ST 010

8 0 0
                                    

Mikael Josiah's POV

"Oh, kape mo."

Napadako ang tingin ko sa kakadating lang na si Eli. Short for Eliana Faith. Haba eh. Nakakatamad banggitin buong pangalan.

"Para saan?" Nagtataka kong tanong. Wala naman akong maalalang atraso niya sa'kin maliban sa kakulitan niya kaya aksidente kong nareplyan yung messages ni Wyatt.

She smiles teasingly. "Hulaan mo," she proceeds to sit on her chair.

"Wala akong oras para makipag-hulaan sayo, Eli."

"Boomer. Si Wyatt, bebe mo." Ani niya, nang-aasar pa rin ang tono.

Napabuntong hininga naman ako sa narinig. "Bakit mo tinanggap? Hayaan mo muna siyang magdusa. Deserve niya 'yon."

"Grabe ka naman, Mikmik! Ang sama mong tao, paano ba kita naging kaibigan, ha?"

Did I mention why she calls me Mikmik? Ang pangit daw kasi ng Mikael kaya ginawa niyang Mik tapos dinoble nya para raw cute pakinggan. Super babaw ng reason niya kaya naman nung narinig ng iba naming kaibigan. They started to call me Mikmik din. To be honest, nakakairita sa pandinig pero nasanay na lang talaga tainga ko. Pauso kasi 'yan si Eli. Ang daming alam, kulang na lang palitan niya pangalan ko sa birth certificate.

"Shut up. You were the one who approached me first." I roll my eyes— still ignoring the cup of coffee on the top of my desk.


"Nyenye, hayaan mo na kasi. Nagmamagandang loob na nga oh. Sayang din yung kape. Sabi mo bawal magsayang ng food! Kaya go na! Walang mawawala kung iinumin mo 'yan. Gaganda lang mood mo at matatae ka hehe," sinundan niya pa ito nang pagkalakas-lakas na tawa. Rinig na ata hanggang kabilang room.

I sighed. Sayang din naman talaga. And besides— I love coffee. Coffee over everything.

Then, I drink the coffee. Walang tira. Sayang nga kasi kung may matitira. Madaming nagugutom sa mundo 'no. And no, hindi ko 'to ininom dahil I've forgiven that Yate guy. I still hate him dahil sa lakas ng pagkakasapak niya sa'kin. I had to spend nights in the hospital dahil ang tagal nawala nung pasa sa mukha ko!

I may hate him pero never ako gaganti sa kaniya.

I don't want to plan a revenge dahil una sa lahat— nakakatamad. I do not have the time para magplano kung paano makakaganti. Kailangan kong mag-aral. Second of all, waste of time and effort. Sino ba siya para bigyan ko ng oras? Mas gusto ko pa na magfocus sa sarili ko para makakuha ng scholarship. We are not poor pero sayang rin ang makukuhang allowance. Pambili ng k-pop album or pantulong sa mga dog shelters. And lastly, I pity Wyatt.

Tinago ko na lang muna ang cup ng kape sa loob ng bag ko dahil dumating na ang professor. I need to focus on studies. Mamaya ko na lang siguro itatapon pag-uwi.

Solace Talks Where stories live. Discover now