Chapter 19: Forbidden Ability

1.4K 58 26
                                    

MALAKAS na halakhak ang bumalot sa buong kapaligiran. Napatingin ang lahat kay Damien habang walang humpay siyang tumatawa na tila naaaliw nang sobra sa mga nangyayari.

"This is getting better, señor!" nakangising pang-uuyam ni Damien kay Max.

"Let's see how far your guts can reach, kid." ganting sagot naman ni Max.

Punong-puno ng mga sigaw ang paligid habang isa-isang nagsisiliparan sa ere ang mga walang buhay na katawan.

Kumilos na rin ang apat na kasama ni Damien na siya namang pinigilan ng mga kapatid ni Salvy.

"Zix De la Vega." Mabangis na saad ng lalaking kasama ni Damien. Skinny ang pangangatawan nito ngunit magkasingtangkad lang sila ni Zix.

"Don't say my name as if we're some good friends. Get the hell outta here, scumbag!"

"Let's see if you can still talk back at me once you've taste the dose of my... Venom!"

Mabilis na sumugod ang lalaki at akmang kakagatin sana nito ang leeg ni Zix ngunit nakaiwas ang binata bago pa man dumampi ang dulo ng pangil ng kaniyang kalaban.

"Veneno, I know who you are and what you're capable with... I won't let you hurt me or my brother."

Gamit ang kanang kamay ay ikinumpas ito ni Zix na siyang paglitaw ng mga malalaking ugat mula sa ilalim ng lupa at dirediretsong inatake ang pwesto ni Veneno gamit ang mga matutulis nitong mga dulo.

Tumalon ang kalaban at patuloy na iniiwasan ang mga ugat na kinokontrol ni Zix. Mabilis ang mga kilos ni Veneno at sa isang iglap ay naglaho siya sa paningin ni Zix.

"You're dead!"

Malakas na sigaw sa likuran ni Zix na siyang hudyat niya upang malaman na naroon ang kaniyang kalaban.

Bago pa man makalapit si Veneno ay humarang na sa kanyang harapan ang mga malalaking sanga ng puno upang protektahan si Zix. Ngunit, akmang tatapak sana ang kalaban sa mga sanga ay parang rosas naman ito na may tumubong malalaking tinik.

"Arrgghh, fuck!"

Nakaiwas naman si Veneno subalit natamaan pa rin ang braso nito.

Bumukas ang mga sanga at tumambad ang nakangising si Zix.

"You can't beat me." Pang-uuyam ng binata.

"Don't you think that it's still early to say that?" Muling naglaho si Veneno sa paningin ni Zix at tila naestatwa ang binata nang makaramdam siya ng pagkalmot sa kaniyang dibdib.

Bumawi si Zix at hinawakan sa batok si Veneno bago inihampas sa lupa ang mukha nito. Kasunod 'non ay ang paglabas ng mga ugat sa lupa at binalot ang buong katawan ng bampira na nakasalampak dito.

"Die, you bitch!"

Lumuhod si Zix at pinagdikit sa lupa ang dalawang palad. Akmang patutubuin muli sana niya ang mga tinik sa mga ugat na nakabalot kay Veneno nang magsalita ang kalaban niya.

"Before you kill me... My venom has already entered your system and anytime from now... You are dead." Humalaklak nang malakas ang kalaban bago ito napasigaw sa sakit nang pagbaon ng mga tinik sa katawan nito.

Tuluyan ngang napatay ni Zix si Veneno. Tatayo na sana ang binata nang mapaluhod muli siya dahil sa nakasusunog na sakit sa kaniyang dibdib mula sa kalmot ni Veneno.

"Ugh! Fuck!"

Nang makitang mag-isa at nahihirapan, hindi nagdalawang isip ang ibang mga bampira na kuyugin sa kaniyang pwesto si Zix. Ang hindi nga lang nila napaghandaan ay kahit na hirap na hirap, nagawa pa rin silang paslangin ni Zix sa loob lang ng tatlong segundo.

Vampire Daddy Series 1: Zilv De la VegaWhere stories live. Discover now