Prologue

6 1 0
                                    

THE PROLOGUE;



Alora Sundei Tuazon's POV



"Ate, please! Sige na!" Pagpupumilit pa rin sa 'kin ni Mondei.



"I said, no way!" Tanggi ko.



"Ate naman, eh! Just a one take, please?" Pilit pa rin niya sa 'kin sa gusto niyang ipagawa sa 'kin.



Gusto niya kasi akong mag-pose para kunan ako ng picture. Ewan ko ba sa isang 'to at biglang naisipan ang bagay na 'yon. Alam naman niyang hindi ako mahilig sa mga picture na 'yan, tapos ngayon pinipilit ako. Tsk!



Tss! Really? Sa loob talaga ng isang convenience store?



We're currently at the convenience store near our school. Buying some snacks before we go home. Saktong tapos na rin ang klase ng dalawa kong kapatid kaya pinasama ko na rin sa 'kin. Kahit saan naman 'ata ako magpunta, palagi ko silang kasama. Palagi ko silang sagot.



"Bakit ba ako ang kinukulit mo, huh? Bakit hindi nalang si Tuesdei?" Irita kong sabi habang pumipili ng mga junk foods. Ito naman ay parang asong sunod ng sunod sa 'kin.



I heard her sigh. "Eh, nasa counter na siya. Nakapila na para bayaran ang mga snacks na binili namin. Kaya ikaw ang pinipilit ko ngayon like I don't have any choice..." Aniya.



I looked at her. "Para saan ba kasi 'yang picture na 'yan? Project niyo? Wala akong natatandaang ganyan, ah? Tsaka bakit kailangan ngayon pa talaga? Nasa convenience store tayo, Mondei. Pwede namang sa labas na natin 'yan gawin." I suspiciously said.



He thumped her feet on the floor like a kid. Damn this brat! "No! Hindi pwede! It should be here!" She demanded, almost teary-eyed.



Walang magawang napabuntong hininga na lamang ako.



Brat talaga kahit kailan...



Kung bakit ba kasi ini-spoiled masyado ni Daddy ang isang 'to...



"Fine, payag na ako. Basta bilisan lang natin. Nakakahiya sa ibang costumer na nandito..." Pagsuko ko.



"Yey!" She cheered. She even clapped her hands so I rolled my eyes at her but she just ignored it and took out her phone from her shoulder bag.



"Oh, sige na. Magsimula na tayo. Picturan mo na ako." I said and pose like a professional model katulad ng mga pinapanood naming tutorial tatlo.



'Yong ang ganda-ganda ng pagkaka-posing mo pero 'yong nasa likuran mo, kumbaga ang background mismo ay mga snacks na halatang nasa isang convenience store ka.



"No! Not here!" Aniya saka nakabusangot akong hinila sa harapan ng pintuang palabas at papasok ng convenience store na ito. Kung saan sa kanang gawi nito ay nakahilira ang mga pwedeng upuan ng mga costumer na gusto munang magpalamig sa loob o hindi kaya ay sa loob ng convenience store gustong kainin ang mga pinamili.



"Nah! Ayoko na! Nakakahiya!" Totoong nakakahiya dahil may ibang costumer na nakaupo doon tapos kukuhanan niya ako ng picture habang nasa likuran ko ang mga ito? The heck?!



"No, you already agreed na kaya!" Aniya saka ako pinatayo sa gawing 'yon, kung saan nasa likuran ko ang mga costumer na kinakain ang mga pinamili nila.



"Okay, Ate. Smile! In one, two..." Without my permission, she already clicked the camera button. Hindi na tuloy ako nakapag-pose. Parang isang estatwa lang na kinuhanan niya ako ng litrato. Ewan ko na lang kung anong itsura ko sa picture.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alora Sundei TuazonWhere stories live. Discover now