24

84 2 0
                                    

Nag enjoy ako ngayon kasi buo na kami, nag picture kami at bukas ipo-post ko ito sa instragram ko. Nakauwi na sila kaninang 8:20, naisipan kong mag shower at mag pajama kasi malamok ngayon at ayong mag kadengue.

Nasa room na si Ken at ako ata ang iniintay eh, kaya pag kapasok ko sa room. Seryoso lang ako mukha niya at halatang may sasabihin, umupo ako sa tabi niya at nag phone ako.

"Hindi ka ba pagod?" Tanong niya sakin ng magsimula ako mag phone.

"Hindi naman ganoong pagod." Sabi ko sakanya habang may katext sa phone. Inaupdate ko kasi si mama araw araw kahit hindi niya ito nakikita pa minsan minsan, kahit wala rito ang nanay ko masaya pa din ako. Namimiss ko na nga sila eh.

Humiga lang ako saglit at tumingin sa ceiling, ang dami pumapasok sa utak ko kahit kakalabas ko lang sa hospital at isinasabi na saakin na wag daw ako masyadong stress kasi nag kakaroon daw ako ng depression.

Puro ako overthink ngayon kung iiwan ba nila ako, kung hindi naba ako mahal ng mga magulang ko. Gusto ko na umiyak para mailabas lahat ng overthink at galit ko sakanila, alam ko naman na mahal ako ng mga magulang ko pero nung andoon ba ako sa hospital binantayan nila ako? Hindi. Nagtratrabaho sila doon oo, pero bat ganoon? Iniisip ko na may iba silang ginagawa doon.

Ang hirap mag overthink ng ganito tas nasa harapan ko pa si Ken, napansin niya akong paluha na kaya nag abot siya ng bimpo saakin. Tumabi na siya saakin at gumilid para makita ang mukha ko ngayon. Ayoko na mag drama at ayoko na din na maging pabigat sa bahay na ito.

Gustong gusto ko tumulong pero ingat na ingat ang mga tao sakin, buti pa sila. Nag aalala saakin.

"Are you okay?" Tanong sakin ni Ken ng lumuha na ang isang mata ko.

"Yes napuwing lang." Lumingon ako sakanya at naging malungkot ang mukha niya, umupo ako sa kama at ganoon din ang ginawa niya. Lumapit ako sakanya at lumuha sa balikat niya, miss na miss ko na kasi ang pamilya ko at sa edad na ito ang dami ko nang ipinagdadaanan.

Hinaplos haplos ni Ken ang buhok ko at pinapatahan ako, "Shhh." nakatulog ako sa dibdib niya. Nagising akong maga ang mata kaya nag hilamos kaagad ako bathroom para hindi halatang umiyak ako kagabi.

"Morning." Bati niya saakin pagkalabas ko ng bathroom.

"Goodmorning." Binati ko siya at ngumiti ako sakanya, nasa lamesa niya na ako ngayon nakatalikod at may ginagawa para sa mga drawings ko. Naramdaman ko na may tao sa likod ko.

Paglingon ko ay si kenneth, nakatingin sakin ng mabuti. Lumalapit siya saakin kaonti at ako naman na umaatras para hindi masyadong mag kalapit ang mukha naming dalawa, napaupo tuloy ako sa Lamesa niya kasi sobrang lapit niya saakin.

"Hoy! Ano ba!" Sabi ko sakanya habang ipinapalo sakanya ang pamaypay.

"Chill." Hindi ko siya pinansin at umalis sa pwesto naming dalawa, hindi pa ako nakakalayo at niyakap niya ako mula sa likod ko. "I'm sorry last night, remember I'm here by your side." Hinigpitan niya pa ang pagyakap saakin.

Nakahinga ako ng maluwag ng tanggaling niya ang kamay sa baywang ko. Bumaba na ako at kumain na ng breakfast gusto ko kasi mag lakad lakad ng gantong oras eh, siyempre may kasama ako. Si ken ang isasama ko sa paglalakad tutal wala naman daw siyang ginagawa ngayon.

Kung saan saan kami naglakad lakad, medyo napagod lang ako at nanghina ang paa ko dahil sa kakalakad namin. Nag habulan pa kasi kami at mukha kaming mga bata sa Park, may dinala naman kaming tubig kung sakaling hingalin kami.

"Bat ka kasi nag aya ng habulan! Ayan tuloy pawis na pawis ako!" Pag-sisisi ko sakanya.

"Pumayag ka naman?" Pambabara niya saakin.

Minsan lang naman din ito mangyari eh, baka nga mamaya gusto ko naman midnight walk para tahimik at walang maingay na aso pag dadaan kaming dalawa. Namiss ko kasi mag Midnight Walk eh.

Ang last na midnight walk naman ay sa boracay, doon nag simula ang lahat ng paninibago ko kay Ken. Nakakaramdaman akong gusto niya ako pero ayokong umasa at maging assuming para jaan sa bagay na yan.

O manhid lang talaga ako?

Umuwi na kami sakanila at nag pahinga, naka idlip lang ako at sobrang pagod kakalakad pero nag enjoy naman ako at sinusulit ang panahon kasama siya. Mamaya pa naman kami kakain ng Dinner at nag lunch kami sa Mall buti nga na pinayagan itong kasama ko. Kasi ako nag paalam tsk.

"Midnight walk naman kinit hehehe." "tama ka na arwen baka hindi na ako payagan ni mommy." Sumimangot ang mukha ko dahil sa isinabi niya, kaya hindi ko iyon pinansin at nag babalak mag paalam ulit kay tita na mag midnight walk kaming dalawa ni Ken.

"Tita?"
"Oh?"
"Pwede po ba kami mag midnight walk ni Ken?"
"Sige lang pero wag kayo masyadong mag tatagal at madaming kidnappers ngayon ha. Mag iingat kayong dalawa."
"Okay po thankyou po tita."

Oh diba? Pinayagan ako pero mag iingat daw, magdadala ako ng tumbler para may panghampas sa mga manyakis o kidnappers baka patumbahin ko sila lahat eh. Charot.

"Pinayagan ako ano?" "Doon ka sa gilid ko ha, hahawakan ko yang kamay mo." Hala wala naman sa usapan ang holding hands ha? Ayoko nga. Susunod din ako mamaya jaan.

Kakain lang kami ng Dinner at mag papahinga lang tas mag lalakad lakad ulit kaming dalawa, tamo ngayong araw lang ulit ako naka midnight walk. Exercise na yan, mag dadala ako ng tumbler para may inumin kaming dalawa ni ken kung sakali mauhaw.

Hindi naman kami lalayo sa village namin at jaan jaan lang kami makakarating eh, hindi naman kami ganoon nakakapunta sa malalayong lugar. Hindi tulad ng kaibigan ko dati nakakapunta ng SM Manila mag isa tas gabi pa, umalis na kami ni Ken at ganoon nga ang ginawa niya hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang higpit naman ng hawak mo sa kamay ko." ang higpit nga naman.

"Todo ingat lang Arwen." Seryosong sinabi niya sakin at ngumuso ako, nag picture kaming dalawa at nag enjoy naman ako kasi nakaupo lang kami dito sa may bench at nagpapahangin.

Humahangin kaontin ang buhok niya kaya mas lalo siyang gumagwapo pero mas nakakaattractive saakin ang kamay niya. Lumingon ako sa ibang gawi nang lingonin niya ako, sobrang tahimik rito at mahangin-hangin kaya parang inaantok na ako.

"Inaantok kana? Tara dito." Hinawakan niya ang ulo ko at nilapag iyon sa balikat niya.

I really love him.

To be continued...

Waiting you to be mine.Where stories live. Discover now