Chapter 6: Notice Me

18.3K 393 42
                                    

     "TALAGA bang hindi ka titigil sa paggawa ng kalokohan, Scarlett?" galit na sabi ni Faith sa anak na prenteng nakaupo pa rin sa harap ng hapag-kainan.

     Nag-walkout si Savannah mula sa dining room at sinundan naman ito ni Ramius. Naiwan ang mag-asawang Theo at Faith doon at kasalukuyang kinakastigo si Scarlett.

     "What were you trying to do, Scarlett? Embarass our guess and humiliate your own sister?" nanlalaki pa rin ang mga matang tanong ng kanyang ina. "Wala ka ba talagang modo?"

     "What, I was just telling you the truth," balewalang sagot ni Scarlett habang nilalantakan ang dessert na strawberry shortcake. "Sabi naman ni Ramius ay ipagtatapat niya rin iyon, inunahan ko lang siya. Bakit pa kasi dapat patagalin, hindi ba?"

     "You could have chosen a better time!" asik sa kanya ng ama na napahilot pa sa sintido. "Sa harapan pa ng pagkain- where are your manners?"

     "O kaya ay hindi mo na lamang iyan ipinagtapat sa amin. We didn't have to know that! It's too much information. Lalo pa at hindi naman pala talaga kayo humantong sa-... Dios mio." Nag-pause ang ginang mula sa pagsasalita at ilang beses huminga nang malalalim. "I don't get your point aside from knowing na naghahanap ka lang ng gulo. As usual. Hindi mo na pinatahimik ang pamilyang ito, Scarlett!" pagkuwa'y sabi nito na puno ng disgusto.

     Noon na tumingin si Scarlett sa mga magulang. "My point is, bakit hindi ako ang inireto ninyo kay Ramius? Ako ang panganay sa amin ni Savannah, hindi ba?" Oras na para kastiguhin rin niya ang mga magulang. May karapatan naman siguro siyang makakuha ng kasagutan kahit nararamdaman niyang hindi niya magugustuhan iyon.

     Natahimik ang mag-asawa at nagkatinginan. Naglayo ng tingin si Theo at si Faith ang tumingin nang diretso kay Scarlett.

     "Hindi ka nababagay kay John Ramius Nuevo," walang gatol at walang kurap na sabi sa kanya ng ina na sinundan pa ng ismid.

     Hindi agad nakapag-react si Scarlett sa narinig. Tumingin siya't umaasang sasaklolohan siya ng ama ngunit nabigo siya dahil hindi na ito nagbalik pa ng tingin sa hapagkainan.

     All her life, she had secretly admitted that Savannah was the better sister between the two of them. Matalino ito, mabait, at responsable. Sa kanilang dalawa ay ito ang maaasahan sa madaming bagay. Hindi na siya nagtaka na ito ang mas minahal ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan. She never hated her. She was never envious of her. She was happy in her own little world of parties and luxuries where she could feel free and alive. Hindi na siya umamot pa ng pagmamahal mula sa ibang tao, ng pagmamahal na kusang inialay ng mga ito kay Savannah. She thought she could live and survive without it. Hinayaan na niyang kay Savannah mapunta lahat ang atensiyon, papuri at pagmamahal. Pero hindi niya pala kakayaning mapunta pati sa kakambal ang tanging lalaking nagustuhan niya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng inggit sa kakambal. Isang uri ng inggit na unti-unting kumakain sa kanyang pagkatao.

     "Sa akala mo ba ay papayag sina Rafael at Michaela na ang tulad mo ang mapapangasawa ng nag-iisang tagapagmana ng Legacy?" pangda-down pa ni Faith sa anak. "They want the best for their son, Scarlett. The best."

     "What is wrong with me? I'm a woman, I can be a wife, too!" protesta naman ni Scarlett dito.

     Hindi na siya dapat nagulat pa sa narinig ngunit masakit din palang masabihan siya mismo nang ganoon. She was aware that her family was never really fond of her, but not this way. This is just... This is just too fucking much! Pakiramdam niya'y isa siyang basura sa pamilya De Villa.

     Her mother scoffed with so much disdain. "Huwag ka ngang magpatawa, Scarlett."

     "Papa..." untag niya sa ama.

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora