chapter15

44 3 0
                                    


sabi nila madali lang daw sabihin na gusto mo na ang isang tao.pero sa parte ko mahirap,dahil ilang beses ko na syang pinalayo at pinaramdam ko na hindi ko kaylan man sya magugustuhan. tulad ng dati kong nakarelasyon,nakakatakot din na,paano kung mag sawa kami pareho.paano kung nadala lang kami ng tukso at hindi talaga kami para sa isa't isa,paano na ang pagkakaibigan namin? were friends become couple, ayoko nun dahil awkward!

Three months na nung naka lipas mula nung nangyari ang mga pinagkwentuhan namin ni nikki. dahil sakanya napapaisip tuloy ako. kung gusto ko ba si Ranz? may feeling na ba talaga ako? paano ko naman malalaman yun kong sa loob ng tatlong buwan magkaibigan lang ang turing namin. nag bago na sya hindi na sya tulad ng dati na nauutal kapag ako ang kausap,hindi na sya yung buntot ng buntot sakin.hindi nya na din ako kinukulit about sa feelings nya sakin. sa madaling salita nag fade na ang nararamdaman nya sakin.

pero paano kong nagpapanggap lang sya? paano kong aamin ako ngayun baka umamin din sya na ako padin ang gusto nya?

paano kung wala na talaga?...

mali ba ako nung sinabi ko sakanya na tropa nalang kami?
kasalanan ko ba kong kaylan may namumuong feeling sakin for him.ngayun ko pa sya pinaiwas at inalok ng pagkakaibigan.

paano ko sasabihin sakanya ngayon na i like him.. no! i love him..

"VAKLAA!!! "

"h-huh? ano?" tanga kong tanong,

"vaklaa saang dimensyon ka napunta?kanina kapa tulala dyan sampung beses na kita tinatawag parang bingi ka dyan! may problema ba? about ba saan? sa Biology? tutulungan kita kong nahihirapan ka" si nikki.

"hindi,may iniisip lang,"

"tungkol saan?sa papa mo?" si nikki

"hindi,about sa..-"

"hayst mamaya mona sabihin yan tara sa court.tayo nalang dalawa dito sa room, tagal mo kasing tulala,may P.E tayo!" si nikki ang hinatak na ang kamay ko palabas.

ganun ba ako katagal na tulala para hindi mapansin na nagaalisan na ang mga kaklasi ko. hindi na maganda to.

hindi ako sumali sa P.E,nagdahilan akong masakit ang puson ko.kahit hindi. nag eenjoy sila charles,Ian.Solis. sa pag babandmenton. si nikki naman ay nasa tabi ko ayaw daw nya mag laro.

"so sabihin mona." humarap sya sakin at hinawakan ang balikat ko.dereksyo ang tingin nya sakin. "anong problema mo,wag mong tangkain na magsinungaling.kilala kita kaori" si nikki.

napatingin ako sa dereksyon nila ella at Ranz na nagtatawanan sa bench.

"dont tell me.you realize that you have feelings for Ranz." biglang sabi ni nikki na kinagulat ko.

"H-huh? a-no b-ba sinasabi m-mo!"

"Ulul! wag ako bakit ka nauutal? tanga mo vaklaa sabi ko sayo wag ako,kilala kita!"

"wag kanga sumigaw, staka hindi pa-"

"hindi pa? hindi pa ngayun? kelan mo sasabihin sakanya?" si nikki

"ano ba nikki,tumigil ka kung ano ano sinasabi mo,staka may ella na sya!"

"kung wala syang ella aamin ka kay Ranz!?"

"ewan ko sayo." bigla akong tumayo at aalis sana sa court pero ang epal ni nikki.

"ako magsasabi sakanya" seryosong banggit nya.

bigla ko syang hinila dahil pupunta sya sa pwesto nila Ranz!
nakakainis!!!

"ano ba nikki,pahamak ka naman e!"

The Cupid's Match[ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon