Chapter 8:

234 19 0
                                    

Charlotte's POV:

"Sa'n mo galing 'yan?" tanong ko sa kanya nang may iabot siya sa aking jacket. Wala naman siyang dalang jacket kanina pa. Kasi kung meron baka kanina ko pa hiniram 'di ba?

He suddenly  took my wrist and grabbed me closer to him nang hindi ko kunin ang inabot niyang jacket, "Ninakaw ko." sagot niya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin, walang kwentang kausap. He wrapped the jacket's arms around my waist, and said "I bought it from someone."

Binili niya? Kanino? Dito sa loob ng restaurant? Ang dami ko pa sana gustong itanong pero nadi-distract ako on the way he's tying the jacket's arms sa baywang ko. Naaamoy ko na naman siya. Never pa ako nakaamoy kagaya ng pabangong gamit niya, nacu-curious lang ako sa name ng pabango, pero alam kong hindi matino na sagot ang matatanggap ko sa kanya.

"Zethus." I, out of nowhere, for the first time, called his name. Itinaas niya ang tingin papunta sa mukha ko, and I think that was a bad move. The look he's giving me now is like a black hole devouring me. I stared back at him with an evident nervousness in my eyes, but strangely, I couldn't look away.

"Anong pabango mo?" he suddenly asked, cutting off the long silence and the never-ending staring game as he looked down, checking the grip of the knot he made out of tying the jacket's arm around my waist.

"H-huh?" I wasn't expecting that sudden question, hence my reaction. "Pabango mo?" ulit niya at tinignan ako ulit. "Bakit? Mabango ba?" pang-aasar ko sana, but then he responded "Yeah, you smell good.". 

'Yong mang-iinis ko sanang ngiti ay biglang naglaho, nakain ko ang buong bibig ko. I don't want to put my guard down kaya binawian ko 'yon ng mapang-asar na ngiti at sinagot siya, "Charlotte's scent."

I took him some few seconds to understand bago siya matawa. "Gaya-gaya ka ng pabango ah? Lika na nga." may mahinang tawa nitong sabi at naunang maglakad saka hinila 'yong isang braso ng nakatali na jacket sa baywang ko dahilan upang pati ako mahila. Baliw 'to! Masakit nga puson ko!

"Your husband's employees are all clueless.  Not a single soul thought that I am not him." lipat niya ng hawak sa kaliwang pulsuan ko. It looks like we're holding hands, but we're not. I noticed that iniiwasan niyang mahawakan ang kamay ko, kaya sa pulsuan ko siya humahawak. Hindi ko rin naman tinataboy ang mga kamay niya kasi nga baka magtaka ang mga empleyado ni Zach na makakakita.

"Yeah, what a shame. When my husband's more attractive than you." I said. Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Tinulak ko nga para humarap ulit ng tingin at magpatuloy sa paglalakad. "Wag ka na mag-react." I sternly uttered.

"Sorry to burst your bubbles but your husband, though we're twins, looks plain. He's too plain wearing that tacky office attire all the time. Is he not taking you out? And wear something normal other than his formal suits and pants?" parang hindi ko natulak ng bongga niyang pagpapatuloy sa pagsasalita. Taking me out? I smiled bitterly. Kailan ba ang huling nilabas ako ni Zach for dinner, or for a date. I can't remember. Palaging hindi natutuloy, o 'di kaya nakakalimutan niya. "Baduy lang fashion sense mo, dinadamay mo pa asawa ko." pagtatanggol ko kay Zach na may kasamang irap sa kaharap kong likuran nitong lalaking 'to. "You have only seen my husband in his suits and pants at work. You've never seen him the way I do. You'll never understand. I don't care if you look exactly like him. He's more attractive to me." patuloy ko.

"Right, he's your husband. I understand kung bakit pinagtatanggol mo." natatawa nitong sambit. "Hindi ko lang siya pinagtatanggol, it's the truth. Mas gwapo ang asawa ko sayo!"

Nasa labas na kami ng Namescapes nang mapahinto na naman siya sa paglalakad. Binitawan niya ang pulsuan ko at ako'y hinarap. "Tignan mo ako ng mabuti at sabihin mo ulit sa akin ang sinabi mo." nanghahamon niyang bigkas. Mahilig ba siya makipagtitigan? O baka alam niyang nangangatog ang mga tuhod ng mga kababaihan sa ginagawa niya kaya sinusubukan niya sa akin? Because that's exactly what's happening right now, I hate to admit it, but whenever he stares at me, my knees go weak. 

My Husband's Hot BrotherWhere stories live. Discover now