PROLOGUE

4.5K 199 6
                                    

“DARNA!”

Malakas kong sigaw para magbago ang anyo ko. Kailangan kong labanan ang babaeng ahas para hindi na siya makapatay pa ng maraming tao. Kailangan kong patigilin ang paghahasik niya ng lagim sa lugar namin.

“Ate, mag-iingat ka. Kaya mo ʼyan!” pagpapalakas ng loob na sabi ni Ding sa akin.

Tumango lang ako sa kaniya at lumipad na palabas sa bintana. Nagkakagulo ang mga tao dahil sa babaeng ahas. Kailangan ako ng mga tao, kailangan nila si Darna para mailigtas silang lahat mula sa mga extra.

“Babaeng ahas! Ako ang harapin mo!” malakas kong sabi nang makita ko na siya.

Nakakatakot siya. Sobrang nakakatakot ang mga mata niya.

“Babaeng lumilipad...” nakangisi niyang sabi sa akin.

Ang mga ahas sa ulo niya ay sobrang dami at nakakatakot talaga. Ibaʼt-ibang uri ng ahas at ng ito ay siguradong nakamamatay ang kamandag.

Binabalot ng takot ang puso ko pero kailangan kong labanan ito. Dahan-dahan ang naging paglapit ng babaeng ahas sa akin.

Para siyang zombie sa paraan niya ng paglalakad. Ang ulo niya ay tumatabingi at ang mga mata niya ay nanlilisik. Ang mga ahas sa kaniyang ulo ay humahaba at lumalaki.

“Ako si Valentina!” sigaw niya.

Mabilis kong iniwas ang sarili ko nang may isang ahas mula sa ulo niya ang lumaki at napadako sa akin.

“Bakit mo ginagawa ito? Anong dahilan mo?” malakas na tanong ko habang iniiwasan ang mga ahas na lumalapit sa akin.

“Wala kang pakielam!” sigaw niyang muli.

“Regina, itigil mo na ʼto!” sigaw ng isang lalaki.

Ang nanlilisik na mga  mata ng babaeng ahas ay napadako sa lalaking sumigaw. Si Ali ang lalaking ʼyon, kilala ko siya dahil siya ang madalas kasama ni Regina.

Bakit... Bakit niya tinawag ang babaeng ahas sa pangalan ni Regina?

“Hindi ako si Regina. Sinabi ko na sa ʼyo na ako si Valentina!” galit niyang sigaw rito.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Si Regina ang babaeng ahas? Paano nangyari iyon?

“Regina...” naiusal ko ang pangalan niya kasabay ang imahe ng maamo niyang mukha sa isip ko.

To be continued. . .

DarLentina (COMPLETED) Where stories live. Discover now