CHAPTER 8

24 23 1
                                    

Denise Marie POV

Pagkatapos kong sinagot si King sa plaza napag desisyunan na naming umuwi, papalubog narin ang araw, bumili muna ako ng Ice cream sa 7/11 tsaka mga junk food's.

“Baby wag kang masyadong kakain ng mga junk food hah! Baka mag ka UTI ka” sabi ni King habang nag mamaneho ng motor

“Opo” sagot ko

Pagkarating namin sa tapat ng condo agad na kaming nag paalam sa isat isa, tatalikod na sana ako ng hinawakan nya ang braso ko tsaka niyakap ako ng mahigpit, na tinugunan ko naman.

“Hindi ko akalain na maririnig ko na ang matagal ko ng hinihintay, ang matamis mong oo, hindi man ako perpektong boyfriend gagawin ko ang lahat mapasaya ka lamang mahal ko” sabi nya

Those words gives me butterfly in my stomach, lalo pat hinalikan niya ako sa noo tsaka ngumiti.

“Sapat na sakin ang oras, efforts at pagmamahal mo King” sagot ko

“I love you” sabi niya

“I love you too” sagot ko

****

Pagkapasok ko sa condo agad nakita ni Cindy ang dala kong supot ng Ice cream, kaya dali dali siyang tumakbo sa pwesto ko tsaka hinablot ito sakin.

“Wowwww Ice cream Thank you sis mwahh” sabi niya sakin

Acting childish again psh.

“Hoy wag mong solohin yan lahat tayu kakain” sabi ko

Agad ko ring binigay sakanila ang mga junk food na binili namin kanina ni King sa 7/11.

“Tara movie marathon” pagyayaya ni Kristelle

“Sige ba basta wag yung horror masasapak talaga kita kapag horror na naman gusto mong panoorin” sabi ni Cindy

“I agree” sang ayon ni Airah

“Wait asan si Faith?” tanong ko

“Bhe may amnesia kaba? Diba nag paalam siya sa gc kanina na may family dinner sila, sinagot mo lang si King tapos ganyan kana” sagot ni Cindy habang sumusubo ng Ice cream

“Edi sorry” sagot ko

Nag bihis muna ako ng pantulog saka umopo na sa mini sofa dito sa condo sa harap ng T.V.

Narñia ang napili naming panoorin, panay sigaw si Cindy na ‘Ako si Susan’ samantalang si Kristelle naman panay sigaw rin ng ‘Ako si Lucy’.

Basta ako para lang kay King.

****

Kingson Porras POV

Para akong tanga habang ngumingiti ng mag isa dito sa aking kwarto. Damn.

Finally Denise Marie Loria is my girlfriend fucking girlfriend, sobrang saya ko alam ni God kung gaano ako kasaya ngayun, kulang nalang mag tumbling ako sa harapan ng mga magulang ko. Sounds gay but fuck I'm fucking in love right now.

Ang kanyang mahaba at itim na itim na buhok na hanggang beywang, ang kanyang magandang mukha, ang kanyang mga bilugang mata, ang kanyang medyu matangos na ilong at higit sa lahat ang kanyang mapupulang labi na sarap halikan.

Can't wait na hintayin siya sa altar. After 5 months na panliligaw napakinggan kona rin ang matagal ko ng hinihintay ang matamis niyang Oo.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong online pa yung girlfriend ko wait 10:30 na hah, bat dipa siya natutulog.

Agad kong pinindot ang Video Call. Pagkatapos ng ilang ring agad niya rin itong sinagot.

“Hey baby” rinig ko sa kabilang linya

Meeting You Loving You (FRIENDS SERIES #1)Where stories live. Discover now