MY FIRST KISS IS A GAY!!

4 2 0
                                    



"Seryoso?!", hindi makapaniwalang tanong sakin ni Dissy. Napatingin naman ako sa paligid namin at napansing nakaagaw na kami ng atensyon dahil sa lakas ng boses nya. Palihim ko syang kinurot "Aray!", angil nya napairap naman ako. Kailangan ko na ata syang ipakita sa doktor at alamin kung may paraan ba para bawasan ang lakas ng boses nya.


"Wag ka ngang maingay", masungit kong saway sa kanya at mukang napansin na nya na may nagtitinginan na samin kaya nag-peace sign sya at yumuko ng konti sa harap ko.


"Pero seryoso ka? May first kiss kana?", mahinang tanong nya. Nakwento ko kase sa kanya kung sino ang first kiss ko at hindi sya makapaniwala ng sabihin ko sa kanyang may first kiss nako dahil alam nyang mailap ako sa mga lalake.


"Oo nga sabi eh tsaka aksidente lang yun nohh", saad ko sa kanya. Ngunit tila hindi sya kumbinsido sa naging sagot ko kaya naman napabuntong-hininga ako. I think need ko mag-story time today, matagal pa naman ang next subject namin kaya ayos lang.


"Aren't you gonna tell me?", tanong nya saka mataman akong tiningnan. Sinamaan ko naman sya ng tingin.


"Magkwe-kwento na nga diba. Ang atat atat mo talaga", masungit kong saad saka sinimulan ng magkwento.


Flashback


"Okay kids, may gagawin tayo ngayon kaya kumuha kayo ng lapis, papel, at krayola", utos sa amin ng teacher namin. Lahat naman kami ay excited na nilabas ang mga gagamitin namin. Well, common naman na siguro iyon diba?


"Rain", tawag ng kung sino sakin at nang lingunin ko ito ay si Vince pala, kaibigan ko.


"Bakit?", inosente kong tanong. Ngumiti naman sya kaya mas lalo kong nakita ang pantay at magaganda nyang ngipin.


"Pwede bang humingi ng papel mo? Naiwan ko kase yung akin ehh", saad nya saka umupo pansamantala sa tabi ko. Napatingin naman ako sa kakambal nya. Si Josh at nakitang may dala itong papel kaya kumunot ang noo ko.


"Meron naman si Jojo eh dun ka nalang humingi", Jojo ang tawag namin kay Josh, ang sabi nya ay nickname nya daw iyon.


Tumingin naman sya sa kakambal nya "Madamot sya", nakangusong saad nya ng humarap ulit sakin. Napahagikgik naman ako, ang cute nya kase tingnan dun.


"Sige pero lilibre moko mamaya hah?", kondisyon ko sa kanya. Mayaman naman sila ehh kaya walang problema dun.


Tumango naman sya "Sure kahit ano pa yan", saad nya kaya naman nag-ningning ang mga mata ko at nagtawanan kami nang tumunog ang tyan ko.


"Hahahahahaha...", tawa nya kaya naman napatawa narin ako. Hindi pala ako kumain kanina bago pumasok.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Aug 22, 2022 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Mia volíOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz