Chapter 1

1.2K 69 10
                                    

Amara Calie's POV:

"Don't be too grumpy. Love"

Napairap nalang ako sa isip dahil sa tinawag niya sa'kin. Love. Kapag masaya siya at Amara Calie naman kapag nagtatampo or masama ang loob niya saakin.

Wala namang problema kung love ang tawag niya. Parehas naman kaming babae at wala namang malisya sakin yon. meron ngang iba riyan na babe, baby ang cs nilang magkakaibigan e.

"Kamay mo Amber Devon, ang kulit." Saway ko sakanya.

Nakikiliti kasi ako sa ginagawa niya sa tagiliran ko. Tumawa lang naman ang loka bago inalis ang kamay niya sa tagiliran ko.

Nagulat pa ako ng hinalikan niya ako sa pisngi bago umayos ng upo at nakangising humarap sa'kin.

"Sorry, namiss lang kitang asarin."

Napairap naman ako na siyang ikinatawa niya ng may kalakasan, dahilan kaya kami pinagtitinginan ngayon.

"Well hindi kita namiss." Pabirong sagot ko.

Namiss ko rin naman ang isang to. Kahit sobrang lakas niyang mang-asar.

"Ouch. It hurts" umakto pa itong nasasaktan at inilagay pa niya yung kaliwang kamay niya sa may dibidib niya.

Natawa naman ako bago ibinaling muli ang atensyon ko sa harapan.

Ilang oras pa ang itinagal namin sa loob ng gymnasium. Sobrang haba kasi ng speech ni Dean. Si Amber nga ay nakatulog na sa balikat ko.

"Hey, amber wake up. Tapos na" tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

To be honest, Sobrang ganda ni Amber. ethereal.

"Mhmm" napaiwas ako ng tingin. Sobrang lapit na kase nang mga mukha namin dahil nakasandal siya sa balikat ko kanina lang.

"fix yourself. babalik na sa classroom, Amber."

Tumayo na ako at pinagpagan ang suot ko. Habang si Amber naman ay mukhang lutang pa dalhin nakatingin lang ito sa'kin.

Kinuha ko na yung bag ko at inilagay sa balikat ko. Tiningnan ko ulit si Amber dahil hindi manlang siya kumi kilos.

Nagbabalikan na ang ibang studyante sa mga classroom nila, at ang magaling na si Amber De Luca ay nakangisi lang habang nakatingin sa akin.

"What--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Amber.

"April, you go first. Mag-uusap lang kami ni Calie." Nakangiting saad nito kay April.

Tumango lang naman si April at nagpaalam na na mauuna na siya. Gaya niya ay tumango nalang din ako.

"What is it, amber? Halika na malilate na tayo." Pag-aaya ko sakanya.

Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko, 10:30 na. Sobrang tagal pala ng orientation kaya naman nakatulog na ang isang 'to.

Napatingin ako sa paligid, may ilan-ilan nalang na students ang nandito sa loob nang gymnasium. Kami nalang rin dalawa ni Amber ang nandito sa kinaroroonan namin.

Napabaling ang tingin ko kay Amber na kanina ko pa ramdam na  nakatingin sa'kin. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin pero ng tiningnan ko siya pabalik ay kaagad sumilay ang malawak na ngiti sakanyang labi.

"Come here, Amara..." Itinaas niya ang dalawang kamay niya, signaling me na lumapit sa tabi niya. At dahil nakatayo ako at siya naman ay nakaupo sa bleacher.

Napatingin-tingin muna ako sa paligid dahil baka may nakatingin sa'min. I hate attention. Lalo na kapag kasama ko ang isa sa mga Arguelles.

Inabot ko ang dalawang kamay niya pero kaagad akong napatili ng bigla niya ako higitin dahilan para bumagsak ako sa lap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just You and Me Till the World ENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon