Prologue

199 2 0
                                    

"di ba ikaw yung kaibigan ni Aira?" Tanong ko sa lalaking kanina ko pa napapansin na nakasunod sakin

"H-huh? Teka ako ba kinaka-usap mo?" Tanong nito

"Oo sino pa ba? Eh wala namang Ibang tao dito" sagot ko

"Ah eh... Oo ako nga yun Chester, Chester Fernandez" sabi nito at inilahad ang kamay pero hindi ko yun tinanggap instead, pinaningkitan ko siya ng mata

"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko na ikinagulat Niya din dahil hinila ko ang kwelyo Niya kaya sobrang lapit ng mukha Ni Chester sa akin

"H-hoy! Anong gi-ginagawa mo?" Utal-utal nitong tanong at hindi maka tingin sa akin ng diritso

"May gusto ka ba sakin ha!?" Tanong ko dito saka siya binitawan dahil sa totoo lang din nakakailang ang posisyon namin

"H-huh? W-wala, ako mag kakagusto sayo? Assuming ka!" Sabi nito ngunit hindi Naman makatingin sakin

"Sinungaling!" Bulong ko saka inirapan si Chester at nag lakad na paalis doon

Palingon-lingon ako sa likod ko at nakita ko siyang sinisipa ang bato tapos nag kakamot ng ulo o hindi kaya'y nag kukunwari na may tinitignan at ang pinag tataka ko lang hindi lumalayo ang distansya namin kahit mabilis Naman akong mag lakad confirm na to sinusundan ako nitong lalaki na Ito!

Dahan-dahan akong nag lakad saka tumakbo ng mabilis at nang makakita ng mapag tataguan, agad akong nag tago sa likod ng basurahan

Narinig ko ang mabilis na yabag saka huminto Ito

"Asan na yon? Arghh!!! Hindi ko tuloy naabotan" frustrated nitong saad saka nag patuloy sa pag takbo siguro para hanapin ako saka lang ako lumabas ng masigurong wala na siya

"Ano kayang kaylangan nun sakin?" Takang tanong ko saka bumalik sa dina-anan ko kanina nang biglang.... "AHHHH!" sigaw ko dahil sa gulat nang hinihingal na sumulpot si Chester sa harap ko

"San ka ba galing ha? Pinag-alala mo ko! Wag na wag mo na yun uulitin" hinihingal nitong saad

"Huh? So sinusundan mo nga ako?" Tanong ko

"F*cking yes!" Sigaw nito na ikina-gulat ko

"B-bakit?" Tanong ko ngunit imbis na sumagot natigilan siya saka umayos ng Tayo at umakto na Parang walang nangyari

"Ahh, k-kasi I mean w-wala teka bat napunta sakin ang topic" sagot nito saka umirap

"So sinusundan mo nga ako ha? Bakit ba? Anong kaylangan mo at bakit ka nagagalit?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya na ikinatahimik Niya

Tinitigan ko siya at nakita ko ang pag lunok Niya ng sunod-sunod at hindi rin mapakali ang mata Niya palipat-lipat Ito ng tingin

"Kasi ano ahh---paki sabi kay Aira na may lakad kami mamaya" nag-aalangan nitong sagot

"Tsk...yan lang pala tinawagan mo na lang sana siya o chinat o di kaya'y pinuntahan mo" sabi ko

"Wala akong load at mahal ang gas aksaya sa pera" sagot Niya

"Gusto mo lang talaga akong makita" panunudyo ko at saka iniwan na siya "Alis na ako, ang weird mo kausap" pahabol kong Saad habang nag lalakad palayo sa kaniya

I'm Chantelle Chantelle Shayk and this is the start of our story.

Mr. Playboy Is A Mafia : MS#2Where stories live. Discover now