Simula

4 0 0
                                    

Simula.

Francheska Leigh Ortega

"Oh, mag-iingat ka sa pagpasok mo ha! Tandaan mo na tumingin muna sa kaliwa't kanan mo bago ka tumawid. Diyos ko, ang dami pa namang mga naaksidente ngayon."

Inabot sa akin ni Tiya Martha ang baunan ko. Isinuot ko na yung backpack ko at nagsapatos. Didiretso na sana ako sa labas pagkatapos pero pinigilan ako ni Tiya Martha.

"Cheska! Magpaalam ka muna sa mga magulang mo.' sabi ni tiya.

Napabalik ako kaagad sa salas namin dahil naalala ko na kailangan ko pa palang magpaalam muna kila mama at papa. Humarap kaming dalawa ni tiya Martha sa harapan ng kanilang picture frame at mga abo at sabay kaming nanalangin.

I wished for the same things from my parents. Protection, health and love. Lalo na para kay tiya Martha, Gustong-gusto ko na kasing magkaroon siya ng mapapangasawa.

Mga ilang minuto rin kaming nagdasal. Sumambay nalang ako kay tiya Martha sa pagtapos nung dasal. Araw-araw ay ganito na ang nakagawian namin. Simula nung mamatay ang mga magulang ko dahil pareho sa sakit, si tiya Martha na ang nag-alaga sa akin dahil siya lang naman ang wala pang sariling pamilya. We always do this everyday, to pay respect for my parents who have already died.

"Mag-iingat ka sa pagpasok mo, yung mga binilin ko sa'yo ha!" pahabol pa ni tiya Martha bago ako makalabas ng bahay.

Natatawa nalang ako habang naglalakad sa maliit na eskinita. Ganyan talaga si tiya Martha, mas naging overprotective simula nung namatay sila mama at papa. Natatakot raw siya na baka may mangyari din sa akin.

Pagdating ko sa labas ng eskinita ay pumara ako ng jeep. Sumakay ako roon at nag-abot ng bayad. Hindi ko pa gaanong kabisado yung lugar na ito lalo na yung papunta sa bago kong school na papasukan kaya halos mabali na ang leeg ko kakasilip sa labas nung jeep. Bantay-sarado rin ako dahil baka lumagpas na yung jeep sa school na papasukan ko.

Kakalipat lang namin ni tiya Martha ngayogn taon dito sa Maynila. Pareho kasi kaming galing sa probinsya dahil doon kami nila mama at papa nakatira. Ever since my parents died, tinulungan ako ni tiya Martha na magluksa at ayusin yung mga dapat ayusin sa school ko, sa papasukan kong school at sa titirahan naming dalawa. Kaya halos dalawang taon rin ang inabot bago kami nakalipat rito.

We decided to leave our province for good, para magkaroon ng bagong environment at para na rin maka move on.

Natanaw ko na yung school na papasukan ko kaya hinila ko na yung tali para pumara. Tumigil naman sa harapan ng gate yung jeep kaya hindi ko na kailangan pang tumawid.

Bumaba na ako ng jeep at sinuot na yung ID ko. Binigyan nila ako ng temporary ID dahil bago nga lang ako sa school. Nagsimula na sila last month kaya lang ngayon palang ako makakapasok.

Pagdating ko sa gate nung school, chineck ni kuya guard yung bag ko pati yung ID ko bago niya ako pinapasok sa loob. Pero bago ako tuluyang umalis, tinanong ko muna kay kuya kung nasaan ba yung classroom ko.

"Excuse me po, alam niyo ba kung nasaan yung Room B201?" tanong ko kay kuya guard.

Tinuro niya yung building na nasa harapan namin, "Pasok ka lang dyan, hija. Pagdating mo sa loob, akyat ka sa second floor, sa pinakadulong parte nung hallway, nandon yung B201." tinuro ni kuya guard sa akin yung direksyon kung paano makapunta sa classroom ko.

Nilingon ko si kuya guard at ngumiti, "Salamat po." Tumango na lamang si kuya guard kaya naglakad na ako paalis.

May mga nakakasabay pa akong mga estudyante sa pagpasok. Dalawang malaki yung building nila dito. Doon sa isang building may nakalagay na Elementary Building habang doon namans a tinuro ni kuya guard kanina ay may nakalagay na High School Building. May isang malaking field rin sa labas at may iilang mga estudyante na nakatambay doon. Tumuloy lang ako sa paglalakad habang tinitingnan ang aking kapaligiran.

At Arm's Length (so close, yet so far)Where stories live. Discover now