Chapter 19

351 21 2
                                    


"I thought the day after tomorrow pa ang balik niyo?" Tricia asked her Ate Aika on the other side of the line.



"Okay naman na 'yung time na nandito ako, kami, tayo, nila mama!" Aika replied while walking alone beside the shore. Hindi na rin mainit kaya napag-isipan niyang maglakad-lakad muna. It's almost sunset. There's a lot of things in her head right now, kahit papaano ay napapagaan ng dagat at ng araw. Pero she knows in her mind that only one person can make her feel better.



She sighed, "Ate Aiks! Are you still there?" Nakalimutan nitong kausap niya pala ang kapatid.



"Yeah, yeah. I'm sorry, medyo mahina lang signal." she lied. When in fact, nawala lang ito sa kanilang pag-uusap dahil may ibang tao itong nasa isip.


"Are your friends coming with you na rin?"


"Of course, Trish."


"Okay, I'll tell Mama and the driver to pick you up."


"Okay, Patty. Thank you!" ibinaba ni Aika ang telepono pagkatapos nila mag-usap ni Tricia. Naglakad lang ulit ito sa dalampasigan at pinagmasdan ang mga tao sa paligid.


The sun and the sound of the waves crashing in the sand makes her calm. She can feel the warmth of something she can't explain. Basta't nasisilayan niya ang dagat at araw, magaan ang loob niya. Nawawala ang bawat pangambang nararamdaman niya. But today's different. Parang may kulang. She's longing for something... or someone. Ipinikit niya ang mga mata at humingang malalim. Iminulat niya muli ang mga ito at tumingin sa dagat at araw. She will probably miss looking at this scenery. Hindi na niya alam kung kailan ulit siya makakapunta rito. Saglit pa siyang nanatili roon bago tuluyang umalis at maglakad para bumalik sa kaniyang villa.








Habang nag-aayos ng gamit si Aika, someone knocked at her door. She's expecting it's Claire. Baka nakabalik na ito mula kanina. Nang sabihin niya kasi na aalis na sila't babalik ng Manila ay nagpaalam ito na may pupuntahan lang. She have no idea where pero hinayaan na lang rin niya.



Ibinaba niya muna ang mga damit na hawak niya at naglakad patungo sa pintuan.




"Hi, Aika!" bati ni Aria sa kaniya pagkabukas nito ng pintuan. Si Aria pala ito, one of her closest friends as well, at hindi si Claire.




"Ri! Come in! What's bring you here?" she said and widen the open of the door. Aria just smiled and went inside the villa.



"I'm done packing na. You need help?"



"No, I'm fine na. I can do this, Ri." she replied and went back to fixing her stuff.



"Si Claire pala, is she back?"



"Claire? No, I haven't seen her. Akala ko magkasama kayo?" sabi ni Aria nang may pagtataka.


"Magkasama kami kanina. Eh may tinawagan at umalis. Ewan ko nga ba nagmamadali rin eh." Aika replied with same curiosity at her face like Aria.


"Hmm?. 'Di niya rin nabanggit sa akin kung saan siya pupunta." sabi naman ni Aria at tinulungan nang mag-ayos ng gamit si Aika.



"Tawagan mo kaya?"


Aika obeyed what Aria said and called Claire. Naka-ilang tawag rin ito bago niya sagutin. Ang sabi niya ay may kailangan lang itong asikasuhin bago sila umalis at bumalik ng Manila. Weird pero hinayaan na niya ito at sinabihang umuwi na agad para makapag-ayos na ng gamit. Aria helped Aika to fix her things before the two decided to grab a drink at the resort's bar.







Maaga pa kaya't konti lang ang tao sa bar. Hindi rin naman ito open for public at for guests lang. Buti na rin para hindi masyadong magulo at maingay. Wala pang makakakita sa kaniya at baka kung anong article na naman ang lumabas.







Ellie was nowhere to be seen. Kahit anino nito wala. Hindi alam ni Aika kung bakit niya ini-expect na magpakita ito sa kaniya. Hindi rin niya naman ito sinabihan na aalis na sila. Pero hindi niya alam kung bakit hinahanap pa rin niya si Ellie. She sighed before entering their van. Umupo ito sa tabi ni Aria, si Claire ay nasa likod at matutulog daw muna.




"Okay ka lang?" Aria asked her when she sat beside her.



"Huh? Okay lang naman." she answered Aria.



"Mukhang may hinahanap ka yata eh."




"Anong hinahanap?"




"Hindi 'ano', kun'di 'sino'!" Owen butt in. Nasa likod lang nila ito at nakikinig pala sa usapan nila.




"Ikaw, chismoso ka talaga. Bakit 'sino'?" takang tanong ni Aika kay Owen.



"Sus, Jessica Marie! Alam naman natin kung bakit mukhang giraffe 'yang leeg mo kanina!" sabi muli ni Owen.



"May hinahanap." Aria and Owen said in unison that made Aika look more confused.



"Hinahanap? Wala akong hinahanap no!" Aika said defensively and just focused her look at the road.

"Jessica Marie "Aika" Gerona Robredo, we know you too well! Alam naman naming hinahanap mo yung atabs-na-magandang surf instructor." Eryl finally spoke. Nakikinig rin pala sa usapan.



"An- ano na ulit pangalan no'n?" Eryl asked at kinulit si Kyle na katabi nito.



"Get your hands off of me, Eryl!" Kyle rolled his eyes and tried to stop Eryl from shaking him.


"Sungit mo naman! May regla ka ba?" Eryl joked and everyone laughed.




"Ellie."




Someone at the back spoke. It's Claire.



"Oo nga! It's Ellie!" Aria shouted and teased Aika who's obviously piss.



"Tumigil na nga kayo. Ingay niyo. Claire's trying to sleep oh." sabi ni Aika at sinulyapan si Claire sa likod. It's already a bit dark kaya't hindi niya maaninag ang mukha nito. She can't see any emotion at her face right now. She just gave her a small smile and turned her look in front.



"Aminin mo na, Aiks. You were looking for Ellie." muling nagsalita si Owen sa likod nito.


"Oh, ano naman kung oo?" sambit ni Aika para matigil na sila katatanong.



"Yieeee! Hinahanap naman pala talaga." Eryl teased her and everyone joined her. Except Claire. Umingay sa buong sasakyan dahil sa pang-aasar nila kay Aika.



"Oo na nga, okay? Masaya na kayo? Tama na ha!" sumigaw ng konti si Aika para marinig ang kaniyang sinabi dahil sa sobrang ingay ng apat. Nanahimik naman ang lahat nang masabi niya ito.



"Ayan! Titigil rin naman pala eh. Matutulog na ako." muli niyang sinabi nang wala nang nagsasalita sa mga kasama. Tinignan muna niya sila isa-isa bago ipinikit ang mga mata at natulog.










A/n:
Nalate hahaha! Dapat kanina pa 'yung update hindi ko lang namalayan ang oras^^












Feelings UnknownWhere stories live. Discover now