PROLOGUE

35 2 0
                                    

Kakatapos lang ng midterm exam kaya’t nandito kami sa bar at nagsasaya o mas tamang sabihing nagluluksa.

“Pucha bakit pa kasi ako nag-engineering,” sabi ni Jane sabay untog ng ulo niya sa mesa. Tinapik tapik lang siya ni Yael, his boyfriend. Kanina pa siya tungga ng tungga ng alak kaya hindi malabong may tama na siya. Well, Jane is always like that, grade conscious dahil na rin sa pressure from her family. Nasa dance floor ang iba naming tropa at tatlo lang kaming natira dito sa table namin.

“Babe, sorry kakarating ko lang.” Biglang sulpot ni Kino sa tabi ko sabay halik sa aking pisngi, tinanguan naman niya si Yael.

“It’s okay babe, mga one hour pa lang naman kami dito.” Nagsalin ako ng alak sa isang shot glass at binigay sakanya.

“Then bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mong nagsasayaw na don?” Sabay baling niya ng tingin sa dance floor na puno ng taong nagsasaya habang sumasayaw.

“Isn’t it obvious babe? Syempre I waited for you, gusto ko kasing sabay tayong magsasaya.” Kaya naman hinawakan ko na ang kamay niya sabay hatak sakanya papuntang dance floor. Nakasalubong ko pa si Elyse na may hatak hatak na lalaki patungong table namin.

Kino’s hands never left my waist as we dance under the rhythm, we even make out hanggang sa maghabol na kami ng hininga. Eventually we’ve decided to go back to our table.

Pagbalik naming ay nandon na silang lahat, wala na ang kasamang lalaki ni Elyse, si Jane naman ay nasandal na lang kay Yael. Si Adi and Josh ay may kanya kanyang babae sa kanilang tabi. While Eirah is silently sipping on her alcohol. Napuno ang round table namin na kanina ay tahimik lang. mabuti na lang at nagkasya pa kami ni Kino.

“Guys break na natin next week, any plans?” Elyse said as soon as Kino and I were seated.

“Let’s go to the beach!” Biglang sabi ni Jane, akala ko tuluyan nang nakatulog sa kalasingan.

“Hindi ba kayo nagsasawa sa beach? Iba naman,” Eirah said.

“Oo nga, let’s try something new. Like hiking? Road trips?”  Suggest ni Adi, mukha na rin siyang may tama dahil panay halik niya sa babaeng katabi. Ni hindi manlang pinakilala samin.

Then a sudden idea pop in my mind.

“Guys what if let’s go to our ancestral house? Malayo ‘yon dito so we could have some road trips and it’s also on the mountain so we could hike.” I suggested, mukha naman silang interesado sa sinabi ko.

“I’ve never heard of that before Shaina, may ancestral house pala kayo? Hindi mo na kwento sa amin.” Elyse uttered, sabay inom ng alak sa baso niya. Isinandal ko ang ulo ko okay Kino bago magsalita.

“Well recently ko lang din nalaman nung sinabi nila mommy na ipaparenovate nila para gawin naming vacation house. Malaki daw yon, may game room, movie room and even pool. Kaya hindi tayo mabobored, but wala nga lang signal.”  I explained, well it could be fun, para maiba naman at malayo pa sa city we could chill dahil nga nasa gubat na part yung bahay. Nakahilo na kasing puro na lang polusyon at traffic ang nasasaksihan mo araw-araw.

“That’s even better, no signal means no one could contact you and bother you at all.” Josh finally spoke, well yan talaga ang mga trip niya. Dahil lagi siyang kinukulit ng mga kapatid niya para magpatulong sa kung ano anong bagay, since nasa abroad ang parents nila.

“So guys what do you think?” Ginala ko ang paningin ko sa kanila at tumango ang iba, while Elyse and Eirah raised their thumb. Nagpupumilit sumama yung babaeng kasama ni Yael at Adi but they both refuse, kaya tumayo nalang ang dalawa at nagmamadaling umalis.

Kinabukasan ay nagplano na agad kami kung ano ang mga dadalhin para sa mga activities na gagawin namin do’n. Nagkita kami sa usual cafe na pinagtatambayan naming magbabarkada. Pati nga ang mga waiter at manager dito ay tropa na namin sa sobrang dalas nila kaming makita rito.

"I guess we're all set na?" Patanong na sabi ni Elyse at tinignan kami isa isa.

"Okay na ‘yan, may foods na tayo at may naka plano nang mga activities para hindi tayo ma bored do’n kahit walang signal." Sagot ko habang tinitingnan ang nasulat kong plano namin. Buti na lang at hindi naman sila nag reklamo.

"Finally some peace."  Josh who always wants to go miles away from here. G na g talaga siya sa mga ganitong trips.

"Ano ba ‘yan wala nga lang girls do’n, sana sinama ko nalang ‘yong nakilala ko sa bar last night." Josh glared at him, agad namang nag peace sign si Adi. Ayaw na ayaw kasi ni Josh na may kung sino sinong sumama samin lalo na pag hindi namin ka close, he has trust issues.

"Then see you, walang ma lalate ha? By 7am dapat nandoon na kayo sa bahay namin dahil kung hindi iiwan namin kayo." Eirah said, may van kasi sila kaya napagdesisyonan naming yon na lang ang gamitin at marunong namang mag drive ang mga boys kaya no problem na.

"Sige na sige na aalis na kami ni Kino mag d-date pa kami eh." Natawa tuloy si Kino sa tabi ko. Totoo naman today was supposed to be our date.

"Same same, see you na lang. Mauna na kami ni Josh." At nauna na nga silang nagpaalam. Tumayo na rin kami ni Kino at sabay na naglakad paalis.

This is gonna be fun.

Who's the killer Where stories live. Discover now