PROLOGUE

3 1 0
                                    

Maari ko bang malaman....... kung sino ang binibining napupusuan mo?” tanong ng isang dalagita sa kasama niyang binatilyo. Hindi makasagot ang binatilyo sapagkat ang babaeng kasama niya ngayon, ay ito rin ang kanyang tinutukoy. Walang lakas ng loob ang binata sapagkat malabong tugunan ng kanyang kaibigan ang kanyang pagsinta dito.





“Ikaw talaga Romulo napadami mong sekreto sa amin ni pining” sabi pa ng dalaga dito. Napakamot nalang ng ulo si romulo sapagkat kukulitin nanaman siya nito upang mapaamin sa isang bagay. Habang naglilinis kanina si adina sa kwarto ni romulo ay may napansin siyang isang sobreng kulay kahel, kaytingkad ng kulay nito at sumisimbolo sa babaeng napupusuan ng isang ginoo. Mabilis na binuklat ni adina ang sobre at mabilis nitong binasa.




Sinta,

     Ako'y isang ginoo na walang lakas ng loob upang ipagtapat sa iyo ang nararamdaman ko. Ibig kong malaman mo ang pagsinta ko sa iyo ngunit alam kong may napupusuan ka nang ibang ginoo.





“Ikaw talaga adina, bakit mo ginalaw ang sulat ni kuya Adolfo” pagsasalba sa sarili niya. Napatingin naman si adina na may halong pagtataka. “K-kay kuya adolfo iyon?” tanong nito sa binata. “Ngunit bakit nasa iyong silid?” napaiwas ng tingin ang binata sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang idadahilan dito.




“Dahil ipinahawak muna sa akin ni kuya” kinakabahang sagot nito. Natango na lamang si adina at tumuloy na sila sa paglalakad. Araw ng lunes ngayon at papunta silang dalawa sa hacienda Villanueva, upang ihatid ang kakanin na ginawa ng ina ni adina. Hindi man itanggi ni adina ang kanyang nararamdaman ngunit masaya siya sapagkat makikita niya ang lalaking kanyang sinisinta at iyon ang apo ni don hipolito at doña jesusa.





Sa kabilang banda ng kanyang panaginip ay may nakatayong isang lalaki sa tabi ng isang puno. At nakita ang lahat ng pangyayari. Nakangisi lamang ito at kumakain ng bubblegum. “Adina, Adina, Adina Malapit na rin kayong magkita nakangising sabi nito at sabay talikod. Mula sa kalayuan napatigil sa paglalakad at napatingin si adina sa lalaking papalayo. Nagtataka naman siya sapagkat palagi niya na lamang ito nakikita, minsan ay naiisip niya na sinusundan siya nito at baka may gawing masama sa kanya.




....





Kring................ Napaupo ako sa aking pagkakahiga at pinatay ang alarm. Arghhhhhh! Ang sakit ng ulo ko, pero ano ito? Bakit ako naluluha? Nanaman? Palagi nalang akong ganito. Naluluha ng walang dahilan.




“Cassandra! Jusmee marimar!” napatingin ako sa pintuan. Wtf? Dito natulog sila Ciara? Inis akong tumayo at binuksan ang pinto. “Hoy jusmiyo kang babae ka, maligo kana at papasok pa tayo” bungad niya sa akin. “Anong oras naba?” i asked.





“Aber! Alas dyes forty four na”




“Ano?!” I asked again.





“I said 10:44 na duhhh” maarteng tugon niyo at umalis na sa harapan ng kwarto ko. Arghhhh, kung di ko lang siya kaibigan baka nataboy kona siya sa bahay ko. Late na ako sa first subject ko bakit kase ako pumayag kahapon na uminom nagsisisi na tuloy ako pero pwede naman dahil nandoon si sir Bautista.





...





“Bakit mo siya hiniwalayan?” ciara asked. Nandito kami ngayon sa cafeteria at tinatanong si eavan kung bakit uminom kahapon. Napasama tuloy kami.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panaginip Where stories live. Discover now