Two Imperfect - 25 -

2.3K 40 5
                                    

25:

Jeremy's POV

Ayun. 'Break' na kami. Wala rin namang mangyayari kung ipagpapatuloy pa namin yung kalokohan naming walang katotohanan e. Potek. Kung maka-Tagalog naman ako e, parang wala nang bukas. Tsaka ayun, alam na rin ni Iris yung pagpapanggap namin. Siya na rin mismo nagsabi na itigil na namin yun dahil niloloko lang namin yung mga sarili namin at yung ibang tao.

Para sa kanya, ginawa ko nga. Halatang nagulat si Tia sa pag-'break' namin. Bakit kaya ganun na lang siya mag-react?

Nandito na kami sa may field. Taena. May practice na naman e, mabubugbog na naman ang katawan ko kesa matulog na lang ako sa bahay magdamag. Ampf. Buti na lang nandyan si Iris para panuorin ako.

Water break muna kami ngayon.

"Oh, tubig mo oh." sabi ni Iris tapos binigyan niya ako ng tubig.

"Salamat." kinuha ko naman at uminom.

Ngumiti naman siya.

Napatingin naman ako dun sa may pagkalayo-layong bleachers. Sinong baliw ang manonood sa pagkalayo-layo? Ang daming vacant bleachers dito tapos pipiliin pa yung sa kalayuan.

Teka, nakita ko na kung sino yun.

Si Tia.

Ba't nandun siya? Kasama niya pa si Enzo at magkausap sila. Tss. Close na sila? Ano namang pakialam ko? Bahala na nga sila.

"Ok! Tapos na ang 5 minutes water break! Back to practice!" sabi ni Coach Elmer.

Potek, practice na naman. Walangyang 5 minutes yan oh. Kulang pa e.

 Tia's POV

Hindi ko na ulit sila pinanood mag-practice kasi enough na nakita ko siya kahit saglit lang. So umuwi na lang ako at nagdrama sa bahay. Joke.

Humiga naman ako sa kama.

Thinking about him again.

Nah. Erase. Erase!

*RING!!!*

Yung cellphone ko!

Kinuha ko naman agad ang cellphone ko sa may bag ko.

Guess who's calling...

Calling...

Kumag

Dapat pala pati number niya in-erase ko na. Sigh.

Ano? Sasagutin ko ba? Ano ba namang gusto niyang sabihin? Bakit niya kaya ako tinatawagan? Did he miss me? Asa. Haay. Bahala na nga.

"H-hello?"

"Tia.." His voice.. nakaka-OMG. Pigilan mo nga sarili mo, Tia.

"Napatawag ka?"

"Gusto ko lang sabihin na pumunta ka sa game namin. Sa may ***** School, yun ang kalaban e."

He just invited me to watch their game!! Ano ba? Papayag ba ako? Pupunta ba ako?

"Oo. Pupunta ako." --Kasi nandun ka.

"Ah." Napakatipid niya pa rin sumagot pero hindi na kami nagtatalo like our usual conversation. Pero still, ang awkward para sakin.

"Uhm.. Yun lang ba sasabihin mo?" tanong ko naman.

Please wag mo na lang ibaba. Gusto ko lang marinig yung boses mo.. Kahit magdamag pa tayong mag-usap, masaya na ako.

"Uh, Tia.." Wait, may sasabihin pa siya.

*dugdug* *dugdug*

(a/n: ^ Courtesy of 548 Heartbeats :))

Two PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon