Chapter 13

2.3K 82 7
                                    

DEMITRI POV


"Anong plano mo ngayon? Paano mo kukumbinsihin si Chrom?" tanong ni Kuya Dwune sa akin. Hindi ko nga alam kung nasaan ang isang iyon. Hindi ko alam kung paano at saan ako mag-uumpisa paano ako mag-aaproach sa kanya.

Pero sa tuwing iniisip ko ang kalagayan ni Mama Sofia mas lalo akong nagiging desidido na sabihin iyon kay Chrom, alam kong mapapabago niya ang isip ni Mama at tanggapin ang heart transplant.

Maaga akong pumasok sa University pero bago ko hinanap si Chrom ay pumunta muna ako sa building namin at pinasa ang mga assignments at research papers ko. At nang mapasa ko na ay agad na akong lumabas at pumunta patungo sa Nursing Building at pinagtanong-tanong kung alam ba nila kung nasaan si Chrom.

"Excuse me, alam mo ba kung nasaan si Chrom Angeles?" tanong ko sa isang lalaki na alam kong ka blockmate ni Chrom.

"Si Angeles? Ang alam ko nasa Tennis court sya ngayon." nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanya.

Agad ko namang pinuntahan ang tennis court kung nasa saan naroroon ngayon si Chrom. At kung sinuswerte ka nga naman sya lang nag-iisa ngayon. Dali-dali akong pumasok at pumunta sa pwesto nyo. Noong una ay hindi niya pa ako napansin or pinansin ang tamang term. 

Busy sya sa pag t-tape ng hand grip ng kanyang racket kaya mas lalong lumapit pa ako sa kanya. Kaya napahinto sya sa kaniyang ginagawa at nilingon din ako sa wakas. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin at agad na binalik ang kanyang atensyon sa pagt-tape. Kaya hinawakan ko na ang kanyang kamay para mapahinto sya sa kanyang gawain.

"Ano ba?" reklamo niya.

"Gusto kitang makausap."

"Ayaw kitang makausap." agad niyang sagot

"Importante ito." malamig ang nakikita ko sa kanyang mga mata ng tinignan niya ako.

"Oh tapos? Pwede ba busy ako." pati ang boses niya ay sobrang lamig.

"Tungkol ito kay Mama Sofia kaya makinig ka." tinignan ko sya ng mabuti at hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Kailangan ka namin Chrom." huminga ako ng malalim para pigilan ang nagbabadyang luha na lalabas.

"Kailangan namin ang tulong mo. Ikaw lang makakakumbinsi kay--" biglang kumunot ang kanyang noo.

"Kung gusto nyo ng tulong pinansyal, mali ka ng nilapitan. Kay Daddy or kay Lolo kayo lumapit huwag sa akin dahil wala pa akong trabaho at sapat na pera." napanganga ako sa kanyang sagot kahit hindi niya pa alam ang totoong pakay ko. Atsaka pera? May sapat na pera kami para sa pagpagamot kay Mama Sofia. 

Pero napalingon ako sa suot na relo ni Chrom, tinignan ko ng mabuti kamukha sa pinabiling relo ni Mama Sofia noong nasa Swiden kami pero binalewala ko muna ito dahil mas importante ngayon si Mama Sofia.

"Nagkakamali ka, hindi pera ang kailangan ko o namin." ang pag dissang-ayon ko sa sinabi ko sa kanya kanina.

"Tulungan mo kaming kumbinsihin si Mama Sofia na magpagamot." yumuko ako dahil tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan, pero agad naman akong nag-angat at tumingin sa kanya. Nakita kong mas lalong kumunot ang kanyang noo dahil sa narinig.

"B-bakit ako?" tanong niya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"P-pinsan kita at anak ka ni Mama Sofia." aatras sana siya pero hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

"Kung k-kayo nga h-hindi nyo makumbinsi a-ako pa k-kaya?" nauutal niyang tanong hindi ko alam kung bakit sya nauutal. Wala na akong pakialam ibaba ko na ang pride ko para mapilit lang siyang sumama sa akin mamaya at kumbinsihin si Mama Sofia. Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya, pagtingin ko sa kanya nanlaki ang kanyang mga mata at sinubukan akong patayuin.

"H-hey! T-tumayo ka nga." pero umiling lang ako.

"P-please i-insan. Huli na i-ito, p-promise pag gumaling na si Mama Sofia hindi ka na namin kukulitin. Hahayaan ka na namin." hindi siya nagsalita.

"Mama Sofia, kailang niya ng heart transplant, Chrom." pagkarinig niya ng sinabi ko ay nakita kong natigilan sya at nabato sa kanyang kinatatayuan. At habang nakatitig ako sa kanya ay parang napansin kung mayroong tumulong luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako dahil ang luha ko ay tuluy-tuloy parin.

"...please" pagmamakaawa ko sa kanya.

Nagulat ako ng itinayo niya ako at sigurado na ako, umiiyak nga siya kasi namumula ang ilong at ang mata niya habang kagat-kagat ang ibabang labi to suppress his tears.

"S-saang hospital?" nauutal niyang tanong. Nagulat ako sa kanyang tanong niya pero dahil sa tuwa ko ay niyakap ko sya.

"...salamat insan" bulong ko sa kanya.

Wala na akong sinayang na oras kaya niyaya ko sya na pumunta sa hospital, medyo tulala pa sya pero agad naman niyang niligpit ang kanyang gamit. At nang matapos na syang magligpit ay agad syang sumunod sa akin at sumakay na kami sa sasakyan. Pinasabat ko na ito at medyo mabilis ang takbo ng sasakyan.

Tahimik lang kami sa byahe namin hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kasi walang emosyon ang kanyang mukha at sa labas lang ang kanyang atensyon. Napabuntong hininga nalang ako kaya mas pinabilisan ko pa dahil malapit na rin naman na kami.

Agad akong nag park at bumaba, sumunod naman sya sa akin. Tahimik naming binabagtas ang pasilyo ng hospital patungo sa kwarto ni Mama, lumingon ako sa direksyon niya at ngayon mayroon nang emosyon ang kanyang mga mata. Lungkot. Yun ang nakikita kong emosyon sa kaniya ngayon.

Kumatok ako ng tatlong beses, wala akong narinig na ingay kaya dahan-dahan kong sinilip ang loob ng kwarto at doon ko nakita si Tito Simon na nakayuko sa kama ni Mama Sofia. Sinenyasan ko naman si Chrom na pumasok at agad naman niya syang pumasok. Kinausap ko muna si Tito Simon, tumingin siya sa gawi ni Chrom agad naman syang tumango at lumabas na. 

Unti-unti at dahan-dahang lumalapit si Chrom sa kama ni Mama Sofia, at nakita kong nanginginig ang kanyang mga kamay habang lumalapit ito nang makalapit na ito ay tiningnan niya lang si Mama Sofia.

Pero ilang sandali lang napansin kong yumuyugyog ang kaniyang balikat at maya-maya ay narinig ko na ang kanyang hagulgol pero ang hindi ko inaasahan ay bigla nalang syang napaluhod at umiyak ng umiyak kaya agad ko syang dinaluhan at tinapik tapik lang ang kaniyang balikat.

"P-pwede mo m-muna kaming iwan?" bulong niya habang humihikbi.

Tumango lang ako at lumabas na pero hindi ko masyadong sinara ang pinto at iniwan ko ng konting bukas.

"...Mama"  tawag ni Chrom gamit ang basag na boses.

"Mama, please." ulit niya

Napasandal lang ako sa pader at huminga ng malalim habang pinapakinggan ang mga iyak ni Chrom at napangiti nalang ako. He is really a son of Sofia Russel Corpuz Angeles. Ilang minutong hindi siya nagsasalita at purok hikbi niya lang ang nangingibabaw.

"C-Champ"  it so faint voice at sobrang pamilyar ang boses, nanlaki ang mga mata ko kaya gusto kong makumpirma na gising na si Mama Sofia.

At oo nga, gising na si Mama Sofia at tinutulungan sya ni Chrom na makaupo kaya dahan-dahan niya itong pinapaupo. Kita ko sa mukha ni Mama ang ngiti sa kanyang mukha at umabot sa kanyang mga mata ang saya.

Nakatingin lang si Chrom kay Mama Sofia pero maya-maya ay yumakap sya habang umiiyak na parang bata. Niyakap naman siya ni Mama habang hinahaplos ng dahan-dahan ang likod ni Chrom na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

Pero napangiti ako sa mga sumunod na narinig ko mula kay Chrom




"...I-I'm s-sorry. Mom.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon