Chapter 25:

1.3K 33 1
                                    

Ysreal’s POV

Hindi talaga ako pinalabas ni Hide, wala akong narinig na boses niya sa opisina habang nasa loob ako ng kwarto, hindi ko alam kung saan siya pumunta.

Nang maggabi, pinaharitan niya lang ako ng pagkain at damit para makaligo ako bago matulog.

Ngayong umaga, nakatitig lamang ako sa kisame dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang pinagsasabi ni Hide kahapon. Muntikan pa nga akong hindi makatulog dahil doon. Hindi ko lang maisip na ang kuya ng boyfriend ko ay may nararamdaman sa akin.

Nawala ang atensyon ko sa kisame nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ako tumayo. Tiningnan ko lang ito dahil si Hide lang naman ang papasok pero hindi, nakita ko si Laureia na maayos ang mukha, sobrang ganda niya ngayong umaga.

May dala siyang isang kahon. Sa likod niya ay isang empleyadong babaeng may dalang pagkain. Anong pakana nila ngayon?

“Good morning, Ysreal.” Agad niyang binanat ang labi para sa ngiti. Hindi ko tinugunan dahil naguguluhan ako. “Kumain ka muna bago maligo.”

Hindi ba siya magtatanong kung bakit nandito ako sa kwarto ni Hide? Hindi ba siya magseselos? Ah, baka naman kasama niya si Hide sa buong gabi.

Tiningnan niya ang empleyado na lumabas na nang mailapag ang pagkain sa mesa.

“Uh, good morning.”

Ang pagreaksyon ko ay tila nagising sa huwisyo. Hindi ako sanay na nasa iisang kwarto kami ngayon ni Laureia. Hindi naman kasi kami malapit sa isa’t isa kahit ex-fiance siya ni Hide.

“Kumain ka na,” aniya.

Kinuha niya ang tray at nilapag sa lamesita para umpisahan ko na ang gusto niya. Sumunod naman ako.

Tahimik lang kaming dalawa. Napapatingin ako dahil may inaayos siya sa malaking kahon na dala niya.

Baka naman magpapakasal na sila ni Hide tapos wedding gown ang inaayos niya? O baka naman sabay ang kasal nina Hide at Laureia doon sa kaibigan ni Hide? Hmp. Imposible. Sa katahimikang iyon, nakuha niyang magtanong.

“I heard from Reid that you’re Seek’s girlfriend.” Tiningnan niya lang ako ng sandali at muling bumalik sa ginagawa. Napatingin ako sa mukha niya dahil ang amo at ang ganda talaga niyon. Animong inosente. “May nakukwento naman sa akin si Seek about his girlfriend. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon. Magaling siyang pumili ng babae, huh.” Hindi ako sumagot, tuloy lang ako sa pagkain dahil mukhang mahaba ang kaniyang sasabihin. “First impression ko sa ‘yo ay mabait, maayos and I’m right. Ganoon ka pala talaga.”

“Salamat.”

Iyon lang ang sinabi ko dahil wala naman akong balak makipagdaldalan sa kaniya.

May konsensya pa rin sa puso ko. Nadagdagan ‘yon nang umamin si Hide. Paano kung umaasa pa si Laureia na magkabalikan sila ni Hide? Tapos itong si Hide, ako pala ang hinihintay.

Ngayon magkasama kami ni Laureia at nag-uusap, maayos ang trato niya sa akin. Paano kapag nalaman niyang ako ang dahilan kung bakit ayaw na sa kaniya ni Hide? No, no, no, hindi ako papayag. Bakit ba kasi lapitin ako ng konsensya?

“Here’s your dress!” Wagas ang ngiti niya nang ilabas ang isang dress sa malaking kahon. “Si Hide ang bumili nito, ako ang pumili. Bagay na bagay sa ‘yo ‘to, Ysreal.” May nilabas pa siyang kahon, ang iba ay katamtaman pero may mga maliliit. “Nandito na rin ang perfume, clutch bag, earrings, heels, at necklace. Iyang necklace, si Hide ang pumili niyan fo you.” Kinuha niya mismo ang kwintas sa kahon. “It’s beautiful, isn’t it? That suits you!”

“Maraming salamat.”

Gosh, seriously? Gumastos pa sila sa susuotin ko? Ano na naman bang naisipan ng lalaking ‘yon? I can buy dress!

His Brother Accusing Me: Ysreal Arison FerenzWhere stories live. Discover now