Pangalawa

8 2 0
                                    

Papunta na sila ngayon sa bahay ng kanyang lola. Habang nasa biyahe ay naalala niya ang nangyari kanina sa kanyang kwarto. Paalis na sana siya ng ng kanyang kwarto ng biglang malaglag ang diary mula sa kanyang cabinet ngunit ang pagkakaalala niya'y nilagay niya ito sa posisyong hindi malalaglag. Iyon ang laman ng isip niya hanggang sa makatulog siya.

"Alicia!" napamulat siya dahil sa lakas ng boses.

Nang tingnan niya ang may-ari ng boses ay hindi naman sa kanya ito naka tingin kundi sa isang babae.

Tiningnan niya ang paligid nang may napagtanto. Paano siya nakarating rito? Ang huling naaalala niya ay nasa loob siya ng sasakyan kasama ang pamilya niya papunta sa bahay ng kanyang lola.

"Alicia, let's go!" Tiningnan niya ang babaeng tinawag nito. Maganda ang babae at maputi, "Hinahanap ka ni Theo!"

"Theo? as in yung Theo na crush ko?" may malaking ngiting tanong ng babaeng tinawag na Alicia.

"Yes, as in yung Theo mo!" ani namang isang babae, napatili ang dalawa at napatigil ng may biglang lumapit rito na lalaki.

"Alicia, hi!" anang lalaki.

"Uhm, hi?"

"I'm Theo!" pagpapakilala ng lalaki at inilahad ang kamay rito kay Alicia.

"I'm Alicia!" ani Ali at tatanggapin na sana ang kamay ng lalaki ng may isa na namang babae ang dumating.

"Theo, let's go! My mom is waiting for us!" anang isang babae at hinahawakan ang kamay ni Theo na nakalahad at hinila ang lalaki.

"Alesha, wait!" ani Theo sa babae na humila rito.

"No, let's go!" ani Alesha.

"Alright!" ani Theo at binalingan si Alicia, "Nice to meet you, Ali" anito at nagpaalam.

"Nice to meet you too" ani Alicia sa mahinang boses at hinabol ng tingin ang lalaking papalayo.

Wait? Alesha? Theo? Alicia -

"Alicia!" napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ng ina, "bumangon ka na riyan, andito na tayo sa bahay ng lola mo" at sinabi ng ina ay agad siyang napatingin sa isang bahay, malaki ito at may kalumaan.

"Ano pang inaantay mo, bangon ka na riyan ang tumulong ka sa pagbubuhat ng mga bagahe natin!" anito.

At gaya ng sabi ng ina ay tumulong siya sa pagbuhat ng bagahe nila at nilagay ito sa kanilang kwarto. Sa bahay ng kanilang lola ay may sarili na silang kwarto, hindi lang sila kundi lahat ng anak nito ay pinagawan nito ng kwarto para raw kapag bibisita sila ay may matutulugan na.

"Felisha, anak!" bungad ng isang may katandaan sa kanyang ina, ang kanyang lola Alesha, "Mga apo!" nakangiting baling naman nito sa mga kapatid niya at nang mahagip siya ng tingin nito ay nawala naman ang ngiti nito, "Alicia!" anito sa malamig na boses.

Sanay na siya sa kanyang lola, kapag andito sila ay hindi man lang siya binabalingan nito kung hindi naman kailangan at miski ang ngitian siya ay hindi nito magawa. Akala niya ayaw ng kanyang lola sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Kung noon ay nalilito siya kung bakit galit ito sa kanya, ngayon ay hindi na gaano, hindi man sigurado ay iyon ang nararamdaman niya lalo na tuwing binabanggit nito ang pangalan niya, galit ito kay Alicia at iyon ang gusto niyang malaman, bakit galit ito kay Alicia at ano man ang napanaginipan niya ay kunektado sa kanyang lola.

[ 04 ]
    ╰ Lumapit si Theo sakin kanina, sabi ng kaibigan ko ay hinahanap raw ako nito. Nagpakilala ito sa kanya at siya rito ngunit nang akma na niyang tatanggapin ang inilahad nitong kamay ay dumating naman yung Alesha. Inaantay na raw sila ng mama nito, siguro girlfriend nga talaga ito ni Theo.

Nagulat siya sa nabasa, ito ang nangyari kanina sa kanyang panaginip, akmang-akma, ngunit bakit niya ito napanaginipan? Anong 'connection' mayroon siya sa diary at bakit ganun nalang ang galit ng kanyang lola sa kanya, sa kanya nga ba? o sa babaeng kanyang kapangalan?

The Red String (Completed) Where stories live. Discover now