Pangako, Bayani.

23 0 0
                                    

"Don't forget to submit your assignment on the LMS by Monday. That's all, class dismissed," litanya ng guro nila sa Araling Panlipunan bago isa-isang nag-alisan ang mga estudyante sa Google Meet.

Napahikab si Alyanna habang kinakamot ang kanyang pisngi. "Paano ko naman sasagutan 'yon? Anong sasabihin ko sa napiling bayani? Na ikinahihiya kong harapin siya? Mas may alam pa ako sa mga K-Pop group kaysa sa history ng Pinas eh..."

Muli siyang humikab at bumukas ng bagong tab upang hagilapin ang buhay ng napili niyang bayani. Ilang oras din siyang nagbasa-basa, ngunit lalo lamang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata hanggang sa 'di na niya napigilang lumipat sa YouTube. Napagpasiyahan niyang manood na lamang ng mga dokumentaryo at baka sakaling magising siya.

Sa huli, hindi na nalabanan ni Alyanna ang pagod at unti-unting nilamon ng antok.

Kumunot ang kanyang noo ng maramdaman ang kung anong basa at malagkit na bagay na tumatapik sa kanyang pisngi. Itinulak niya ang malambot at mabalahibong nilalang, at naiinis na nagwika, "Miko, baba sa higaan."

Gayunpaman, ang inakala niyang kanyang aso ay hindi nakinig at nagpatuloy sa pagpeste sa kanya. Umungol siya at upang makahanap ng magandang posisyon ay tumalikod— "Argh!"

Nagkaroon lamang si Alyanna ng ilang segundo upang makita ang kanyang buong mundo na tumagilid habang siya ay bumagsak sa dumi.  Siya ay gumulong pababa, napangiwi at ungol sa paminsan-minsang bato at mga sanga na dumadaplis sa kanyang balat. Itinaas ang kanyang mga braso at kamay sa kanyang ulo, nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Pumikit siya at sinusubukang protektahan ang kanyang ulo. Tumalbog siya pababa, bugbog ang katawan.

Matapos ang tila walang hanggan, sa wakas ay huminto ang paggulong ni Alyanna, na nagbagsak sa kanya sa putikan. Unti-unti siyang umupo mula sa pagkakadapa at napangiwi. Hindi na niya kailangan ng salamin upang makitang balot na balot siya ng sugat mula ulo hanggang paa. Sa kabaitan ng Diyos, hindi naman siya nabalian ng buto.

Ngunit hindi rin nagtagal ang kanyang selebrasyon. Noong nilibot niya ang kanyang paningin, hindi niya makita ang kanyang kama, ang kanyang laptop, si Miko, o ang kanilang bahay. Nakakakita lang siya ng mga puno, puno, at maraming pang puno... "Shit, nasaan ako!?"

Sa wakas ay binigyan siya ng suporta ng kanyang mga binti, sa kabila ng paghihinagpis ng kanyang mga kalamnan at dugo na tumutulo mula sa mga sugat na natamo niya. Napalamukos siya sa mukha at halos mangiyak na. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung anong nangyari.

Napatingin siya sa langit at sisigaw na sana ngunit agad na napahinto nang makita ang usok mula sa 'di kalayuan. "Usok? Baka may tao roon!"

Huminga ng malalim si Alyanna at pinilit na pakalmahin ang sarili. Lalabas siya rito.

Kumapit sa kanyang binti ang mga matatalim na damo, ang mga dahon nito ay tila hinihila siya pailalim kaya't naging mas mahirap ang paglalakad para sa kanya. Ang mga sanga ng naglalakihang mga puno ay umuugoy kasabay ng hangin.

Sa bawat minutong dumadaan, nadama ni Alyanna ang kanyang mga sugat na tumutusok sa kanyang laman, ang kanyang mga buto na sumasakit sa bawat galaw. Malapit na talaga siyang tuluyang bumigay, ngunit sa pagkakataong iyon ay lumapat ang kanyang tingin sa isang lumang gusali. Mayroon ring ilaw na nanggagaling dito.

Nang makalapit si Alyanna rito ay madilim na, bagaman hindi niya maiwasang maramdaman na nakita na niya ang lugar na ito dati. "S-saan ko ba nakita 'to? Nasa Manila pa ba ako?"

Gawa sa bato ang mga pader ng napakalaking gusali, at pumasok siya mula sa butas  sa isang gilid. Tahimik ang lugar at ang mga lampara lamang ang nagbibigay gabay sa kanya papasok.

Pangako, Bayani.Where stories live. Discover now