Poem No. 33

1 0 0
                                    

Poem No. 33

Ang buhay ng isang tao ay hindi perpekto,
Ang buhay ng isang tao ay hindi kailangang maging perpekto.
Lahat tayo ay may kapintasan,
Lahat tayo ay may tinatagong baho sa ating kaloob-looban.

May mga taong sinasamantala ito,
Ang pagiging tahimik mo ang nagiging pinto nila papasok.
May mga taong handang ipamukha sa'yo kung ano ka talaga,
May mga taong handang sirain ang lahat mapintasan ka lang.

Minsan sila pa yung mga taong pinagkakatiwalaan mo,
Minsan sila pa yung mga taong kadugo mo.
Masakit sa puso,
Pero anong magagawa mo kung yoon talaga ang totoo?

Isang bagay lang ang alam kong lulutas nito,
Huwag mong tignan sa masama ang mga sinabi nila sa'yo.
Gawin mo itong motibasyon,
Para sa susunod ay may ipagmamalaki ka na sa harapan ng mga taong kumukutya sa'yo.

This is How I FeelWhere stories live. Discover now