CHAPTER VI : You're Mine, Only Mine

2.4K 30 0
                                    

• • •

Austin's POV

" Kuya Archer? "

He smiled as I walk down the stairs para puntahan siya sa sala. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa.

" Ano pong ginagawa niyo dito? ", takang tanong ko.

" Di ba sabi ko wag nang kuya? Archer nalang. Huwag ka na rin mag- po ", muli siyang ngumiti.

Medyo nakakailang ang presensiya niya ngayon. Ang gwapo niyang tingnan sa suot niyang polo na pinaresan pa ng isang mamahaling pantalon.

Nakataas din ang buhok niya kaya lantad na lantad ang kaniyang angking kagwapuhan.

Sinalubong niya ako at mula sa likod niya ay may inilabas siyang bouquet ng makukulay na bulaklak.

" This is for you. "

Di mawala- wala ang ngiti sakaniyang mga labi habang nakatitig sa'king mga mata.

Iniiwas ko ang tingin ko at tinanggap ang regalo niya. I may not see myself right now but I'm sure I blushed with his actions. Nakakailang.

" What's the meaning of this? "

Nabigla ako ng marinig ang baritonong boses na yun. Si- si Dad.

" Good morning Tito Lucio ", saad ni Archer sabay marahang yumuko para magbigay galang.

" Archer? What brought you here? "

Prente itong naupo sa sofa habang binigyan ako ng isang nandidilim na tingin.

" Uhmmm. Tito? "- Archer

" Yes? "- Dad

Nagpakawala si Archer ng isang malalim na paghinga.

Ako nama'y pinagpapawisan na sa kinatatayuan ko lalo pa't grabe ang mga tingin na natatanggap ko sa ama ko.

" I wanna court Austin— your son ", buong tapang nitong saad.

" No ", agad namang tugon ni Dad.

Sandaling katahimikan ang namagitan sa aking kinatatayuan.

" Austin? Pack your things. We'll be going into somewhere ", dagdag niya pa na tila wala lang ang balak sanang panliligaw sa akin ni Archer.

" Y- yes Dad ", medyo kinakabahan kong sabi.

" Good. Aakyat na'ko para mag- ayos. "

Tinahak niya na ang hagdanan kaya naman ay minabuti kong lapitan na si Archer.

" Hey? Sorry about that. Mahigpit lang talaga yan si Dad eh ", bungad ko dito matapos ang tagpong yun.

" No it's fine, don't worry. Pero it doesn't mean na susukuan kita agad ", he said while giving me head pats.

" Hatid na kita sa labas ", i replied habang nag- iiwas ng tingin sa sobrang pagkailang.

" You go upstairs Austin. Ako na ang maghahatid sa kaniya sa labas. "

Nabigla naman ako sa biglang pagsulpot ni Dad.

" Akala ko nasa taas na siya? ", sa isip- isip ko.

Wala naman na akong nagawa kundi ang sundin na lamang siya lalo na pag nakikita ko ang katakot- takot na mga tingin niya.

Pumunta nalang ako sa aking kwarto para mag- ayos. Pero teka? San nga ba kami pupunta?

• • •

Tahimik lamang na nagmamaneho si Dad habang ako nama'y nakamasid sakaniya. Kanina pa seryoso ang mukha niya.

Mom's Replacement [ BxB ]Where stories live. Discover now