Chapter 31

35.9K 1.2K 637
                                    



Grip




I'm silently watching Nate and Lía. They're near the shore and I don't know what they're talking about, but based on what I'm seeing, I can sense that Lía wasn't in her mood to deal with her friend.

"Paano kaya nalaman ng batang iyon na nandito tayo? My gosh!"- palatak pa ni Sir Bobby habang nagpapaypay sa sarili nito.

Hindi ako sumagot dahil kahit ako man ay nagulat sa biglaan na pagsulpot nito dito. Gumugulo din sa isip ko yung mga katagang binitawan nito sa akin kanina kaya mas nawala ako sa mood na mag ingay.

"Helen? Okay ka lang ba?"

"Opo sir."

"Medyo mainit na. Pumasok ka muna sa loob ng tent. Ako na mag babantay kay Charlie."

Sumulyap ako sa gawi nina Lía at nagtatalo pa din yung dalawa duon. At base sa itsura ni Nate ay mukhang pinapakalma nito ang girlfriend ko.

Bumuntong hininga nalang ako at pumasok nalang nga sa tent para makainom din ako ng tubig.

Naupo ako sa isang mono block chair at tinignan yung folding chair na nasa harapan ng salamin. Sa likod niyon ay may naka sulat na Charlotte. May glitters pa nga iyon kaya ang ganda tignan.

Fruit.. Poison.

Ayos lang. Mahal——

"I'm sorry about that, honey." - A calm, soothing voice resonates in the air.

Naramdaman ko nalang ang pagpulupot ng braso nya sa leeg ko at ang pagdantay ng baba nya sa balikat ko. Bumilis na naman tuloy ang tibok ng puso ko dahil naglalambing sya.

"Pinauwi ko na sya. Ayos ka lang ba?"

Nagpunta sya sa harapan ko para sapuhin ang pisnge ko. Medyo yumuko pa sya para magkasalubong ang mga mata namin dalawa.

"Are you mad at me?"

"No.."- I said, whispering, because she teasingly brushed her lips on mine.

I held both of her elbows to squeeze them gently, making her stop on her track.

"I'm not mad, honey. I'm just thinking."

Nahigit ko ang hininga ko dahil bigla syang umupo sa lap ko , pa sideways at muling pinulupot sa leeg ko ang mga braso para magkadikit ang mga noo namin.

"Baka may pumasok."- kinakabahan sabi ko at hinawakan ang bewang nya.

"I don't care. I'm ready to tell everyone here that you're my girl."- she said seriously.

Nakakatuwa pero nakakatakot din. Gusto ko din naman ipagsigawan nya na kami nga pero ayaw ko din na magaya yung kapalaran nya sa nangyari sa pinsan nya.

Baka ilayo sya sakin. Tapos dahil sa mahirap lang ako ay hindi ko sya makikita o masusundan man lang.

"Bakit daw pala sya nandito?"- pag iba ko sa usapan at yumakap sa bewang nya. Hinilig ko din ang ulo ko sa balikat nya habang hinahaplos nya yung likod ng ulo ko.

"He stalked me."

My brows knitted. "Baka obsess na sya sayo."

"I don't think so. Nate is a good guy."

"Kahit na. Hindi mo pa din alam ang iniisip nya."

I felt her soft lips on my forehead while still caressing my hair.

"Always keep in mind that I'm yours. No one else can have me except you."

I met her blue eyes. She was looking at me with full admiration. I clenched my jaw and was about to kiss her when we heard someone squealing behind us. That caught our attention.

Loving a Spencer ✔Where stories live. Discover now