Asar Talo

161 1 0
                                    

    Since hindi kaya ni Kenneth punasan ang kanyang sarili at ginatungan pa ng mga classmates ko na ako nalang daw ang magpunas kay Kenneth.. No choice ako kundi punasan sya... Alang namang pabayaan ko nalang sya ng ganyan.. Hindi naman ako ganun ka-harsh.. Kayanaman kinuha ko na sa kanya yung bimpo at binasa sa lababo. May advantage rin pala etong lababo sa loob ng C.R namin at kung hindi kayo na inform may C.R kami sa loob ng room.         


After kong mabasa ang bimpo. Kinuha ko naman yung plangganang maliit sa loob ng bodega kung saan nakalagay ang mga panglinis sa room ..  Katabi lang naman ng room namin yung bodega.. Kung itatanung nyo kung bakit ko alam .. Syempre nakikita ko yung tagalinis haha..

So.. Ayun' na nga after kong makuha yun' nilagyan ko ng tubig yung tamang tubig lang para mabasa yung bimpo since wala namang mainit na tubig yung tubig nalang sa C.R  ....

After kong malagyan, bumalik na ako papunta sa pwesto namin ni Kenneth..



"Ano yan ?"      Tanong ni Amanda nang makita nya akong may dalang planggana.

"Ano pa, Edi' planggana na may tubig.."              I answered.

"Ano naman ang gagawin mo dyan?".                Tanong naman ni Devon na nakatayo sa tabi ko.

"Ahh .. eto' ?".    Sabi ko sabay taas ng konti ng hawak kong planggana.   "Iinumin ko! Gusto nyu rin ba?".        Sarcastic kong tanong.

"Yuck! No thanks ! Ikaw nalang ..".          Devon answered.

"Boba! Syempre ito ang gagamitin ko sa pagpunas ng mukha ni Kenneth!!...".           Sabi ko na nainis sa kabobohan ng dalawa. At inirapan lang ako ng dalawa at saka umalis, samantalang yung iba kong classmate tumatawa..


Palibhasa mga mayaman kaya walang alam kundi  magpasosyal lang... Hindi ko naman sinasabing hindi ako mayaman, katulad ng iba may kaya din kami pero ako kasi lumaki ako na wala lagi sa tabi ko sila Mommy at Daddy na tanging Yaya ko lang ang nakakasama ko sa bahay, kaya naman natuto akong may alam kahit papaano sa buhay.    

After nu'n sinimulan ko nang punasan ang mukha ni Kenneth nahirapan pa nga ako ehh.. Kasi tumutungo sya sa desk nya. Habang pinupunasan ko sya nakatingin naman sina Gina at Clarissa kung paano ko ginagawa yung pagpunas kay Kenneth.

Habang pinupunasan si Kenneth sa mukha napatitig nalang ako sa Mukha nyang maamo. Ang kilay nya... Ang mga mata nyang singkit... Ang pisngi nyang makinis.... Ang ilong nyang matangos.... At ang ..... Ang.. .. Ang.... Labi nya. .. Bakit ganun ang pula-pula naglilipstick ba sya??   ....



"Hoy!"      Gulat saakin ni Clarissa.

"Ay! Hoy!"        Sabi ko na nagulat.

"Makatingin ka sa labi ni Kenneth parang gusto mo nang halikan ahh ..".    Clarissa said.

"H-Ha? A-Ano? Hindi ah'....".         Sabi ko na nauutal.

"Hindi daw! Eh' bakit ka nauutal?".        Tanong ni Gina.

"Hindi naman talaga eh'.. Ano kasi.. Ano...".         Sabi ko na hindi tinuloy ang sinasabi.

"Ano ha? Ano?! Bakit hindi mo maituloy yung sasabihin mo? Kasi to too?...".        Clarissa said na may halong panunukso.

"Ha? Ano? Hindi ahh...".         I said.

"Haynaku! In denial pa ! Kitang kita kaya namin kung paano mo tinititigan yung lips ni Kenneth."          Dugtong pa ni Gina.

"Tsk. Hindi ko yun ginawa!..".        Pagprotesta ko.

"Edi' kung hindi ikaw yung gumawa.. Edi' sino? Yung double ganger mo!.. Ganun'?...".      Sarcastic na sabi ni Clarissa.

"Tsk. Ewan ko sa inyo! ... ".        Sabi ko sabay lagay ng bimpo sa planggana.    "Dyan' na nga kayo...".       Sabay lakad palayo sa kanila.

"Tignan mo ito asar talo.. Hoy! Saan ka pupunta?..".        Clarissa said.

"Bibili lang ng pagkain ni Kenneth pati gamot!!!...".       Sigaw ko saka tuluyan nang umalis.


  After kong makabili ng Sopas, tubig at Biogesic sa canteen. Umakyat na ako papuntang room namin.


"Ang taray... Mahal na mahal mo talaga si Kenneth noh...".          Bungad na pangaasar saakin ni Clarissa.

"Akalain mo, naging mabait si Claire kay Kenneth...".        Gina said.

"Tigilan nyo ko....".
   (   -__________- )    I said na iniwas ang tingin sa kanila.

"Uuuyyyy... Ikaw ha! Ha !...".       Pangaasar ng dalawa saakin na sinundot sundot pa yung tagiliran ko na nagiging dahilan para iwasan ko.

"Manahimik nga kayo.. Tsk!"        Iritado kong sabi.

Agad namang tumahimik yung dalawa. at inilagay ang pagkain at gamot sa desk ko.

"Oh' Kenneth kumain ka muna bago uminom ng gamot.".       Sabi ko sabay taas ng ulo ni Kenneth.

"Ayaw kong kumain.".        He said then tumungo ulit sa desk nya.

"Subuan mo na lang Claire..".        Clarissa said na  may halong malisya.

"Oo nga naman Claire! Sige ikaw din baka' lalong lumala ang sakit nyan.".       Blackmail ni Gina sa akin.

"Okay fine! Tsk. Ano pa ba ang magagawa ko pinagtulungan nyo na ako.".        Sabi ko sabay irap sa kanila.


  At sinimulan na ang pag subo kay Kenneth pero syempre hinipan ko muna bago isubo kay Kenneth yung sopas. Pero anak ng sopas naman oh! Yung dalawa makatitig eh.. Akala mo kung ano ang ginagawa ko kay Kenneth. Hayysst.. Bahala nga sila!..  Pero thanks God narin kasi tahimik lang na sumusubo si Kenneth. Then after kong subuan si Kenneth pinainom ko na sya ng tubig kasabay nu'n hinawakan naman nya din pero sa kamay ko sya nakahawak. At nung tignan ko yung dalawa ay... Iba ang ipinapahiwatig ng tingin nila saakin, hinayaan ko nalang then after nu'n yung gamot naman isinubo ko din sa Kanya... At ang ending... Nadampian ng daliri ko yung lips nya dahil sa pagsubo ko sa kanya ng gamot. At pakiramdam ko namula ako doon..   

(>\\\\\\\\\\<)

The Arrogant Genius and that GiRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon