Prologue

17 2 1
                                    

"Lisha!" tawag sa akin ng boyfriend ko pero di ko siya pinansin at nagtuloy sa paglalakad. ayaw ko muna siyang makausap ngayon. 

"Lisha!" tawag niya muli kaya nilingon ko na at inirapan sabay lakad muli. "Melisha Jane Camillo" tawag niya sa buong pangalan ko kaya napabagal ang paglalakad ko at naabutan niya. 

"What's wrong?" He asked. Talagang tinanong niya pa! Diko siya pinansin at tinalikuran siya nang may mabilis na lakad pero sumunod siya at hinawakan kamay ko.

"Ano ba! Bitawan mo ako!" Hinablot ko ang kamay ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay siya sa paglalakad at mas binilisan ko muli ang paglalakad ko kaya mas binilisan niya rin at pumunta sa harapan ko.

"May problema ba tayo? May kasalanan ba ako?" Nagtatakang tanong niya. Impossibleng di niya alam.

"Ask yourself. Not me. You know what's wrong! You know what you did!" Sabi ko at nilampasan siya. Pumunta muli siya sa harap ko at pinigilan ako sa paglalakad.

"I don't know. What is it? I don't really know." Naguguluhan niyang tanong. Talagang nagmamaang-maangan pa siya.

"Alam mo. Huwag ka ng magsinungaling." May diin kong sabi.

"Tell me what did I do."  Sabi niya. Gusto niya sakin mismo magsabi ng panlolokong ginawa niya?! Pagak akong tumawa at tumingin sa kaniya. Nagtataka naman siyang nakatingin  sa akin. 

"Ikaw gumawa pero dimo alam?! sigaw kong patanong. Ang kapal ng mukha niya para tanungin niya pa kung anong ginawa niya. "Sige. Gusto mo talagang malaman? Nakita ko kayo ng babae mo! YOU'RE BOTH KISSING and... and" diko matuloy-tuloy sunod kong sasabihin kasi masakit. Halos pumiyok pa ako sa pagsabi. Nanlaki ang mata niya. Magsasalita na sana siya para magpaliwanag pero inunahan ko na. "Alam mo ang pinagdaanan ko before, right?! Diko inaasahang sasaktan mo ako nang ganito! Bakit mo ako nagawang lokohin!" sabi kong naluluha na, may sasabihin pa sana ako nang sumingit siyang magsalita.

"It's not what you think. Let's me explain. Listen to me please." Tarantang sabi niya. Umiling ako.

"You don't need to explain. I saw it using my both eyes. I witnessed it. Akala ko ba na diko kailangan magselos sa babaeng yon kasi mahal mo ako tas yun makikita ko!" Hinanakit kong sabi. Makikita sa mukha niya ang taranta at di na niya alam ang gagawin.

"You and your trust issues ruining us, again. Let me tell my side first, please." Sabi niya. Hanep, sinisi pa ang trust issues ko. Napailing-iling ako. May gantong ugali pala ang lalaking to. Ilang taon na kami magkarelasyon, ngayon ko lang nadiskubre.

"Trust issues ko? Tingin mo maniniwala pa ako kung yung tiwala ko sayo nasira na simula nong makita ko kayo ng babae mo!?" Halos pasigaw ko nang sabi.

"Diko siya babae, maniwala ka sakin. Listen to me, please." Nagmamakawang sabi niya. Tinignan niya ako sa mata na parang sinasabi na makinig ako sa kaniya but umiling ako. Diko na kayang paniwalaan siya. "Kung ano man ang nakita mo, hindi ganoon yun. Hindi kami naghalikan-" umiling umiling ako at pinutol ko ang sasabihin niya. Pagod na ako makinig sa pulit-ulit niyang rason. Kung sa una mapapalagpas ko pa pero ngayon di na. 

"Di na ako magiging tanga. Akala ko ba maghihintay ka. Konting hintay nalang naman eh, maabot ko na pangarap ko kasabay nang pagkamit mo sa pangarap mo. Konting hintay nalang gagawin na natin yun. Mangyayari naman yun sa tamang panahon pero bakit di ka makahintay?" Iyak ko nang sabi at napaupo na sa sakit.

"Sorry". Paumanhin niya at pinanatayan akong umupo at hinawakan kamay ko.  Nakayuko siyang umiyak. Inamin niya rin. Bitter akong napatawa. Gusto ko magmura. Pinunasan niya ang kaniyang luha at hinawakan muli ang aking kamay sabay tumingin sakin na nagsusumamo. "Dahil nasasaktan kita ngayon pero makinig ka muna naman sakin oh" Pagmamakaawa niya.

Di na ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Tumayo ako at hahablutin na sana ang aking kamay nang mas higpitan niya ang hawak dito. "Bitawan mo ako." sabi ko at hinahablot parin ang kamay ko pero mas hinawakan niya itong mabuti.

Umiiling-iling siya na para bang sa oras na mabitawan ako ay siyang oras na matatapos na lahat ng namamagitan samin. Palakas narin ang hikbi niya. Ngayon ko muli siya makitang umiyak nang ganito. Umiwas nalang ako ng tingin at lumuha.

Ang sakit magmahal. Yung taong mahal na mahal ko niloko ako. At ang masakit pa ron, nakita ko mismo kung paano siya nagloko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Yours (Unex Brothers Series #1)Where stories live. Discover now