Kosmos II

34 7 6
                                    

"Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?" Tanong ng lalaki na nasa kabilang balkonahe sabay turo sa sleeveless na suot ni Azalea

Umiling lang si Azalea. Hindi siya makasagot nang maayos dahil hindi siya makapaniwalang may nakakausap na ulit siyang tao pagkatapos nang ilang araw na quarantine. Hinubad ng lalaki ang leather jacket na suot nito at initsa sa kabilang balkonahe. Tagumpay namang nasalo iyon ni Azalea. Tumingin siya sa lalaking nagbato na ngayon ay manipis na t-shirt nalang ang suot.

"Wear it, baka magkasakit ka." Nakangiting sabi ng lalaki. Dali-dali namang sinuot ito ni Azalea dahil nilalamig na siya.

"Ikaw? Hindi ka ba nilalamig?" Nag-aalalang tanong ni Azalea sa lalaki, umiling lang ito.

"Anong pangalan mo?" Sabay na tanong nila sa isa't isa.

"Ako si Audric Guevarra, tawagin mo nalang akong Ric." Nakangiting sabi ni Audric kay Azalea. Ngumiti si Azalea at tsaka nagpakilala.

"Azalea? Yung bulaklak?" Tanong ni Audric sa kaniya.

"Oo, gustong-gusto ni mama ang bulaklak na iyon." Tumatangong sagot ni Azalea.

Hindi na nagsalita si Audric, tinitigan lang niya ang maamong mukha ni Azalea. Natahimik silang dalawa na parang may dumaan na anghel.

"Ang lungkot ng mga mata mo." Seryosong sabi ni Audric. Tumawa nang pilit si Azalea.

"Malamang kasi nalulungkot ako." Sabi niya nang may pagbibiro sa tono ng kanyang pananalita. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Audric.

yeojacosmos

Kosmosحيث تعيش القصص. اكتشف الآن