Kabanata 31

36 4 0
                                    

Habang tinitignan ko ang dalawa ay may kumalabit sakin. Okay na e! Istorbo.

"What did you see? Hmm?" Our eyes met and He looked down at my lips.

Chismoso

"Do you want to try what they do?" Nang magising ako sa katotohanan ay sinuntok ko siya sa braso. Tumatawa siyang hinimas ang braso.

"You naughty, shit!—"

"Narito na po tayo, Mahal na reyna." Tumingin ako sa nagmaneho ng karwahe na sinasakyan namin. Inalalayan niya akong bumaba sa karwahe. Nahagip ng tingin ko si Christoffer na nakasimangot pagbaba sa sasakyan.

Nangyare do'n?

Lahat kami ay napayuko dahil may mga panang pumunta sa gawi namin. Shit! I knew it!

Kinuha ko ang isang palaso na tumama sa isang kawal namin agad ko itong binato sa isang hayop na pagala-gala. Hinagilap ng mata ko si Christoffer at nakitang nakabulagta siya. Nilapitan ko siya agad, hinipo ko ang pulso niya, kung humihinga pa ang gago.

Puta! Hindi na!

“Gumising ka, gaga!”

Sinampal ko siya, pinump ang dibdib niya. Ayaw talaga may dumating ng mga manggagamot ngunit hindi pa din nagigising o humihinga man lang si Christoffer.

Third Person Pov.

“Mahal na Reyna... Kailangan mo na pong kumain...”

Isang taon na ang nakalipas ngunit tulala pa rin si Abigail. Hindi rin niya alam kung nasaan ang mapapang asawa niya. Ang alam niya'y nagpapagaling ito sa malayo.

Ang pinang-hahawakan niyang rason... Nagpapagaling lamang siya...’

Ngunit sa isang taon ay maraming nabago, nawala ang minsa'y ngiti sa labi ni Abigail. Hindi na rin siya lumalabas sa kanyang silid, sinisisi niya na lamang ang sarili dahil sa nangyari kay Christoffer.

“Mahal na Reyna... Kakain na po.” Sa pangatlong katok ng katulong ay may kumalabog mula sa silid ni Abigail. Nataranta ang katulong kaya ibinalita niya ang nangyari sa Inang Reyna at Amang Hari.

“Mahal na Inang Reyna! Ang Mahal na Reyna! May kumalabog sa kaniyang silid ngayon lamang!”

Dahil na rin sa nerbiyos ay nagmadaling pumunta ang Mahal na Inang Reyna sa silid ng anak. Pinasira nila ang pinto dahil hindi ito mabuksan kahit na susi ay waepek.

Nagulat ang Inang Reyna sa nakita. May bukol ang tyan ni Abigail...

“Dalhin ang Reyna sa pagamutan!” Utos ng Mahal na Inang Reyna.

“Masusunod, Mahal na Reyna!”

Hindi alam ng Mahal na Inang Reyna ang mararamdaman. Matutuwa ba siya o malulungkot

“Buntis si Abigail?!” Isang nakakabinging katahimikan ang lumukod sa silid kung saan nag-uusap ang mag asawang Sandler.

“Paano?” Gulat na tanong ni Atlas. Bago umupo ang Mahal na Inang Reyna sa upuan ay kumuha ito ng isang libro. Isang libro na puro babae lamang ang makakakita,

“Hindi mo ba matandaan? Hindi rin tayo magkasama noong nabuo ang kambal ngunit kadugo mo sila. Sa isang salita pwedeng mabuo ang isang bata sa sinapupunan ng babae dahil sa pagmamahal ng babae sa lalaki na kahit na patay na ang lalaki o may malalang sakit ay pwede silang makabuo ng bata gamit ang pagmamahal.” Magsasalita na sana si Atlas ngunit pinigilan siya ng asawa.

“Ngayong nasa malayo ang asawa ni Abigail ay pwedeng magkababy sila ni Christoffer dahil pure ang pagmamahal nila, Understood?” Sinara niya ang libro at binalik ito sa lalagyanan.

‘So buhay ang Christoffer na 'yon? Kailangan niyang panagutan ang anak at apo ko.’ bulong sa sarili ni Atlas.

Ang asawa niya ay tulala pa rin dahil hindi makapaniwalang magkaka-apo na siya sa kanyang panganay at masungit na anak.

“Magkaka-apo na ako!!!” Paulit ulit sinasabi ni Atlas nang bumalik siya sakaniyang katinuan.

Si Abigail ay nasa kanyang silid na bago dahil nga buntis siya ay kailangan ay malaking silid. “Abi anak, may gustong kumausap sa'yo.”

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now