Prologue

7 0 0
                                    

Kasabay ng malalim na gabi ay ang sobrang tahimik na paligid. Wala ng sasakyang dumadaan sa kalsada, may lumilitaw pero kaunti lang at mahaba ang agwat bago may muling dumaan. Sarado na ang mga tindahan at patay naman ang ilaw sa mga bahay.

Pero isa sa mga gising na gising ngayong gabi ay ang mga taong nasa bar at club. Mga taong nag sisiping. Mga security guard na naka night shift. Mga taong nag papakahirap sa call center.

At ang dalawang tao na tahimik na nag lalakad sa isang eskinita.

"Sinabi ko naman na sa'yo iwan mo muna ako."

"Pero delikado lalo na't malalim na ang gabi."

"Mas gusto ko munang mapag isa ngayon. That's why I'm taking a night stroll." nakasimangot niyang saad.

Nakalabas na sila ng eskinita. Habang sila'y nag uusap dumaan sila sa harap ng isang club kung saan may dalawang bouncer sa pinto. Sa sobrang lakas ng tugtugan ay may madidinig kang mahinang musika kapag dumaan ka.

Nataon namang may lumabas na walong lalaking mag kakaibigan, lima sa kanila ay lasing na lasing na. May kaunting tama ang dalawa samantalang ayos lang ang isa.

Napadako ang tingin nilang lahat sa dalawang kadadaan lang.

"Pre, kita mo?"

"Oo. Chicks ata yung isa."

"Nice."

"Hi miss!" sigaw niya habang akbay ng kaibigan.

Narinig niya ang tawag ng lalaki pero hindi niya ito nilingon, at nag patuloy lang sa pag lalakad.

Bahaygang sumimangot ang kasama niya. "These are the dangers I was talking about you know?"

Hindi siya kinibo at nag patuloy lang sa pag lalakad ang kausap. Napabuntong hininga na lang siya.

Really now. Is she one in those moods again?

Makalipas ang halos limang minuto ay muli niyang pinilit na umuwi na sila. Napahinto siya dahil tumigil sa pag lalakad ang nasa harapan.

She gave him a suspicious look.

"What's with you? Why are you acting so concerned? It's just the two of us now."

"Hm? But I am concerned. A lady is walking the streets in the middle of the night. Who knows what'll happen? Pa'no kung may lumabas na mag nanakaw at tutukan ka? O kaya naman may addict at bigla ka na lang patayin?"

Natahimik saglit ang babae at bahagyang natawa.

"Really? That's your biggest concern? Pero... talaga bang hahayaan mo na merong mangyari sakin?"

Hindi siya sumagot.

"If something were really to happen, are you simply going to ignore me when I call you wherever I am? You, of all things?"

Umihip ang malamig na hangin. She pulled the jacket closer to her self, however, her companion is looking at her with an amused expression.

"Aa-aah. You could alteast play along. I have to hone my acting skills to the fullest so I can always convince people." saad niya sabay halukipkip.

Nag patuloy na sila sa pag lalakad. "You can't fool me, I know you well. At sa tingin ko naman, magaling ka na umarte. Lahat ng tao kaya mong paikutin kung gugustuhin mo."

"I won't deny that."

Hindi na nila alintana kung nasaan sila at lumiko sa isang eskinita. Pag labas ng eskinita, tumambad sa kanila ang daan na may bukirin sa parehong gilid, at isang poste ng ilaw.

Nakakailang hakbang pa lang ang babae may humarang na braso sa kanyang harapan. Nilingon niya ang katabi at nakita ang expresyon nito.

A dark expression that is.

So it's these type of humans again. Her companion thought.

From the darkness emerged four men. Judging from the looks of them, mukhang bihasa na sila sa ginagawa nila. Minamata silang dalawa.

"Mukhang maganda huli natin ngayon mga pare."

"Yayamanin ata si miss. May hitsura pa kasama niya, parang foreigner. Kayo ba?"

"Edi mas maganda. Baka naman may dala kayong dolyares d'yan? Bigay n'yo na samin."

"Kung ako sa inyong dalawa, ibigay n'yo na lang kung anong meron kayo d'yan. 'Wag n'yong intayin na kami pa mag halungkat sa inyo. Sige ka, baka pag interesan pa namin si miss, maganda pa naman oh." sabay bungisngis.

Nakatingin ang dalawa sa apat na lalaki. Bakas sa mga mata nila na hindi sila mag dadalawang isip na saktan ka.

"Your orders?"

".... May CCTV ba sa paligid?" she asked in a low voice.

"Fortunately, wala."

"Then you know what to do."

Sumilay ang kanyang ngiti at ibinaba ang braso. Nag patay sindi ang ilaw ng poste.

"Hoy, anong balak mo ha?! Pare labas mo nga yung baril mo." Walang sumagot. "Pare?"

Tumalon sa takot ang puso niya. Nakahandusay na ang isa sa kasama nila. Duguan.

Agad siyang nag balik ng tingin sa dalawa, pero nawawala na yung isa.

Nasaan na yung isa!?

Nakarinig siya ng dalawang pag bagsak. Nakahandusay na rin ang natitira niyang kasama. He saw the gun in the back pocket of his friend.

Mabilis niya itong nahablot pero bumagsak lang ito sa semento. Kasama ng kamay niya.

"A-aah---!"

Someone covered his mouth.

"I would advice for you not to scream. Malalim na ang gabi. Hindi mo alam kung sino ang makakarinig ng sigaw mo."

Tumunog ang kanyang leeg at hindi na muling bumangon.

Shrouded in the darkness, there she stands while witnessing everything. As per usual.

"Good job. Hindi ka na masyado makalat mag trabaho." puri niya.

"Thank you. That's nice to hear." and gave her a bow.

Tinapunan lang niya ng mabilis na tingin ang kaninang humihinga pang apat na tao, at tumalikod.

"I'm starting to feel sleepy. Take me home."

"As you wish, m'lady."

Sweeping her off her feet, her companion jumped from rooftop to rooftop. They passed by the group of friends from the club, who are waiting for the Uber they booked.

Sila na walang idea sa kababalaghang nangyari.

Into the night, they jumped their way to home. The moon light illuminating their silhouettes. The silhouette of a human, and of a.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ServantWhere stories live. Discover now