Chapter 49: I'll take care of you

72.6K 1.1K 44
                                    

Chapter 49: I'll take care of you

 

 

Vie'ls P.O.V

 

 

            This is the best day of my life so far...being married to the girl I love and searched for quite a long time.

          How long was it? 4 years? 4 years syang nawala sa akin. 4 years ko syang hinanap. 4 years nya akong pinagtaguan. Pero tingnan mo ngayon, magkasama na ulit kami. I succeed on looking for her. And now, we become Mr. & Mrs. Arvueva.

          Yeah. The wedding is not legally legal but under the blessings of nature and the heaven above, it's legal. We're binded and now will be together forever.

          I might sound corny and cheesy but I don't mind. Basta masaya ako na kasama yung taong mahal ko wala na akong pakialam sa mundo at opinyon nyo.

          What important to me is Hanna and Hanna alone. And the rest, never mind.

          "Congrats bro!"

          Bigla akong pinagtatapik sa likod nung dalawa sa 3 idiots at saka nila ginulo yung buhok ko.

          "Ano ba?! Wag nga kayong magulo Sean! Ronan!" asar na sabi ko.

          "Masaya lang kami para sa'yo pre kaya pagbigyan mo na kami!" sabi ni Sean saka gulo ulit sa buhok ko.    

          "Sh*t Viel! Swerte mo kay Hanna! Saan mo nakuha yun? Turo mo naman!"

          "Sa Mars! Doon ko sya nakuha! Sakto! Pula yung buhok mo! Bagay ka dun! Isama mo na din yung dalawa mo pang kauri!"

          "Wee? Joker ka na pala ngayon Viel? Si Hanna ba nagturo sa'yo nyan?" natatawang sabi ni Ronan saka nakitawa na rin si Sean.

          "Sya nga pala, saan na yung bride I mean asawa mo?" tanong ni Sean.

          Iniikot ko yung paningin ko sa reception area ng hotel at nakita ko si Hanna na kasama si Alex kausap yung mga ilang kamag-anak nila.

          Naalala ko lang, nung papuntahin ko si Xander dito, pahirapan!

[Flashback]

 

 

          "WHAT?! Ikakasal na kayo ni Hanna?!" malakas na sigaw ni Alex/Xander sa kabilang linya.

          "Oo. Kaya pumunta ka mamaya."

          "NO WAY! Papatayin muna kita bago ka ikasal sa kapatid ko!"

          Obviously, Alex/Xander hates me. Hindi dahil sa hindi sya boto para sa akin. Kundi dahil sa papakasalan ko na yung nag-iisa nyang prinsesa.

          Tsk! Hindi ba nya maintindihan na Hanna belongs to me kaya kailangan na nyang isuko si Hanna or else dadanak ng dugo dito!

          Oo magkapatid sila. Pero naaasar pa din ako kapag tinatawag nyang princess si Hanna. Ilang beses din akong napagtripan nitong si Alex/Xander noong nasa college pa lang ako. Tsk! Akala ko talaga noon sila ni Hanna. Isa rin 'tong sira-ulo eh!

          "Naka-set na lahat at yung escort na lang ng bride yung kailangan. Kaya kapag hindi ka nakapunta, kawawa naman si Hanna."

          Natahimik sa kabilang linya. Napangisi ako sa sarili ko. I'm good at blackmailing you know?

My Ex, My ProfessorWhere stories live. Discover now