banta niya kaya't mahina akong tumawa.

Kaya nakasundo ko kaagad noon si Ate Nellie, e. Parehas naming gustong asarin nang asarin si Dwayne. Siyemre, hindi naman siya makapalag kay Ate Nellie kaya kami palagi ang panalo.

"2,595 pesos ang total ng in-order ko," anunsiyo ko matapos maka-order.

"Ano bang in-order mo? Ginto?"

I let out a loud laugh as I winked at him. "Barya lang 'yon sa 'yo, ano ka ba?"

Napailing na lamang siya samantalang tumunog naman ang telepono ko tanda na may nag-message. I immediately opened the message when I saw who it came from.

My eyes widened upon seeing the messages that the sender sent. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang makita ang animo'y screenshot na kalakip ng iniwan niyang mensahe.

"Alam mo, Ivy, pinag-trabahuhan ko 'yang pera na 'yan. Kahit naman mayaman ang pamilya ko, hindi ko naman nakukuha ang pera nang basta-basta lang."

Mabilis kong binura ang mensaheng iyon bago nanginginig ang kamay na itinago sa aking bulsa ang hawak kong telepono. My heart was beating like crazy as cold sweats started forming on my forehead.

The Scandalous Womanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें