Chapter Two

459 16 11
                                    

Chapter Two

"What can you say, Agatha?"

Siniko sya ng kuya kaya napakurap. Hindi na napigilan ni Agatha na pakatitigan si Ezekiel ngayon. Pinipilit nyang isink in sa utak nya na ito ang mapapang asawa nya.

"Po?"

Natawa si Allen, halata ba masyado na napatitig sya sa lalaki?

"Kako, hindi kailangan imadali ang kasal?" Ani Elliot.

"O-okay.." tumikhim sya. "Okay lang naman po. Besides, Kuya is still getting married. Mas nauna sila."

"Baka madelay ang kay Allen."

"We already saw Aliana Bernales, Papa." Ani Agatha.

"Anyway, this dinner is about you and Ezekiel, Agatha." Singit ng Kuya nya.

"Any suggestions you want?" Segunda naman ng Ama.

"Maybe we could uhm get to know each other? I mean, as I've said there's no need for rush." Alangan nyang sabi.

"What you think, Hijo?" Ani ng tatay ni Ezekiel sa kanya.

Pinunasan ni Ezekiel ang labi at tumingin diretso sa mata nya. Napalunok sya bigla.

"Anything she wants, there will be no problem."

"Alright, pero since habang nasa getting to know each other kayo. Itatry na din ipakausap ang wedding planner sa inyo."

Panay lang ang naging tango ni Agatha sa mga suggestions nila. Tinatanggap na nyang tapos na ang maliligayang araw nya. Good thing na tumakas ang fiancé ng Kuya nya para hindi madaliin ang kasal.

"I'll go get some wine," tumayo si Allen at iniwan sila ni Ezekiel.

Abala na ang mga tatay nila sa kung ano man. Humipan ang malamig na hangin kaya napayakap si Agatha sa sarili. Ezekiel cleared his throat.

"I find this too awkward."

"Hm?" Hinarap nya ito. "Oh, about what happened last night? No need. Hindi pa naman natin kilala ang isa't isa."

"If that's so?"

"Can I asked you a question?" Marahan nyang tanong.

Ezekiel shifted on his seat and gave all of his attention to her. Bigla syang nailang sa pagkakatitig nito dahil sa kakaibang kulay ng mata nito.

"Go on,"

She cleared her throat. "Uhm, I wanna know how did you agreed to this idea? Hindi ba against sa will mo since ano... lalaki ka?"

"Do we need a reason for this?"

"I have my reasons. But it's okay if you won't say it. I understand."

Umangat ang gilid ng labi ni Ezekiel.

"I wanted to show to my parents that I can be a good image for our business."

Kumurap sya.

"I wanted to show my mom that I can do it."

"Hindi kayo close ng mommy mo?" Tanong nya bago nya pa mapigilan ang sarili. "Sorry."

Tumingin ito sa harapan nila. A car parked infront of the gate and a middle age woman came out rushing.

"Mom." Tawag ni Ezekiel.

"I'm sorry! I'm late!"

May sumunod pa na isang lalaki palabas ng sasakyan. Giniya ng mga kasambahay ang dalawang bagong dating.

"I know, I'm late." Ngumiti ang ginang. "I'm Elisa, I'm Ezekiel's mother. You must be Agatha?"

"A pleasure to meet you po."

Island Series: Agatha Christie OngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon