Chapter 14

2.1K 55 6
                                    


Nakakainis lang kasi natalo si Pacquio.Grabe !!!Hahahaha by the way,ito na yung update.Alam kong sobrang tagal kong hindi nakapag-update pero sana maintindihan niyo naman na may iba rin akong ginagawa.Para makabawi,sobrang haba nitong ginawa ko.Sana magcomment and vote kayo,thank you !


——————————————


Nagulat ako sa nakita ko.Paano?Paanong namatay si Karla?Sinong gumawa nito sa kanya?Bukod ba sa akin ay may galit pa sa kanyang ibang tao?Pero sino?At bakit?


Matapos kong matagpuan si Karla na nakabigti sa aking kwarto ay tinawagan ko agad ang mga pulis para maresolbahan ang problemang ito.Inisip ko kung sinong maaaring gumawa nito sa kanya.Marahil siguro ay natagpuan ko siyang nakabigti sa aking kwarto pero alam ko na hindi niya pagtatangkaang patayin ang sarili niya lalo na't gustong gusto pa niyang mabuhay dito sa mundo.Pero sino?Sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?


Si Mark?Hindi naman siguro siya kasi wala siya dito atsaka isa pa,bakit?Bakit naman niya papatayin si Karla eh isa nga siya sa mga mahahalagang kaibigan para sa kanya?Si Rhenn?Hindi rin naman siguro kasi wala siya ngayon dito.Ang alam ko may misyon sa kanya ngayong pinapagawa si Supremo.Si Tristan?Paano naman niya magagawa yun eh kasama ko siya magdamag habang nagdadate sa may park?Hindi kaya siya?Hindi kaya inu-unahan na niya ako sa mga plano ko?Ayokong manisi ng ibang tao lalo na at hindi ko pa alam ang totoo pero kailangan kong malaman kung siya nga.


Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si James.Nasaan kaya siya ngayon?Bakit nawala siya bigla dito sa may condo ko?Saan ka nagpunta?Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Karla?


"Hello."bati ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag ko


"He...hello E..Eliza."nauutal niyang sagot sa akin


"Nasaan ka ngayon?"tanong ko sa kanya


Nadinig kong huminga siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko sa kanya "Ahh..ehh..nandito ako ngayon sa may convenient store.Bigla kasi akong nagutom kaya lumabas muna ako sandali."sagot niya sa akin


"Talaga?Alam mo na ba ang nangyari?"tanong ko sa kanya


"A..anong nangyari?"tanong niya sa akin habang nauutal pa


"Si Karla.May pumatay sa kanya dito sa may condo ko."seryoso kong sabi sa kanya


"Ano?Paanong may pumatay sa kanya?Sino?"tanong niya sa akin pero halata sa boses niya na hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko


"Hindi ko pa alam kung sino pero may suspetya na ako sa taong pumatay sa kanya."sabi ko kay James sa kabilang linya


"Huh?Si..sino?"kinakabahan niyang tanong sa akin


"You'll find soon."seryoso kong sabi sa kanya "Sige bye na James.Matutulog na ako.May susi ka naman ng condo kaya huwag mo na akong gisingin kapag dumating ka."sabi ko sa kanya at pinatay na ang tawag

Revenge of Badidang (Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon