[ 5 ]

18 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Nakakainis! Kahit si Juan Luna walang panama, pero kailangan ko mag isip para sa susunod na laban.

"Paghandaan mo akong mabuti Hesuwo, ako ang ikatlong lalaban BWAHAHAHA!" Nagulat ako sa narinig ko, boses ng babae at iisa lang ang kilala ko na ganon ang boses.

Si Diwata! Siya ang susunod na lalaban, ayaw talaga sigurong paisahin kaming mga Heroes ni Bathala.

"Kainis!" Sa sobrang inis ko ay ihinampas ko ang dalawang kamay ko sa lamesa, medyo nag crack ito sa sobrang lakas ng pagkaka hambas ko.

"Wag mo ng pag-isipan pa kung sino ang lalaban Hesuwo."

Ang boses na'to...Si...

Dr.Jose Rizal!

"S-Sigurado k-kabang ikaw ang lalaban kay Diwata?" Agad kong tanong sakaniya.

"Hmmm, masyado na silang kampante, kaya panahon na para ako ang tatapos sa kasiyahan nilang lahat." Confident na salita niya habang nakasandal sa pinto.

"Kung ganon ang gusto mo, paghandaan mo bukas yan."

May point si Rizal, dahil sa two zero lead ng Gods, maaring maging kampante si Diwata, hindi ko hahayaang matalo pa kami ng isang beses!

Kaya kailangan ko nang himingi ng kaunting kapangyarihan sa Supreme God, alam kong wala siyang kinakampihan samin, sa tama lamang ito kumakampi pero bahala na, no choice narin naman.

Ipagdarasal ko nalang sakaniya na kayanin ni Rizal si Diwata!

Kinabukasan~~~

"THIRD DAY, THIRD MATCH, GODS IS LEADING THIS EVENT OF HEROES V.S. GODS! SA THIRD FIGHT NGAYONG ARAW, HETO ANG INYONG MGA KALAHOK! FROM THE GODS CORNER! UHMMM, Ahhh, supposedly, si Diwata ang lalaban...yun yung unang nakalista...PERO SABI NI BATHALA, ANG IKATLONG LALABAN SA SIDE NILA AY SI..."

"MANGGAGAWAY!"

"A-Ano???" biglang tingin ko ng masama kay Bathala."Anong ibig sabihin nito Bathala?"

"Kalmahan mo lang yan Hesuwo." Wika nito habang naka ngiti parin."Hindi ko gustong si Manggagaway ang ikatlong lalaban, pero ginusto niya yan kaya...out muna si Diwata."

Masama 'to...alam ng lahat na napakalakas mg taglay na kapangyarihan ni Manggagaway.

Maraming natatakot at ayaw itong makalaban or makaharap malang sa personal.

Mukhang desperado nga talaga silang istraight yung 5 wins, masyado ailang nag eenjoy, kainis! Nasa bingit kami ng kapahamakan ngayon.

Pag natalo pa kami ng isang beses...mas lalong mawawalan ng pag asa ang mga taong nanonood.

Kaya dapat pagbutihin mo Rizal, lahat ng tao...pati ako, ay umaasa sayong ikapanalo!

"Sino kaya ang lalaban sa Heroes?"
"Babae ba o lalaki?"
"Sana naman manalo na yung ikatlo!"
"Sino ang lalaban?"

"AT ANG LALABAN NAMAN SA SIDE NG HEROES, KILALA BILANG ISANG MAHUSAY NA MANUNULAT NG BANSA, INIALAY ANG SARILING BUHAY UPANG MAILIGTAS LAMANG ANG MGA TAO SA KAMAY NG MGA DAYUHAN, MANANALO NA KAYA SIYA LABAN KAY MANGGAGAWAY? TAMANG DESISYON BA NA SIYA ANG DAPAT NA LALABAN KAY MANGGAGAWAY? SAPAT BA ANG KAPANGYARIHAN NIYA NA MATALO ANG ISA SA PINAKAMALAKAS NA GOD?"

"ETO NA ANG INYONG HERO!"

"DOCTOR JOSE RIZAL!"

"UY SI RIZAL!!"
"Kaya mo yan Dr. Jose Rizal!!!"
"Ang pogi mo parin Dr. Jose Rizal!"
"AHHHHH Go Rizal!!!"

Nag checheer ba ang mga 'to para manalo? or nag checheer lang 'to dahil pogi si Rizal?

Ewan ko, nawawalan ng pag asa pag natatalo ang hero, pero parang nailigtas na sila kapag nakakita ng pogi.

Hay nako ang mga kababaihan ngayong panahon, buti di ako katulad sakanila.

"WAG MO KAMING BIGUIN RIZAL! NA'SAYONG MGA KAMAY ANG KALIGTASAN NG PILIPINAS!"Sigaw ko sakaniya upang ito'y ganahan.

"Hmmm!" Ngiti lang ang isinagot nito sabay kaway."Ipaubaya mo na 'to Hesuwo!"

"Confident siyang makakaya niya si Manggagawa ah, mukhang may intense na laban na namang magaganap!" Sabi ni Bathala habang nakaupo sa Trono nito.

"Manood ka Bathala, sa ngayon matatalo na namin ang mga Gods mo!"

"BWAHAHA! Tignan natin Hesuwo!"

"SIMULAN NA ANG LABAN!"

At isinigaw na ng referee ang hudyat ng simula, hindi magiging madugong laban 'to.

Labanan mg Mind games, spell caster silang pareho.

Si Manggagaway kayang targetin ang physical mo gamit ang manikang dala nito.

Si Rizal naman nagiging katotohanan ang mga salitang gusto nitong ipaabot sa target niya.

Magandang laban kung mahilig sa strategy ang nanonood, boring naman kung ang manonood ay gusto bakbakan agad.

Battle of long range, walang gamit ng kamao o kaya sipaan!

Tignan natin kung paano hahawakan ni Rizal ang sitwasyon niya ngayon.

"Manggagaway, sa panahon ko hindi ko na experience ang makulam." Salita ni Rizal.

"Ngayon mo mararamdaman ang kapangyarihan ng isang Witch Rizal!"

"Tsk, kung ang mga dayuhan ay napa alis ko sa pilipinas gamit ang pagsusulat o libro, ikaw pa kayang panginoon?" agad na sagot ni Rizal habang naka ngiti.

Masaya parin siya, hindi niya yata alam na makapangyarihan pa sakaniya ang kaharap niya.

"Ipanag mamalaki mo ang nagawa mong yan sa pilipinas? Pwes, ipararamdam ko sayong muli ang sakit ng balang tumama sa likod mo!"

"Hindi na mauulit yan Manggagaway, naka handa na ako ulit sa pangyayaring iyan." May inilabas itong libro, ito na yata ang isa sa isinulat niyang libro.

"Masayang laban ito Rizal! HUMANDA KANA! NYAHAHAHAHAHAHA!"

Tinusok ni Manggagaway ang lupa sa harap niya at may biglang matulis na bato ang lumabas sa harap ni Rizal.

Mabuti naman at nailigan agad ito ni Rizal.

"Kamuntikan na!" Salita nito habang pinupunasan ang Tuxedo nito.

"Hindi lang yan ang kaya kong gawin!"
Tinusok naman agad nito ang manika at sa hindi inaasahan ni Rizal...

Naramdaman nitong sumakit ang kaniyang buong katawan.

"NYAHAHAHAHA! Mukhang umubra ang bait kong ginawa gamit ang matulis na bato!"

"L-Lason!" Sigaw ni Rizal habang namimilipit ito sa sakit.

Nakatayo parin ai Rizal sa pwesto niyo pero hindi ito makagalaw.

"Nalason ka nga sa itinapon kong karayom bago kapa naka talon! NYAHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHA!"

Nagulat si Manggagaway ng biglang tumawa ng malakas si Rizal."HAHAHAAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"H-Hindi tumalab ang...l-lason?" nanlaki ang mga mata nito ng tinawanan lamang siya ni Rizal.

"Hindi ka yata nag reaserch, Graduate akong medical Student, kaya alam ko ang pangontra sa lason Manggagaway, mas mabuti ngayon dahil iisipib o sasabihin ko lang, nagagawa kaagad! HAHAHAHAHAHA!"

"P-Paano? Anong ginawa mo?"

"Hindi mo na malalaman yun Manggagaway, napaghandaan kita, kayong lahat na mga Gods, bago ako sumabak pinag aralan ko kayo iaa isa!" Pag eexplain nito kay manggagaway.

"Kung sakaling mag iba ang order ng makakalaban ko, alam ko parin ang gagawin sakaniya, kaya humanda ka Manggagaway, hindi ako basta bastang magpapatalo sainyo!"

Nagulat ang lahat ng mga God sa mga salitang binitawan ni Dr.Jose Rizal.

Makakaya na kaya niya si Manggagaway?

Ito na ba ang minimithing kauna unahang panalo namin sa mga Gods?

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now