Singkwenta Y uno

3K 124 16
                                    


   Matapos ang trabaho ay naghihintay nalang ng kanilang sundo ang mga doctora

Yumi: on the way na daw po sila mga ate kakatext lang ng asawa ko

Jho: okay sige maghanda na din tayo

Ced: mas mabuting salubongin nalang natin sila sa labas ng hospital

Jema: bakit?

Ced: baka magkagulo na naman mga nurses dito

Yumi: hahaha apaka selosa

Jho: sinabi mo pa

Jema: Tara na labas na tayo, malapit na daw sila

Yumi: let's go?

Naglakad ang mga doctora palabas ng hospital ang mga doctora

Maya maya ay may dumating na convoy ng mga mamahaling sasakyan

Dinig nila ang bulong bulongan nga mga tao sa paligid

Ang gara ng mga sasakyan

Mga artista or pulitiko siguro yan

Isa Isang huminto ang mga sasakyan sa harap ng hospital at lumabas ang magbabarkada

Shit ang popogi

Di nakaligtas sa pandinig ng mga doctora ang bulong bulongan

Nang makababa ng sasakyan ay agad nagtatakbo si tots pa punta kay celine

Tots: my life, my love, my everything. I miss you

Niyakap pa nya eto

Napa iling nalang sina Deanna at Jaycel sa kalokohan ni tots

Yumi: Akala mo talaga ofw na ngayon lang nagkita

Celine: love, umayos ka nga para kang  baliw

Lumapit naman ang iba sa mga girlfriend nila

Jaycel: wife

Yinakap ni Yumi si Jaycel

Bea: babe

Jho: hi babe

Deanna: baby

Jema: baby

Niyakap ni jema si Deanna at hinalikan naman sya ng huli sa noo

Ced: love bat sila normal na bumati? Ikaw para kang binakuhan ng maling reseta

Bea: abnormal kase yan Celine, di ba namin nasabi sayo?

Jaycel: nakalimotan naming bumili ng maintenance nya, kaya ayan inatake na ata

Tots: hoy palibhasa hindi kayo sweet

Bea: sira, Hindi kami OA

Tots: e bakit? miss ko girlfriend ko e

Jaycel: sa sobrang miss hindi na nagtrabaho

Deanna: half day lang babayaran ko sayo?

Tots: uy anong half day nasa office kaya ako

Bea: nasa office ka nga kaso ang aga mong nag early out, ala una palang gusto mo na pumunta dito

Celine: baliw ka talaga love

Jho: Tara na bago pa kayo magka pikonan

Kinuha ni Deanna ang gamit ni jema pinag bukasan at inaalalayan etong makapasok sa kanyang sasakyan

Habang nilalakbay ang daan ay nagkwentohan ang mag kasintahan

Habang nagdadrive ay hawak ni Deanna sa kabilang kamay ang kamay ni jema

D and her plus 1Where stories live. Discover now