CHAPTER 2 (Again)

110 2 1
                                    

Heily's POV

One week na ang nakakalipas simula nung nag simula ang klase, Nung mga nakaraang araw di pa kami masyado nag kaklase pero I think may class na kami ngayon

Pinark ko na yung kotse ko at pumasok sa school, Habang papasok ako may nakabangga sa akin at kung mamalasin ka nga naman natapunan pa niya ako ng Hot Choco, Wow just wow

"Sht" Sabi ko

"Halaaa sorry di ko sadya" Sabi neto at pinunasan ang damit ko

Pinigilan ko naman siya sa ginagawa niya "Stop it, Wag mo ko hawakan" Sabi ko, Napatingin naman siya at kung pwede lang lumuwa ang mata ko eh nangyari na

"IKAW!" Sigaw ko

"Ah hehehe hi (^_^) v " Sabi neto

Si Christian blockmate ko at kung mamalasin ka nga naman sa lahat ng subject pa

"Ikaw na naman?!" Asik ko sa kanya. Napatungo naman siya

"Sorry na"

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Natapunan mo na ako for the second time around! The hell ganun ka na ba ka tanga?!"

"Grabe ka naman, Di ako tanga!" Sabi neto

"Eh ano? Bobo?"

"Sumusobra kana" Sabi niya

"Tss you know what? Di mo ko kilala" Sabi ko at bingga siya

"The hell I care"

Napatigil ako sa pag lalakad at nilingon siya "Sinusubukan mo ba talaga ako?"

Nag kibit balikat lang siya ang nilagpasan ako

"You need to be punished" Sabi ko na ikinatigil niya sa pag lalakad

"I need what? Haha nag papatawa ka ba? If yes, Di nakakatawa" Sabi niya

"I'm serious"

"Pake ko?"

"Okay, If you say so. Bukas na bukas mag hanap kana ng school na tatanggap sayo" Sabi ko at nag lakad papalayo

Di pa ako ganun nakakalayo ng narinig ko siyang sumigaw

"Fine! Anong kailangan kong gawin?!" Tanong neto

Napalingon ako sa kanya at ngumisi "Be my slave, Sa loob ng limang buwan" Sabi ko at iniwan siyang nakatulala

Wag ako ang kalabanin nila, Di nila ako kilala at di nila alam ang kaya kong gawin psh. Second victim of my evilness this school year, The hell

Christian's POV

Kung minamalas ka nga naman talaga. Bat ba kasi ang shunga shunga ko? Psh kaasar. Sa dinami dinami ng taong mabubunggo at matatapunan ko e siya na naman -__- Isang anak ng may ari ng school wow ang nice diba?

Kung di lang mahalaga sa akin yung scholarship di ako papayag sa gusto nung babaeng yun. Di ko alam kung anong meron sa kanya na nagustuhan ng madami -..- Ay wow parang ako di nag kagusto sa kanya no?

Past is past, Tss dati lang yun pero nung nalaman ko yung ugali niya major turn off sa akin bilang lalaki. Maganda nga, Matalino nga, Mayaman nga. Ang sama sama naman ng ugali. Aanhin mo ang ganda kung sa ugali mo palang wala na

"Bro bat tulala ka?"

Nagulat ako ng may tumapik sa akin si John pala. Isa sa mga kaibigan ko, May kapatid siyang mas bata sa kanya ng isang taon si Michael

"Ah wala, Bat naparito ka?" Tanong ko

"Wala kasing chiks e, Kaya napasilip ako dito" Sabi neto

Nakalimutan kong babaero tong si John di yata mabubuhay pag walang nakamang babae

"Gago ka talaga" Sabi ko at tumawa

Nakarinig naman kami ng "Shh" mula sa harapan. Yung librarian pala pinapatahimik kami ang ingay kasi ng kasama ko e

Sinara ko na ang librong binabasa ko at binalik sa book shelves. Sumabay sa akin si John sa pag labas "Asan kapatid mo?" Tanong ko dito

"May klase pa ata, Di naman kami pareho ng schedule e" Sabi niya

Nag karoon ng panandaliang katahimikan pero nag salita din ito "Bro balita ko classmate mo yung long time crush mo ah!" Sabi niya

"Luh, San mo naman nalaman yan?" Tanong ko

"Dun sa seatmate ko" Sabi neto

"Seatmate lang ba?"

"Oo"

"Siya ba yung kasama mo kanina?" Usisa ko

"H-ha? Anong sinasabi mo?"

"Yung kasama mong pumasok sa sogo?" Tanong ko nakita ko kasi siya kanina nung wala pa akong klase lumabas ako para mag hanap ng kakainan tas sa nung medyo malayo na ako sa school nakita ko siya papasok sa sogo

"Ah oo hehe"

"Seatmate lang tas nag sogo?"

"Oo bakit bawal ba? Wala naman kaming ginawang masama e" Dipensa niya

"Ulol, Impossible namang wala kayong ginawa" Sabi ko

"Talaga naman e"

"Tangina mo pre wala kang maloloko dito, Ano yun? Nag bible study kayo sa sogo? Gagi" Sabi ko at sinuntok siya sa braso

"Pwede din!" Sabi niya at tumawa ng malakas

Kung di ko lang mahal tong lalaking to baka nabugbog ko na to, Puta ambakla. Pero bago ko isipin ang iba kailangan ko munang isipin ang problema ko kay heily, 5 months slave. Aish kaya ko ba yun? Eh makita palang mukah niya sa room di na kaya eh -__- Goodluck

Heily's POV

Pag kadating ko sa bahay pinag buksan agad ako ng guard. Pag pasok ko sumalubong sa akin si butler

"Mam Heily napaaga ata uwi niyo"

"Butler di ba halata sa damit ko? Duuh alangan pumasok ako sa klase ng ganto ang itsura" Sabi ko at nilagpagsan siya

Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa CR Upang mag banlaw, Ang lagkit naman kaasar. Next time mag babaon na ako ng extra damit para di ko na kailangan umuwi. Kaasar

Pag kalabas ko sa banyo nag bihis na ako at tinawagan si Kate

'Napatawag ka? Bat wala ka pa?' Sagot neto

"Ano pang klase niyo pag ka tapos niyan?" Tanong ko

'May science pa ako mamayang 12, Si Maica di ko alam why?'  Tanong neto

"Wag na kayong pumasok, Lumabas na kayo sa room ni Maica dumiretso kayo sa bahay bye" Sabi ko at binaba ang tawag

Tinamad na akong pumasok, Papasama nalang ako sa kanila sa mall. Gusto ko din ikwento sa kanila ang nangyari kanina. Mukang mahaba habang usapan ang mangyayari mamaya

---

a u t h o r ' s n o t e

Dinelete ko to kasi napangitan ako kaso di q alam na back to zero ang views uwaah! 1K nasa sana yon amp.

Im Inlove With This StupidWhere stories live. Discover now