CHAPTER 23

85 4 0
                                    

Matapos kinuha ng crew ang mga luggage namin din kaming iginiya ng isang flight attendant patungo sa pwesto namin. Class A ang biniling ticket ni Jeush dahil ayaw niya raw sa maraming tao.


" May dala akong foods dito sa bag, Reah. You can get if you want. " Keith offered nang makapwesto na kami. Bigla namang nagliwanag ang mukha ko nang marinig ito. Free foods.


Tumayo ako at lumipat sa tabi nito. Si Jeush, ayon may sariling mundo na naman. Abala sa pagkukulikot sa phone niya at may nakasaksak pang earphone sa tainga.


" May kiss ba?" Nae-excite kong tanong. Favorite ko kasi ang chichirya na 'yon.


" Iba nalang, Reah. Favorite ko 'yan. " Pagdadamot naman ni Keith sabay niyakap ang bag niya. Tumayo naman ako.



" Akin nalang, kiss lang naman 'yan, Keith. Papalitan ko nalang mamaya pagdating natin. " Wika ko pa sabay lahad ng kamay sa kanya. Naka-pout na naman ito habang yakap-yakap parin ang bag. Para itong bata na takot maagawan but he still looks so cute. " Nag-offer ka tapos ang damot mo!" Dagdag ko pa. Binilatan lang ako.




" Iba nalang, Reah. Kiss ko 'to eh. " Pagdadamot pa rin nito. Sinubukan ko namang agawin ang bag niya ngunit masiyadong malakas ito.



" Kiss lang naman, Keith. Akin na! Papalitan ko nalang. " Pag-agaw ko pa rito ngunit mas sumiksik pa ito sa gilid ng upuan.



Habang abala ako sa pakikipag-agawan ay bigla akong hinila ni Jeush. I was stunned nang bigla nalang ako nitong hinalikan at ipinulupot ang isa niyang braso sa beywang ko. My heart beats faster sa ginawa nito at nahigit ko pa ang paghinga ko.



" Live porn ba 'yan, K?" Tanong pa ni Keith sabay tikhim na nagpabalik sa ulirat ko. Agad ko namang naitulak si Jeush at nag-iwas ng tingin sa kanila dahil biglang nag-init ang mukha ko.



" Why are you asking for a kiss if I can give it to you?" Imbes na baling pa ni Jeush sa'kin. Taka naman akong napatingin sa kanya at sinuri kung seryoso ba ito sa tanong niya but I found no jokes. How can he even maintain that poker face? Ang hirap pag-aralan ng reaksiyon niya.





Saglit na binalot ng katahimikan bago ako bumulwak ng tawa. Iba yata ang pagkakaintindi nito sa kiss.




" A-anong kiss ba ang pagkakaintindi mo?" Tumatawang tanong ko pa. Maging si Keith ay pinipigilan ang pagtawa baka may sumabog.




" What's funny with that, Lael? Why are you asking for Keith's kiss when infact I am your husband? " Inosenteng tanong pa nito na sabay naming ikinatawa ni Keith. " Nothing's funny, why are you laughing?" He annoyingly asked. Napahawak pa ako sa tiyan ko sa kakatawa.




" Ito ang kiss, bro, not literally a lips to lips. I might think that you're jealous. " Ani Keith sabay pakita ng malaking chichirya. Bigla namang namula ang magkabilang tainga ni Jeush sabay talikod sa'min na mas lalo naming ikinatawa. Buti nalang at nasa VIP kami at 'di maririnig ng iba ang boses namin.




" S-stop that! Nothing's funny. " Saway pa nito at bumalik sa ginagawa niya. Akala ko ba kanina naka-earphone siya at 'di kami maririnig. Siguro hindi siya nagpapagugtog.




" Akin nalang 'to ah. " Nakangiting wika ko pa nang maagaw kay Keith ang chichirya. Napa-pout naman ito at aktong aagawin sa'kin ang pagkain nang agad akong sumiksik sa tabi ni Jeush. Wala itong nagawa kun'di ang bumalik nalang sa pwesto at kinain ang Piatos niya.




Aktong bubuksan ko ang kiss nang bigla itong agawin sa'kin ni Jeush at sinuri ang nutrition facts na nasa likod nito. Aagawin ko sana ito nang iharang niya ang isang kamay sa'kin upang 'di ito maabot.




Love Beyond Sundown | TearsilyneWhere stories live. Discover now