Simula

4 0 0
                                    

Simula.

Riahna Denise Roman

My first love happened a little later than the others.

I was 16, in my first college, when I first experienced being swept off of my feet by a guy.

A guy who's living a different life than mine.

It was love at first sight on my side. I knew from the moment I saw him that he's going to be the only man I can offer my heart to. That he's the only man I will ever wish to marry.

Pero hindi naman lahat ng first love ay successful. Mine was a failure.

"Ma'am Dimples, nandito raw po si Ma'am Alora Solis." narinig ko ang pagtawag sa akin ni Reynold mula sa labas ng kusina.

"Sige, paakyatin mo nalang siya sa second floor." utos ko kay Reynold. Agad namang sinunod ni Reynold ang sinabi ko.

Tinapos ko muna ang aking ginagawa at naghugas ng kamay bago ako nagpunta sa second floor kung nasaan ngayon si Alora. Abala kasi ako sa pagtulong sa mga empleyado ko lalo na at soft opening na bukas nitong bagong tayo ko na negosyo.

Pag-akyat ko sa second floor ay natanaw ko kaagad si Alora. Ang aking co-worker noon at kaibigan.

A smile formed on my lips as soon as I saw her. She's still the same as ever. Ang kaniyang malalaking kulot sa buhok, ang putok na putok niyang red lipstick at ang kaniyang paboritong low waisted na pantalon na sikat na sikat pa noong 2008.

"Alora!" tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya kaagad sa gawi ko at kumislap ang kaniyang mga mata nang makita ako.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa akin. May hawak-hawak siyang bouquet ng flowers sa kaniyang kaliwang kamay at bench na paper bag naman sa kanang kamay niya.

"Congratulations sa bagong business mo, Dimples!" pagbati niya kaagad sa akin nang makarating siya sa harapan ko. Inabot niya sa akin yung bouquet at yung bench paper bag. Malugod ko namang tinanggap ang mga iyon.

"Thank you, Alora! Nag-abala ka pa." saad ko.

Narinig ko siyang natawa ng bahagya, "Alam mo ikaw, parang kang hindi kaibigan." she pouted, "Nagtatampo nga ako sa'yo eh! Naiintindihan ko namang nagmomove on ka kay Sir Renz pero-" she stopped talking nung narealize niya na nabanggit niya yung pangalan ni Sir Renz. She slowly looked at me and I just smiled at her.

"Okay ka na ba?" nag-aalangang tanong ni Alora.

I just chuckled, "Nevermind that. Pag-usapan natin kung kumusta ka na." I said at hinatak ko siya papunta sa isang table dito sa second floor.

"You purposely dodge the question, aren't you?! As expected, mahal mo pa din si Sir Renz." she said.

Naupo ako sa sofa at naupo naman si Alora sa tabi ko, "Ang tagal na 'non, Alora. I was 28 that time, young and stupidly in love. But I'm 30 now, mas marami akong mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin." I told her.

"Tama. Thirty na tayo, kailangan na nating magpakasal para kaya pa nating magkaanak." saad niya.

She's right. Kailangan na talaga naming magpakasal. We're already in our 30s unless gusto naming tumanda at mamatay ng mag-isa. But getting married and having kids is almost every woman's dream. Kahit ako ay gusto ko ring maikasal pero mukhang hindi talaga siya para sa akin.

Yung nag-iisang lalaking minahal ko ay hindi naman ako minahal pabalik at hanggang ngayon, binubuo ko pa rin yung puso ko from that incident. Mula sa sakit na naidulot sa akin ng pagmamahal na 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beyond Your TouchWhere stories live. Discover now